CHAPTER 5

8 1 0
                                    

             CASSIE LYN POV

Nagising nalang ako ng may naririnig akong mga ingay. Saan ako? Ang naalala ko umiyak lang ako.

"Ma! Gising na si ate Cass!" Sigaw ni Liana ngayon. Bakit ako nandito? Diba kasama ko yung lalaki?

"Anak! Ayos kana'ba?" Pag-aalalang tanong ni mama saakin tumango naman ako ng medyo may pagtataka.

"Ma! Sino at bakit ako nandito?" Dimakapaniwalang tanong ko. Ano to hospital bed? Na hospital ba ako?

"Iwan rin namin anak." Sambit ni mama. Hah? Bakit di nila alam? Sino ba naghatid saakin dito?

"Hah? Din'yo alam?" Takang tanong ko sa dalawa. Pano ng yari yon? Ang natatandaan ko umiyak ako sa bisig ng lalaki.

Wait nakatulog ba ako?

"Anak! Wag mo ng ituloy ang plano mo!" Paghawak  ni mama sa kamay ko. Wait bakit ba kasi ako nandito?

"Ate Cass! Masisira lang ang buhay mo! Total pinahuli nanamin sila sa mga pulis." Hawak ni Liana sa isa kong kamay.

"Ate Cass!"

"Sandra! Bakit ka nandito? Dapat nagpapahinga kapa!" Pagpunta ko sa kanyang gawi at inalalayan itong tumayo.

"Tama si mama ate Cass, dapat ang kurte ang magdesiyon at hindi tayo!" Paghawak ni Sandra sa kamay ko. Hayyst.

"Per--"

"Anak! Nilikha tayo ng diyos, at hindi tayong pwedeng pumatay sa nilikha niyang tao.. Tanging siya lang ang may karapatan don!" Paalala ni mama saakin. Nilikha? Nilikha ba sila ng diyos? Demonyo ang lumikha sa kanila, hindi sila alagad ng diyos.

"Nilikha? Nilikha ng diyos Ma? May ganon ba kasama ang nilikha ng diyos?" Seryosong tanong ko sa kanila.

"Pero ate Cass, kong maghihiganti ka ano ang pinagkaiba mo sa kanila? Magiging katulad karin nila." Pangangatwiran ni Sandra ngayon. Alam kong mabuti si Sandra ayaw niyang may mapahamak.

"Tama si ate Sandra!" Pagsang-ayon ni Liana kay Sandra. Abah? Pinagtutulungan ba nila ako?

"Ate Cass, remember ate ka tapos magmamatigas kapa?" Tanong ngayon ni Liana. Kahit ang babaeng to di ako kinakampihan.

"Anak, alam mo ang paghihiganti ay walang mararating." Usal ni mama. Alam ko!

"Ma, alam ko!" Tanging na sabi ko. Tinapik naman nila yung balikat ko.

"Dapat ba nahayaan na sila?" Tanong ko sa kanila tinignan naman ako nila.

 SERIES 1#MY STALKER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon