~ Chapter Seven ~

10.4K 237 4
                                    

Hi guys! Super uber duper thankyy talaga sa inyo. Di ko aakalain na aabot sa higit 6K+ ang mga bumabasa kahit karamihan doon silent reader. Sorry nga pala natagalan. Finals na namen ey. Ngayon ko lang napublish. =)

Anyways eto na yung inaabangan nyo. Sana ayos lang sya. *cross finger*

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

*The Caller

Stranger's POV

"Hello? Sino to? Hello?" saad nya.

Hindi pa rin sya nagbabago. She's still the same. I chuckled. Narinig nya ata iyon dahil hinihiyawan na naman nya ako sa telepono.

"Hoy mister or kung sino ka man. Pwede tigilan mo ako ha." napangiti ako sa sinabi nya. Malaanghel na boses.

"Kung mantritrip ka lang kuya. Wag ako. Maghanap ka ng kau- *toot* *toot*" binabaan ko na sya ng telepono. Napatingin ako sa orasan. May kailangan pa pala akong gawin.

Mag-intay ka lang Vanessa. Magkikita na tayo. Soon.

Vanessa's POV

"Kung mantritrip ka lang kuya. Wag ako. Maghanap ka ng kau- *toot* *toot*"

Aba't binabaan ako. Badtrip to ah.

"Oh sino yung kausap mo ? Bakit nagsisigaw ka dito sa c.r.?" tanong ni Victoria.

"Eh pano ba naman kasi yung nagtext sakin kanina tumawag tapos tinawanan lang ako tsaka binabaan ng telepono." sagot ko.

Hindi kaya kilala ka nun. Batay kasi sa text nya. Alam nya yung pangalan mo. Diba? Nakakapagtaka lang." saad ni Mary.

Natigilan ako sa sinabi nya.

"Oh, natulala ka na? Wag mo na ngang isipin yung sinabi ko. Tara na baka magalit na yung mga yon." paanyaya nya.

Tumango na lang ako saka sinabing susunod ako. Kahit na iniisip ko pa rin yung mga sinabi nya sa akin kanina lang. Parang gusto kong malamam if kilala ako ng lalaking yon. Sinubukan kong tawagan ang number nya pero out of coverage area. Mas lalo akong nacurious. Posibleng kilala ako nun o sadyang pinagtripan ako. Tiningnan ko uli ang text message sakin.

+6392*********

Hi Vanessa Nicole ! How's your day babe? Your beautiful in your outfit right now. That's your outfit in the office right ? And you also watched Heneral Luna. Its awesome right ? Oh by the way you look cute when you laugh.

P.S. See you soon babe.

-TRM

Babe? Vanessa Nicole? Shit. Biglang nanlaki ang mga mata ko. Isa lang ang tumatawag sakin ng ganun.

Hindi. Imposible. Paano. sya --?!Hindi sya yun. Hindi. Hindi. Hindi. Sana hindi sya. Sana di totoo ang kutob ko dahil kapag totoo, I'm dead. I'm really dead.

*End of Chapter Seven

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Whaa ! Sino yon ? Kilala nyo ? xD

Sorry if medyo magulo. Bigla lang yan nagpop-up sa utak ko habang nasa jeep.

Please vote. Any thoughts? Comment lang kayo. :)

After finals na lang po ako uli mag-uupdate. Byeeeeii.


The Killer's Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon