CHAPTER 1

21 1 0
                                    

               CASSIE LYN POV

Pagkarating namin sa bahay ay agad kaming sinalubong ni mama na ngayon ay nakadungaw sa may pinto.

"Cass, bat natagalan ka?" Tanong agad nito ng makarating kami ni Ven.

"E yung anak niyo,ang layo-layo ng narating," sambit ko ngayon kay mama. Kinuha niya naman ito.

"Amm, amm," sambit ni Ven.Amm amm daw,ibis kumain Amm.

"Kain?" Tanong ni mama tumango naman si Ven. Kanina ngalang kumakain ngayon kain nanaman.

Tabatsoy nga talaga.

"Ma nasan ang dalawa?" Tanong ko kay mama ngayon na tumngin naman ito sa dereksyon ko.

"Yung dalawa?" Balik niyang tanong saakin kaya tumango nalang ako bilang sagot.

"Nandon sa kwarto," alis ni mama at pumunta sa kusina. Kakain nanaman yung tabatsoy.

"Ate Cass may lakad ako," bungad saakin agad ni Cassandra. Saan na naman to pupunta?

"Saan?" Seryosong tanong ko.

"Edi doon sa mga kaibigan niyang mga malalandi," pakikisaw-saw ni Calliana sa usapan namin na ngayon ay gumagawa ng mga assignment.

"Hoy Liana e tikom monga yung bibig mo," diin na sambit nito.

"E totoo naman." Inis na sagot nito.

"Saan ba ang punta mo?" Seryosong tanong ko. Umirap naman sila sa isat-isa bago sumagot saakin si Sandra.

"Sa bar," sambit nito sa amin ni Liana na ikinatingin namin sa kanya ng masama. Bar mo mukha mo! Akala mo papayagan kita.

No way!

"Bar? As in bar na maraming mga taong sumasayaw?" Gulat na tanong ni Liana sa kanya  tumango naman ito.

"Oo, may pake kaba?" Usal nito kay Liana sabay irap.

"Si ate Cass yung kausap ko, kaya wag kanang makisaw-saw sa usapan namin." Sambit nito.

"Ano pupunta ka sa bar nayon? Pag may nangyari sayo iiyak ka na naman sa harap namin." Inis sa boses na bulyaw ko ngayon sa babaeng 'to.

"E kahapon pa parating naglalakwatsya. Tapos ngayon mag babar ka! Akala mo maraming pera." Parinig ni Liana kay Sandra.

"Ikaw ba kausap ko?" Galit na tanong nito. Haysst bakit ba palagi nalang silang nag-aaway?

"Hindi."

"Di tumahimik ka," sambit nito at nag-irapan naman ang dalawa.

"Hindi pwede Sandra," hindi pagsang-ayon ko. Tumingin naman ito saakin ng may pagtataka.

 SERIES 1#MY STALKER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon