Chapter Eleven
"Your partner would be Ms..."
Please Lord.... Please..
"Monterreal."
Para akong nabagsakan ng langit dahil sa narinig ko. Hindi pwede 'to bakit si Ace pa. Don't get me wrong ha. Hindi naman sa mas gusto kong makapartner si Jarred. Pero bakit kasi kailangang si Ace pa?!
Halos mapunit na ata ang labi ni Ace sa sobrang ngiti! Akala ba niya nakakatuwa 'to?! Hindi nuh!
Pero nagulat kami nang bigla na lang magtaas ng kamay si Jarred.
"Sir there must be something wrong." Huh?! Bakit naman?
"What's the problem Mr. Buenavista?"
"I also got number 6."
O.O Really?! Napalingon ako sa kanya.
"Pero imposible. Dinouble check ko ang numbering ko so I know na walang nagdoble sa mga naisulat ko. Come here Mr. Buenavista. Let me see your number."
Tumayo si Jarred at ibinigay kay Sir yung number niya.
"Ahh. What about yours Mr. De Vera. Let me see your number." Ngayon naman si Ace ang tumayo para ibigay ang number niya kay Sir. Napatango Sir na para bang alam na niya ang sagot.
"Okay. There is just a little misunderstanding here. You may both go back to your seats. Thank you gentlemen. Okay Ms. Monterreal, your partner would be Mr. Buenavista."
"What?! But Sir!!" Reklamo naman ni Ace. Yung kaninang maaliwas niyang mukha ay napalitan ng pagtataka.
"Mr. De Vera. The number you picked is not number 6 but 9. As you can see," ipinakita ni Sir yung dalawang papel. "Itong papel ni Mr. Buenavista any may guhit sa ilalim ng ng number at iyong sayo wala. I put the 2 lines under his number to indicate the difference between number 6 and number 9. Ibig sabihin, ang partner mo talaga ay si Ms. Feliciano."
"What?! F*ck!"
"Are you cursing me Mr. De Vera?!"
"No Sir. That's for the joke that destiny put on me." Pagkatapos noon hindi na siya nagsalita pa. Mukhang nabadtrip ata?
Hay naku. Hayaan ko na nga siya. At least ngayon nakahinga na ako ng maluwag. Kahit papaano naman siguro mapagtyatyagaan ko itong lalaking 'to.
Humarap ako sa likod para tignan siya. "Psst." Tawag ko sa kanya kaya bigla siyang napatingin pero hindi siya nagsalita. "Anong plano mo sa project? Kailan natin sisimulan?"
And then again, what I received as a response was just another glare. "Psh! Sungit. Daig pa yung babaeng nireregla." Bulong lang talaga dapat yun pero sinadya kong lakasan ng konti para marinig niya.
"What did you just say?!" Yes! Now I got real response. Effective pala yung ganitong technique. Dapat pala inaasar ko siya para pansinin niya ako. "Wala! Bakit may narinig ka ba?!" Nakipagtagisan ako ng tingin sa kanya. Huh! Akala ba niya susuko na lang ako basta basta.
Unti unti niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Palapit ng palapit ng palapit. Pero di ko pa rin inaalis ang tingin ko sa kanya kahit magkaduling duling na ako.
"Do you wanna die?" Sh*t tumindig balahibo ko dun ah! Nakakatakot naman 'tong lalaking ito. Mukhang totoohanin kasi niya eh. Naku mahal ko pa buhay ko nuh! Kaya naman umiling na lang ako. Mahirap na nuh. Magkasama kami sa bahay kaya malaki ang chance na totohanin niya. "Then shut the f*ck up." Gosh! Ang bango ng hininga niya.
BINABASA MO ANG
Married to Mr. COLD HEARTED??!
Dla nastolatkówI used to believe that forever starts when someone got married and live together for the rest of their lives. That's what they call happy ending. But not in my case.. Because the marriage that was supposed to be the start of forever and happy ending...