CHAPTER 23

3 0 0
                                    

          CASSIE LYN POV

              * 3 YEARS PAST *

Tatlong taon ang nakalipas. Para paring isang araw lang ang lumipas ang nangyari noon.

Pilit koman kalimutan bumabalik parin sa isip at puso ko ang sakit.

Bakit ba di natin pwedeng diktahan ang puso natin? Bakit ba mahal parin natin ang tao kahit sinaktan na tayo  ng paulit-ulit?

Dahil sa pag-ibig! Bakit ba pag nagmamahal nasasaktan? Parte bayun sa pag-ibig? Kaylangan ba  masaktan para maging masaya?

"Cass!" Tawag ni Lola saakin. Nandito kasi ako sa probinsya. Tatlong taon narin ako dito.

Nagpaalam naman ako sa pamilya. Akala ko makakalimutan ko na ang masakit na kahapon ngunit mas lalo kulang siyang minamahal ng subra. Iniisip ko siya kahit wala siya.

"Ano yun la?" Tanong ko kay lola. May ginagawa kasi ako, nagtatanim ako ng mga bulaklak.

"Ija, uuwi kana ba sa bahay ninyo?" Tanong ni Lola saakin. Pwede na ba?

"Baka sa susunod na taon nalang," sagot ko. Napabuntung naman si Lola bago tumingin saakin.

"Cass, dahil ba ito sa lalaking minsan moring minahal?" Napahinto naman ako sa naging tanong ni Lola saakin.

"Hah?"

"Ija, kaylangan moring magpatawad. Naalala mo ang Lolo mo? Minsan rin yun nagluko ngunit saakin parin siya bumagsak!" Pagbabahagi ni Lola sa kwento nila ni Lolo. Magkaiba kasi yun.

Hindi naman naging kami pero bakit ang sakit? Parang MU lang. HAHAHA! Ang sakit parin. Nakita ko talaga lahat ng eksenang ginawa nila.

"La! Magkaiba yun!" Usal ko. Nginitan naman ako ni Lola.

"Ija, kaylangan rin ng patawad. Ito tandaan mo. Paano ka sasaya kong may lungkot jan sa puso mo." Sambit ni Lola Lanny saakin. Pano nga ba?

Natahimik naman ako saglit.

"Mahal!" Tawag sa kanya ni Lolo Ben. Na all ang ganda ng nickname mahal talaga.

"Oh, ano?" Tanong ni Lola ng nakarating si Lolo Ben sa aming gawi.

"Ija, may dadayung taga maynila. Taga medical center daw! Dapat may isang sumalubong sa kanila. E ikaw lang naman ang galing sa maynila kaya tiyak ako na magkakasundo kayo." Mahabang lintaya ni Lolo Ben.

"Medical center po Lo?" Tanong ko tumango naman siya.

"Oo, mamaya gabi ang dating nila. Dito sila sa bahay natin titira. Marami kasing nagkakasakit dito kaya pinapunta ko ang mga grupo ng mga taga health center."

"Sige po Lo! Pupuntahan nalang ako mamayang gabi." Nginitan naman ako ni Lolo Ben.

Sila Lola at Lolo kasi ang nagmamayari sa farm na'to kaya malaki talaga ang bahay nila. Hindi naman siya matatawag na mansyon.

 SERIES 1#MY STALKER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon