Ola ! :'>
Natutuwa ako mag-UD ngayon. XD
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
•You're Hired
Vanessa's POV
*Sunday morning*
Simula ng kinuha ni Righ- este James ang number ko. Lagi na lang sya nagtetext sa akin ng mga sweet messages. Nakailang tawag nga sya kagabi kaso lang tulog na ako noon.
Tulad ngayon. Tumatawag sya.
*ring*
*ring*
James calling...
"Hello there gorgeous! Good morning. Have you eaten your breakfast?" bungad nya.
"Good morning din. Hindi pa. Pero mag-aalmusal na ako. Papunta pa lang ako sa kusina." sagot ko.
"Good to know that
. Oh before I forgot, labas ka sa bahay nyo. I have something for you." sabi nya.
Sinunod ko naman. Paglabas ko, may nakita akong isang box ng chocolates at boquet na may iba't ibang uri ng flowers.
Napangiti ako saglit at inamoy ang mga bulaklak. Nakabango nito.
"Salamat. Teka bakit naman merong pang mga ganto-ganto.? Tanong ko.
"I like you. I really really like you Vanessa. Kaya sana payagan mo ako na ligawan kita." diretsong sagot ni James sa akin.
"Ah-eh owkeyyy. Sige. Ayos lang naman sakin." sagot ko.
"Talaga ?! Yes ! Pwede ka ba ngayon ? Date tayo." paanyaya niya sa akin.
"Hala. Madami pa akong aasikasuhin. Mag-aapply pa ako bukas. Kailangan kong maayos ang mga papeles ko. Sorry, di ako pwede." sagot ko.
Ngayon pa lang kase ako gagawa ng resume ko. Mahal ang parent ng computer sa probinsya kaya dito na lang ako gagawa.
"Bakit hindi ka na lang sa companya ko. At least doon tanggap ka agad. Wala ka ng proproblemahin. Tsaka para magkapagdate tayo araw-araw." komento nya.
"Ayoko nga sa kompanya mo. Ikaw na ang nagsabi. Para makapagdate tayo araw-araw. Edi hindi na ako nakapagtrabaho." sabi ko.
"Sige na. Doon ka na." pilit nya.
"No. Kailangan kong magtrabaho para sa pamilya ko. At gusto ko galing sakin sa pinaghirapan ko ang pera na ibinigay ko sa kanila." paliwanag ko.
"Okey fine. Sige ayusin mo na yang mga papeles mo. Remember wag kang magpapagutom. Mamaya na lang ako tatawag. Okey? Bye." sabi nya sa akin.
"Sige. Bye" paalam ko sa kanya.
Pumasok uli ako sa bahay at pagdating ko sa loob biglang nagtitili ang mga bruha.
"Whaaa ! Magkakalovelife na sya ! Yieee. Kyaaah !" kilig na sigaw ng dalawa.
"Madami kang utang na ikukwento samin. Kaya tara na sa dining para makakain na tayo." masiglang sabi ni Andrea.
Kinuha naman sa akin ni Tine ang mga bulaklak at inamoy ito sabay sabi ng "Gosh! Ang bango-bango nya. Ang mamahal siguro nito. Swerte ka gurl. Nakabingwit ka ng pogi na mayaman pa."
Hay nako. Ayan na naman sila.
"Kumain na tayo. Bahala kayo di ko ikukwento yung nangyari kagabi." pananakot ko sa kanila.

BINABASA MO ANG
The Killer's Obsession
General FictionAng istoryang ito ay Rated S-P-G. Striktong Patnubay at Gabay ang kailangan. Maaaring may maseselang tema, linguwahe, karahasan, sekswal, horror o droga na hindi angkop sa mga mambabasa. For open-minded only.