~ Chapter Twelve ~

2.5K 52 26
                                    

*The Party

Vanessa's POV

Bakit ba may kumakalabit sakin? Ang sarap - sarap ng tulog ko eh. Ang tigas naman ng unan ko. Kinapa-kapa ko sya. Napakunot ako. Teka bakit parang muscles ata ito.

"You're not a prevert, right?"

Teka sino yon? Ay shi- nasa helicopter nga pala ako. Lord, please kunin nyo na po ako. Kanina pa ako napapahiya dito. Wala na akong mukhang maihaharap sa kanya. Paano ba ako aalis dito sa pwesto ko? Shunga lang Vanessa, syempre iaalis mo yung ulo sa braso nya at aarte ng parang walang nangyari. Oo ganon na lang gagawin ko.

Napatingin ako sa kanya habang inaalis yung ulo ko, parang tulog naman si kuya mo.

"Oh you're finally awake" bigla bugad na bati nya sakin. Gising po pala sya. "Thats good 'cuz we're here" dagdag nya.

Nag-awkward smile na lang ako at nag-sorry since di ko sure kung ano dapat kong gawin potek.

Nauna syang bumaba then tinulungan nya ako sa pagbaba, magsasalita pa sana ako kaya lang bigla-bigla naman syang umalis. Hmmp sungit. Napatingin naman ako sa lugar ng party, nasa isang isla kami siguro pribado dahil wala akong makitang iba pa bukod sa tubig tsaka sa mansyon na bahay or baka malaki kasi yung isla kaya di ko pa nakikita yung iba.

At dahil hindi ako familiar sa place, nagtanong ako kung saan yung banyo since bigla nga akong nahatak ng hindi nakakapagpalit. Nakakahiya na pants at plain tshirt lang ang suot ko.
Hindi naman nagtaka yung pinagtanungan ko kung bakit iyon suot ko, siguro kase imposibleng may party crasher dito.

Binkusan ko yung binigay sakin, and O-M-G, sobrang yaman ba talaga ni James para mabili nya 'to?
Isang gray cocktail dress sya pero kasi Marc Bumgarner yung tatak ng dress, then sinearch ko online nakita ko na $7000 yung presyo nya.

Ang yaman ng magiging jowa ko, shet wag muna ako mag-assume hahaha.

Sinuot ko na yung dress at yung heels. (Picture of that is nasa taas) at naglagay ng kaunting make-up.
Malayo yung restroom na napuntahan ko sa mismong venue ng party, kaya naglakad pa ako papunta doon. Mayroon bantay bago ka pumasok kaya di muna ako tumuloy, tinext ko na muna si James na nandito na ako at nahihiya akong tumuloy sa venue.

Lumipas ang ilang minuto, wala pa rin akong natatanggap na mensahe galing kay James at di pa rin nya ako pinupuntahan. Nagpasya na lang ako na hanapin na lang sya doon. Katulad kanina, hindi ako hinarang ng mga bantay kaya dire-diretso lang ako hanggang makarating ako sa loob.

Namangha naman ako dahil halatang pinaghandaan at bonggang bonga ang pagkakadesign sa party venue. Napansin ko na 75th birthday party ng lolo ng client ni James sa cake na nakita ko. May mga table number na nakalagay sa gitna ng pabilog na mesa yung mga nakikita kapag sa catering pero elegante ang datingan. Sobrang daming tao at halata na puro business ang pinag-uusapan nila kase di ako makarelate. Nakita ko sa table seven si James na may kausap na matanda. Lumapit ako papunta sa kanila.

"Uhm.. James?" Ani ko. Napatingin naman silang dalawa sakin. Ngumiti na lang ako sa kanila. Agad-agad naman tumayo si James noong nakita ako.

"This is Vanessa Nicole, my date for tonight." pakilala nya sa kausap nya. "And this is Mr. Leabres, one of our directors." pakilala nya sa akin.

"Nice to meet you po, Sir" sabi ko sa matanda at inabot ko ang aking kamay para makipagshake hands.
"You, too" sagot sa akin ni Mr. Leabres.
"Well sir, hanapin lang namin yung table namin" excuse ni James at tumango na lang si Mr. Leabres.

Habang naglalakad kami napansin ko ang kanyang suot. Simpleng white tuxedo at black shoes yung outfit nya.

Table number 18 yung nakaassign sa amin. Pinaupo nya ako at tumabi sya sa akin. "How's your experience riding helicopter?" Panimula nya. "and I'm sorry di kita nasamahan, may pinaasikaso yung client namin kaya nauna na ako dito." dagdag nya sabay kuha ng kamay ko ay hinalikan nya yon. Kinilig naman ako.

"Ano ka ba okay lang, may nakasama naman ako doon kaya lang masungit" sagot ko. Kumunot naman yung noo nya. "Kasama? Who?" Tanong nya. Nagkibit balikat ako since di ko nga kilala yung nakasama ko. "Well nevermind about that. At least safe ka na nakapunta dito." ani nya at di pa rin nya binibitawan yung kamay ko.

"Nandito ba dad mo?" Tanong ko. "No, nasa Cebu sya for another client. Ako na daw bahala para sa proposal na ito since malapit na namin mapaoo yung client namin." Sagot nya.

Napatingin sya sa damit na suot ko at napakunot na naman sya. "Bakit, may problema ba sa suot ko?" Tanong ko. Pangit ba sa'kin yung damit? "That's not --" di na natuloy yung sasabihin nya dahil may tumawag sa kanya na babae. Napatingin kami pareho ni James sa tumawag sa kanya. Maganda, sexy, nasa mga edad namin ni James yung edad nya at halata na mayaman yung babae.

"Let's talk later, okay? She's important for tahe proposal." Paalam sakin ni James. Wala naman akong nagawa kundi pumayag since mahalaga sa kanila yung proposal kahit nakaramdam ako ng konting selos.

Dahil wala akong magawa kinuha ko ang cellphone ko at binalik sa normal mode. Ang daming messages akong natanggap galing sa dalawa kong bestfriend at isa galing sa unregistered number. Binuksan ko iyon at binasa.

From: 09*********

Where are you?

10 am sya nagsend. Sakting pagkabasa ko ay may magtext ulit galing sa same number.

From: 09**********

Now I see you, you look stunning babe.

Kinilabutan ako noong mabasa ko yung babe sa huli. HE'S HERE. HE'S HERE.

Napatingin naman ako sa paligid ko at hinanap sya. Hindi ko sya makita, pano nya ako nakita? Maya-maya may nagtext ulit sa phone ko

From: 09**********

Looking for me? Don't worry I won't come to you. Not yet. Btw sino si James?

Nanlaki naman yung mga mata ko sa nabasa ko. Paano nya nakilala si James? Sa sobrang inis at panic ko ay rereplyan ko sya. Baka kung ano gawin nya kay James. Ayoko na mangayari ulit yung dati. Nagt'type pa lang ako ng sasabihin sa kanya, noong magtext ulit sya.

From: 09**********

Don' be mad. I am no gonna kill him. Not today. Enjoy the party, Nicole. See you soon xxx

F*ck. I need a drink.

*End of Chapter
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Hiiiii hahahaha. Sorry po now lang nakapag-update. Sorry po sa 3 years na di pag-update ☹☹.  Like I've said po last time. Studies po priority ko.

And may good news po ako. Graduate na po ako ng BS Managerial Accounting! YEY! Pero onhold po yung diploma since dahil po sa covid. Ngayon po, nagrereview ako for CMA board exam, international po iyon and di pa rin po sila nag-aanounce na postpone yung board exam (still hoping na postpone dahil mahirap mag-aral ngayon ☹☹). This July po yung exam ko. Hopefully mapasa ko po yung 2 exams para may tatlong letra na ako sa name ko. Hihihi

Nababasa ko po yung mga comments nyo na mag-update na nga po ako ganon. Pero ngayon lang po ako sinipag dahil ayoko po magreview ngayon. Not really sure kelan next update basta surprise na lang. Ayon lang, ingat po tayo lagi.

Don't forget to wash your hands!!

Love you guys!!

Please do vote at comment your thoughts about this chapter 😊

The Killer's Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon