~ Simula/Chapter One ~

25.5K 412 7
                                    

Hi ! Kung nakarating ka dito sa Chapter na to ! Maraming-maraming salamat at binasa mo ito. Magdiwang ! *clap clap clap*
#17 po itong story sa General Fiction. Ano ibig sabihin non ? XD
Sana po talaga magustohan nyo ito. ;)
Sorry sa wrong spelling/grammar.

Pasensya na po at mabagal po ako mag-update. :)

Eto po yung itsura ng bar :)))) Nasa taas .

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Meet Vanessa

Vanessa's Pov

Hello ! I am Vanessa Nicole  Alcantara . Ako ay isinilang sa lugar ng Nueva Ecija  ! :)

Ako ang panganay na anak nila Angelo at Victoria Alcantara . Pangmayaman ang surname namin diba? Pero hindi kase nakatira lang kami sa bukid at may maliit na taniman ng palay at gulay.  Si tatay ay isang magsasaka at si nanay naman tindera sa palengke. Lima kaming magkakapatid. Ako pa lang ang nakakagraduate sa kolehiyo sa kursong BSHRM.

Hindi na sapat ang kinikita nila tatay para sa pag-aaral ng dalawa kong kapatid na mag-kokolehiyo, dalawa din sa high school at isa sa grade school. Dahil doon nagpasya ako na makipagsapalaran sa Maynila. Kailangan kong magtrabaho para sa kanila.  Wala naman akong magiging problema sa titirhan ko dahil nandoon naman  ang tirahan ng mga kaibigan ko.

"Oh Vanessa, ready na ba ang mga gamit mo? Bilisan mo na baka maiwanan ka ng bus." sigaw ng nanay ko.

"Opo nay, alis na po ako ah ! Mag-iingat kayo dito ni tatay ah. Hayaan nyo pagbubutihan ko po ang pag-tatrabaho ko." sagot ko kay nay.

"O sige na . Ikaw ren mag-iingat ka sa Maynila. Madaming ano dun." sabi ni nay.

"Sige po. Aalis na ako. Bye!"paalam ko sa kanya.

*Fast forward sa Maynila*
(Gabi na po ito)

"WEELCOMEE TO MANILAAAAA !" sigaw ng mga baliw kong kaibigan.

"Halu bes! Buti na lang lumipat ka dito sa Maynila . Akala namin doon ka na sa probinsya magtatrabaho!" sabi ni Andrea.

Andrea Santos . Isa sa mga bff ko since highschool. Lumipat lang sila ng pamilya nya dito sa Maynila noong nagcollege sya. Pero hindi sya sa kanila nakatira. Gusto nya kase may sarili syang bahay. Kaya ayun bumili ng condo after grumaduate. Libre bahay tuloy kami ni Tine. (Tin po ang pagkabigkas)

"Oo nga ! Akala namin doon ka na titira forever !"sambit ni Celestine.

Celestine Gomez. Eto yung isa ko pang bff. Nauna syang pumunta pamaynila kaysa sa akin. Gusto lang nyang talagang gumimik sa Maynila. Magaganda daw kase dito ang mga gimikan.  -_-

"Forever? Walang forever dude !  Kailangan ko lang talaga dito magtrabaho, pag-aaralin pa namin nila tatay ang mga kapatid ko. " masungit na sagot ko sa kanila.

"Eto naman masyadong masungit!  Hay nako diba friday ngayon ? Tara magbar tayo bukas! Tutal sa lunes pa naman interview mo right? Ay doon tayo sa The Masquerade Bar. Maganda daw doon."suggestion ni Celestine.

"Oo nga ! Tara itry natin. Ano Vane, sama ka ?"tanong ni Andrea. (Literal na Va-ne po an pagkabigkas)

"Ay nako ayoko . Wag nyo na ako isali sa mga kalokohan nyo."sagot ko.

"Kahit kailan talaga. KJ sya. kaya di ka nagkakadyowa eh. Sige na sumama ka na . Para naman magkadyowa ka na."komento ni Tine.

Ako na lang kasi ang hindi nagkakaboyfriend sa aming tatlo. Eh masunuring bata kase ako di tulad nila. Pero muntikan na akong magkaroon kung hindi lang --- well nevermind na lang. Si Andrea boyfriend nya si Mike. Ka-officemate nya ata yon. Si Celestine naman, di ko alam kung meron. Basta ang alam ko may dinedate syang lalaki.

"Pretty please?"sabay na sabi nila Tine. Nagpuppy-eyes pa ng mga bruha. Di ko rin naman sila maitis kaya...

"Haist! Oo na nga. Sige na sasama na. Okey na ? Happy now ?"sagot ko.

Kahit naman laking probinsya ako, di naman ako probinsyanang-probinsyana na parang taga-bundok kaya alam ko naman ang mga ganyan-ganyan. Yon nga lang medyo conservative lang ako sa pagsusuot ng mga damit.

"Yowwwwwn! Sasama na sya."sabi ni Tine. Nag-apir pa ang mga loko.

"Hanapan na natin sya ng magandang damit. Kailangan maganda ang friend natin bukas sa bar. Kyaaah !"excited na sinabi ni Andrea.

"Bukas na lang kayo maghanap. Tinatamad akong magsukat ng iba't ibang damit. Tsaka kararating ko lang dito oh. Pagod na pagod na ako. Kaya matulog na tayo para iwas puyat. Okey ba yon?sambit ko sa kanila.i

"K. Fine."matamlay na sagot nila sa akin. "Kahit kailan talaga ang KJ ni Vane."bulong ni Drea kay Tine.

Inirapan ko na lang sila . Basta ako pagod at inaantok. Kaya itutulog ko na to. Hayyy. Bahala na nga kung ano mangyayari bukas sa bar.

End of Chapter One

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Eto pa lang po muna sa ngayon. Medyo madami kasi akong naiisip na kung anu-ano para sa storyang to. xD
Sorry kung panget sya. *cross finger*
Baguhan lang.

Sa susunod ko na lang po lalagyan ng mga pictures/videos at yung mga fictional characters, kapag nagcomputer ako.

Cellphone lang kasi ang ginagamit ko kapag nag-aupdate . Di po gumagana ang malikot kong imahinasyon kapag kaharap ko ang computer.

Please Vote!

The Killer's Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon