Sinipag po ako ngayon mag-UD . Haha.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~•Mysterious Car
Vanessa's POV
Nang nakalabas na kami sa bar. Hinanap namin ang sasakyan ni Right. Nakita namin ito agad dahil malapit lang pala sa may entrance ng bar. Pinagbuksan nya ako ng pinto bago sya pumasok sa sasakyan. Napakagentleman niya talaga.
Pagpasok nya sa kotse. Bigla syang lumapit sa akin. Tila kinakabahan ako sa gagawin nya. Papalapit na sya sa akin. Pinikit ko na lang ang aking mga mata.
Lord kayo na po ang bahala sa akin. Dapat di agad ako naniwala sa mga pinagsasabi nito. Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh.
Teka bat parang ang tagal nya. Dumilat ako. Nakita kong kinukuha niya yung seatbelt sa may upuan ko.
"A-ako na. Kaya ko na." nauutal kong sabi sa kanya.
Bigla naman syang natauhan at lumayo.
"Ah-eh. Hehe. Sorry. Sige ikaw na." namumulang sagot nya sakin habang ang kanyang kamay ay kapatong sa likod ng ulo nya.
Ang kyut nya kapag nagblablush. Sinimulan na nya ang pag-andar ng kanyang sasakyan. Habang bumabyahe kami. Binuksan niya ang radio ng sasakyan.
Biglang tumugtog yung sikat na kanta ni Kim Chui na Mr. Right.
(Play niyo na lang po nasa multimedia.)
Isang araw na di' handa
Naglaro ang tadhana
Nang ikaw makita
Mata natin ay nagtugma
Puso ko may kulang, napuno nalang bigla
Bakit kaya? Pagibig na kaya?Hindi ko mapigilan ang aking nadarama
Pag ika'y kasama, ang pangit ay gumaganda
Sabi nga nila, kung tunay ang pagsinta
Mala pelikula, happy ending paIkaw nga ba si Mr. Right?
Ikaw nga ba ang love of my life?
Ikaw nga ba ang icing sa ibabaw ng cupcake ko?
Ikaw nga si Mr. Right? (Mr. Right)
Ikaw nga ba ang love of my life? (Of my life?)
Ikaw nga ba magbabalik ngiti sa'king mga mata
Si Mr. Right ka ba?
Mr. Right na ba? Mr. Right ka ba?Biglang natawa si Right.
"Ang galing talaga ng tadhana noh.? HAHAHA !" galak na sabi nya.
Napapikit na lang ako dahil doon. Nananadya ba tong tadhana na to.
"Ako na kaya ang Mr. Right mo? Tanong nya sa akin.
Ano? Agad-agad?!
"A--ano sabi mo?" pautal kong sagot. Syempre kunwari di ko narinig. Ayoko nga ng paeasy to get.
"Wala. Sabi ko saan yung address ng bahay mo. Para maihatid na kita." paibang topic nya.
Natawa naman ako sa kanya at sinabi ang address ng bahay namin.
"Mystica. Wake up. Nandito na tayo." gising sa akin ni Right.
"Hala. Nakatulog pala ako. Sorry." sagot ko.
"No need. Hindi na kita ginising kase ang himbing ng tulog mo. Mukha kang anghel kapag tulog ka." sabi niya.
Napailing na lang ako sa kanya.
Tinanggal ko na ang seatbelt at aakmang bubuksan na ang pinto ng biglang syang nagsabi ng "Wait, ako na magbubukas nyan."Hinayaan ko na lang. Lumabas na ako pagkabukas sakin ng pinto ng sasakyan.
Magpapaalam na sana ako sa kanya ng may nakakuha ng atensyon ko. Ang sasakyan na nakatapat ng bahay namin. Tila ba meron itong binabantayan o imahinasyon ko lang iyon at nakapark lang talaga sya.

BINABASA MO ANG
The Killer's Obsession
General FictionAng istoryang ito ay Rated S-P-G. Striktong Patnubay at Gabay ang kailangan. Maaaring may maseselang tema, linguwahe, karahasan, sekswal, horror o droga na hindi angkop sa mga mambabasa. For open-minded only.