Chapter 7

5.9K 83 7
                                    

Veronica

Pagpasok ko sa Dining area nakita ko si Daddy kausap si Tita Carlotta. Ano ginagawa niya dito sa Manila? Nakita niya ako pumasok.

"Saan ka galing Veronica? Anong oras na? Uwi ba yan ng matino babae hah?" Tanong niya sakin. Kinagat ko nalang ang labi ko.

"Kuya kumalma ka muna. Kakauwi lang ni Veronica ganiyan agad ang tanong mo sa bata" sabi ni Tita Carlotta sa kaniya.

"Alam ko ang ginagawa ko sa anak ko Carlotta." Nakita ko may dalawa tao na bumaba sa hagdanan at bitbit ang mga maleta ko.

"Daddy ano ang ibig sabihin nito?" Tanong ko sa kaniya.

"Nag resign si Richie as Congressman at akala mo ba hindi ko malalaman yun Veronica at naging Professor mo siya sa Crimson University at totoo nga ang balita na nagkikita kayo dalawa ng lalaki yun, sinusuway mo na talaga ako Veronica" Saad niya.

"Daddy mahal ko si Richie" umiyak ako sa harapan niya."Daddy wag mo naman gawin sa akin ito" nagmakaawa ako sa harapan niya at ayaw ko malayo sakin si Richie."I love him Daddy" sabi ko.

"Diba sinabihan na kita sa simula palang na layuan muna ang lalaki yan kaso hindi ka nakinig sakin." Saad niya."Dalhin niyo ang gamit niya sa kotse" Maawtoridad na utos niya sa dalawa lalaki at binalingan niya ako ng tingin." Sasama ka sa amin ng Mommy mo sa America at doon ka na mag-aaral" Saad niya.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Ilalayo niya sakin si Richie. Sa America ako mag aaral at kahit kailan hindi ko na makikita at makakasama si Richie. Para ako alila na sunod-sunuran sa kagustuhan ni Daddy. Wala magawa si Tita Carlotta dahil malaki ang takot niya kay Daddy. Alam niya rin na may relasyon kami ni Richie.

"Daddy don't do this to me please" Nagmamakaawa ako sa harapan niya pero matigas siya at hindi na magbabago ang desisyon niya umalis kami sa bansa.

Pagkalipas ng Limang taon!!

Ang dami na nangyare sa buhay ko sa loob ng limang taon na namamalagi kami sa America. May trabaho narin ako at naging busy ako dahil sa work ko. Marami ako manliligaw kaso hindi ako nagpaligaw dahil isang lalaki lang ang minahal ko at si Richie lang at wala ng iba pa.

Maganda ang panahon ngayon.

Medyo makungkot ang araw na ito para sakin kasi parang may kulang. Ilan taon ang tiniis at sinakripisyo ko para sa kagustuhan mangyare ni Daddy.

Gusto ko umiyak dahil nahihirapan na ako sa sitwasyon ko dahil may anak kami ni Richie. Babae ang anak namin at siguro kapag makita niya si Scarlet sigurado ako matutuwa yun. Five years old na ang baby girl ko at kamukha siya ng kaniyang ama. Sa hugis ng panga at mata kuhang-kuha kay Richie.

Siya ang naging bunga ng pagmamahalan namin dalawa ni Richie noon.

Natutuwa ako sa kaniya habang nakatingin ako sa ginagawa niya. Nag drawing siya ng clouds at araw..

"Mommy maganda po ba ang drawing ko?" Tanong niya sakin.

Hinihimas ko ang buhok niya.

"Oo ang galing-galing mo talaga Scarlet. Nest month uuwi na tayo sa Pilipinas anak dahil doon kana mag aaral ng Elementarya" sabi ko.

"Mommy makikita na natin si Daddy ko? Diba nangako ka sakin na hahanapin mo si Daddy ko Mommy?" Sabi niya.

"Hindi ganun kadali yun anak" sabi ko sa kaniya.

"Bakit naman po?" Tanong niya.

"Basta anak" sabi ko.

"Mommy naiinggit kasi ako sa ibang bata. Kasama nila ang Daddy nila pero ako wala. Mommy miss na miss ko na si Daddy" Saad niya.

PS #3 My Hot Tito [R-18] CompleteWhere stories live. Discover now