CHAPTER 21

4 0 0
                                    

          CASSIE LYN POV

Hindi ako pumasok ngayon dahil masakit ang puson ko. Isang araw panga binanggit ang regla ngayon imipekto na.

"Hoy Liana! Bilhan mo ako ng napkin!" Pagsisigaw ko. Pumunta naman siya dito.

"May pera ka?" Tanong niya ngayon.

"Bweset ka nagtanong kapa!" Inis na sagot ko. Nabwubweset  talaga ako sa mukha ng babaeng to.

"Paano ako bibili kong walang pera, aber?" Sambit nito. Wow! Pinapainit niya ba talaga ang ulo ko?

"Liana, nasa bag ko. Bweset ka bilisan mo! Kasalanan mo to e!" Wika ko. Tinignan niya naman ako.

"Bakit naging kasalanan ko?" Takang tanong nito. Wow felling ka d'yan.

"Kong hindi mo lang ako dinamay di hindi pa dapat ngayon'to lumabas." Inis na bulyaw ko sa babaeng to.

"Malay ko'bang uubra yung ginawa ko," ani niya.

"Bilisan muna baka mapatay kita." Galit sa boses ko. Bat ba ang sakit nito?

"Ako nalang palagi ang may kasalanan," parinig niya. Sino ba e kami lang naman dalawa ang nireregla.

Sino sisihan ko si Sandra?

"Sino ba dapat?" Tanong ko.

"Si San-- ahh basta!" Inis sa boses niya.

Sandra utot mo.

"Umalis kana, tapos bumili ka ng ice cube!" Sambit ko.

"Walang ice cube!" Wika nito na ikanainis ko talaga.

"Bobo basta yelo!" Sambit ko.

"Kong wala!"

"Umalis kana Liana mapapatay kita." Galit na bulyaw ko sa kanya nagmadali naman siyang umalis.

"Putang inang puson to!" Pagmunura ko sa kwarto ko.

"Ate Cass," may narinig naman akong tumawag sa pangalan ko. Kaya lumingon ako doon.

"Ohh Sandra!" Pilit na bigkas ko. Malaki na pala ang tiyan niya?

"Ate Cass," lapit niya saakin.

"Ayus kalang?" Tanong niya. Tumango naman ako kahit hindi ako okay.

"Ilang buwan na nga yang tiyan mo?" Tanong ko.

"3 month!" Sambit niya habang hawak hawak niya ang malaki niyang tiyan. Ang laki naman ata? 3 months panga bakit parang 6 or 7 months na?

"Ikaw Sandra ayos kalang?" Tanong ko kahit masakit ang puson ko ay nagawa ko parin itong tanungin.

"Ayus lang naman, parang excited nga ako sa lalabas kong baby!" Masaya sa kanyang boses. Halata sa mukha nito na masaya ito para sa kanyang anak.

"Ayy oo nga, ate Cass kain na daw." Sambit niya.

"Mamaya na ako," pabalik na usal ko sa kanya.

"Sige," sagot niya at umalis. Ano bang buhay to? Palagi nalang bang sasakit ang puson na'to?

"Ate Cass!" Tawag ulit saakin ni  Liana.

 SERIES 1#MY STALKER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon