CHAPTER 3

12 1 0
                                    

CASSIE LYN POV

Dalawang araw na ang lumipas ay hindi parin siya nakakauwi ng bahay.
Nasan naba yung babae nayon?

"Anak nasan nayong kapatid mo? Halos dalawang araw narin yung lumipas." Pag-aala ni mama. Kahit ganon si mama alam kong mahal niya si Sandra.

Pinaalam nanamin sa mga pulis ang pagkawala ni Sandra, at hinahanap siya ngayon. Pero kahit na ganon ay nag-aalala parin kami sa kalagayan niya.

Nakita ko naman si Liana ay papalapit saamin. Nasan naba siya?

"Ate Cass, nandito na si ate Sandra?" Tanong niya ngayon ng makarating ito sa kinaruruonan namin.

"Hindi panga e," sambit ko sa kanya.

"Mama, amm-amm!" Punta ngayon ni Ven saamin. Kinuha naman ito ni mama at pumunta sa kusina.

Hay! Nasan naba ang babaeng yun?Kahapon pa hindi yun nagpapakita.

May nakita naman akong pulis ngayon ay papunta sa bahay namin. Ano na hanap naba nila si Sandra?

"Ma'am kayo ba ang pamilya ni Cassandra mae Sanchez?" Tanong ng pulis tumango naman kami ni Liana.

"Opo! Bakit po? Nahanap niyo na ba ang kapatid ko? " Maraming tanong ko sa pulis. Tumangin naman ito saakin ng seryoso.

"Ang kapatid niyo ngayo ay nandon sa hospital," lintaya ng pulis saamin ni Liana.

"Ano? Hospital? Bakit at paano?" Pag-aala sa boses ni Liana ay halata sa mukha na nag-aalala ito.

"Ginahasa siya! At sa ngayon hindi panamin nakikita ang lalaking iyon," sa sinabi ng pulis ay parang nawalan ako ng lakas.

"Ano ginahasa ang anak ko?" Pagsulpot ni mama at lumapit sa pulis.

"Opo nandon siya sa hospital at maramimg pasa sa katawan," sambit ulit ng pulis.

Napaiyak naman si mama sa narinig niyang iyon.

Dali-dali kaming nagbihis ng malaman namin kong saan si Sandra. Mapapatay ko talaga ang gumahasa sa kapatid ko.

"Cass! Mauna na ako, ikaw nalang bahala kay Ven." Taranta ni mama hindi paman ako nakakasagot at iniwan niya na ako.

"See!" Sigaw ko.

"Ate Cass! Una narin ako hah?" Paalam ni Liana saakin tumango naman ako.

"Mag-ingat ka," sambit ko nginitian niya naman ako ng tipid.

"Kayo din ni Ven!" Smbit niya at nagmadaling umalis.

Nang nakaalis sila ay agad ko namang tinawag si Ven upang makapagbihis na.

"Ven!" Sigaw ko ngayon.

 SERIES 1#MY STALKER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon