CHAPTER 8

8 1 0
                                    

             CASSIE LYN POV

Pababa ako para magbayad sa hospital. Nakaka pagod nga akyat baba ako. E pano ba ako ang panganay kaya ako nga dapat ang uutusan.

Nakita ko ang nurse na may kausap na lalaki. Parang nagbabayad ito sa hospital. Naka sunglasses ito  pang mayaman ang suot niya.

Mukhang gwapo naman ang bintang yun, pero I think namaumukhan ko siya. Hindi ko lang tanda ko saan o kaylan ko nakita.

Binalingan naman ako ng tingin nito ngunit hindi gaano ka tagal kaya hindi ko gaanong nakita ang mukha niya.

Umalis naman ito kaya agad akong pumunta sa nurse na kausap niya kanina.

"Nurse mag babayad ako sa bayarin dito sa hospital!" Sambit ko ng makarating ako.

"Ano po ang pangalan?" Magalang na tanong nito.

"Cassandra Mae  Sanchez!" Usal ko.

"May nagbayad napo!" Sambit ng nurse na ikinataka ko.

"Ho? Wala namang nagbayad sa pamilya ko?" Takang tanong ko. Sino nanaman kaya ang nagbayad?

"Kakaalis lang po ng lalaking nag bayad!" Tingin ng nurse sa listahan.

Wait yun ba yung lalaki nayon?

"Miss, yung kausap niyo ba kanina?" Tumango naman ito kaya tumakbo ako ng mabilis para maabotan pa ito.

Pagkalabas ko ay agad kong hinanap ang lalaki kanina. Naka souit siya ng nakita ko ito.

Pero sino nga ba siya?

May nakita naman akong lalaki na naka talikod kaya hinawakan ko braso niya.

Nagulat naman ito. Hindi siya yun, kahit hindi ko tanda ang mukha niya alam kong hindi talaga siya to.

"Ano bang problema miss?" Galit sa boses ng lalaki. Hindi talaga siya to.

Sino kaya yun?

"Sorry po, akala ko kasi ikaw yung kakilala ko!" Pagsosorry ko sa kanya umalis naman ito.

Napabuntung hininga nalang akong bumulik sa hospital.

Nagulat naman ako ng may nabangga akong lalaki.

"Sorry!" Walang ganang sambit ko.

"It's okay Mrs." Rinig kong sambit nito. Hindi ko naman iyon pinansin at  umalis lang na hindi man lang  tinitignan ang mukha niya.

Wait! Mrs? Siya bayon?

Bumalik nanaman ako sa kaninang lugar kong saan ko nabunggo ang lalaki. Ngunit wala na ito pagbalik ko.

Nasan nanaman yun?

Sino ba siya?

Nagpalinga-linga ako sa paligid ngunit wala nga akong nakita. Bakit kasi hindi ko tinignan?

Malay ko bang siya yung lalaki nayon.

Bumalik ako sa hospital ng parang latang gulay. Pagkakataon ko na sana yun e sinayang ko pa.

 SERIES 1#MY STALKER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon