~ Chapter Six ~

11.8K 275 13
                                    

Hello guys ! Dahil wala kaming pasok ngayon mag-uud na ako ! Hahaha.

Here it goes.

° The Unknown Number

Vanessa's POV

*After 3 weeks*

Hayss. Nakakapagod pala doon sa trabaho na naatas sa akin. Ang sungit-sungit pa ni Mr. Orlando. Utos dito. Utos doon. Design dito. Design doon. Edit dito. Edit doon. Daig nya pa ang babae sa pagkastrikto. Nakakainis. Buti na lang at maaga kami pinauwi dahil sa hindi ko alam ang dahilan. Ngayon ay inaayos ko na ang gamit ko para makauwi na mamaya.

"Vanessa, manonood kami ng Heneral Luna. Sama ka? Sabi nila maganda daw yun." alok sa akin ni Mary. Isa sa katrabaho ko dito at naging kabarkada din.

Hmm. Mukha ngang maganda yung palabas na yon. Mapanuod nga. Ay yayayain ko sila Andeng.

"Sige sasama ako. Itetext ko lang yung mga friend ko kung gusto nila sumama para makilala nyo rin sila." sagot ko.

"Sigisigi ! The more the merrier !" excited na sabi nya.
So tinext ko na sila Andeng at Tine. Sabi ni Andeng susunod na lang daw sya at may kailangan daw syang kausapin. May away na naman siguro sila ni Mike. Si Celestine naman di daw pwede. Ayaw syang payagan ng boss nya. Bakit kaya? Mamaya ko na lang sya tatanungin about dyan.

"Ano na Vanessa, ok daw ?" tanong ni Nicklaus. Kasama din kasi sya.

"Yung isa hindi daw pwede. Tapos yung isa susunod daw satin. Aalis na ba tayo ?" sabi ko.

"Yap. Kaya tara na. Baka late na tayo nakapanuod non." sagot ni Victoria.

Nag-out na kaming anim. Ako, si Mary, Victoria, Angelo, Michael at Nicklaus. Nagtext sa akin si Andeng. Hindi na daw sya makakasunod sa amin dahil ang moody daw ni Mike. Sabi na eh. May away sila.

"Guys di na raw nakakapunta yung dalawa kong friend. Next time na lang kapag may free time sila. Busy eh." sabi ko sa kanila.

Ok lang naman daw sa kanila. Sumakay na kami ng bus papunta sa mall.Then bumili na kami ng tickets sa sinehan.

Fastforward
(After nilang manuod)

"Ang ganda ng movie. Grabe !" sabi ko.

Honestly guys. Super ganda nya. As in. Must watch talaga. Ang astig ng effects. Tsaka may malalaman ka pa na infos sa history natin na hindi nyo alam or naturo. Hands down ako sa producer at direktor ng Heneral Luna. *clap clap clap*

"Favorite part ko yung sa train part." sabi ni Mary.

"Ako yung sa battle of Bagbag." sabi ni Michael.

"Ako yung Artikulo Uno. Dabest na batas yon. Hahaha." sabi ni Nicklaus.

"Grabe ! Nakakainis talaga si Emilio ! Naku ! Sya pala nagpapatay kay Luna." inis na sinabi ni Victoria.

(A/N: Sa mga nakapanuod na, alam nyo kung ano yung binabanggit nila. *0* Gusto ko talaga yung mga part na yan. Sa mga hindi pa nakakanuod, manuod na kayo. I swear magandang movie ang Heneral Luna. Sorry kung may kaunting spoil. Nasa multimedia pala yung trailer ng Heneral Luna.)

"Beastmode na naman sya. Katulad sya ni Heneral. Mainitin ang ulo." komento ni Angelo.

"Sayo lang naman sya nabibeast mode eh." asar ni Mary.

Lahat tuloy kami biglang nagsabi ng "Ayieee kayo ah." Tapos biglang nagkaroon ng awkwardness sa kanilang dalawa. Natawa na lang kami. Pero biglang nahinto yung pagtawa ko nung may nagtext sa akin. Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa ko. Napansin naman ako ni Klaus (short for Nicklaus) kaya napatanong sya.

"Anong nangyari Vanessa ? Balit gulat na gulat ka ? Ano ba sabe sa text ? sunud-sunod na tanong nya.

Pinakita ko na lang sa kanila yung message ng nagtext sa akin.

+6392*********

Hi Vanessa Nicole ! How's your day babe? Your beautiful in your outfit right now. That's your outfit in the office right ? And you also watched Heneral Luna. Its awesome right ? Oh by the way you look cute when you laugh.

P.S. See you soon babe.

-TRM

"Ayiee ! May boyfriend ka na pala di mo sinabi sa akin." sabi ni Victoria.

"Hala, wala ah. NBSB kaya ako." tanggi ko.

"Kung ganoon sino yan? Kilalang kilala ka oh. Ay, baka stalker mo yan." sabi ni Mary.

Nagkibit balikat na lang ako. Nagsabi ako sa kanila na pupunta ako ng restroom saglit para mag-ayos. Sumama naman sa akin yung dalawang babae.

Habang nag-aayos ako, biglang tumunog ang cellphone ko.

*ring*
*ring*

Nagulat ako kung sino yung tumawag.

Calling +6392********* ...

Sh*t! Sasagutin ko ba o hindi ?

°End of Chapter Six°

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Yes ! Natapos ko rin. Haha. Short update lang po muna.

Ayan na. Nagpaparamdam na sya. *insert evil grin here*

Vote po kayoo ! Don't forget to comment your thoughts/ideas and everything sa comment box dyan.

P.S. Guys pray nyo ko para sa prelim week exam ko.
Dats all . Thank you.

The Killer's Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon