Kabanata 1

951 28 2
                                    

I have found the one whom my soul loves.



***

Nangingilid ang aking mga luha habang pinagmamasdan ko ang sarili sa salamin na ginagamot ang putok kong labi. Nangingislot ang aking bibig sa tuwing pinadadampi ko roon ang bilog na bulak at maski na nakakaramdam ako ng hapdi, mariin kong pinipilit na huwag humikbi. Tapangan mo pa, Schuyler. Tapangan mo lang lagi.

I always remind that to myself, in front of my mirror, of all the times I get bullied at school. Tapangan ko lang lagi. Huwag akong iiyak at hindi dapat ako magpapakita ng anumang kahinaan sa harap nila. Because failing to do so will only give them the satisfaction to bully me more.

I firmly believe on that statement. Those words have become my source of strength, my bible. It helped and encouraged me to endure the cruel experiences I have here in high school. Nakakayanan ko ang mga sakit kahit ilang beses na nila akong binubully. Pero minsan, lalo na ngayon na nakikita ko ang bugbog-sarado kong sarili sa repleksyon ng salamin, ay hindi ko mapigilan ang maawa na lang sa akin kasi lagi akong pinagdidiskitahan ng ibang tao; dahil raw sa ako ay bakla.

Gaano pa ba katagal ang titiisin ko bago sila manawa sa akin?

Natigil ang pagmumuni-muni ko nang makarinig ng ilang ulit na katok sa pintuan. Nakita ko sa salamin ang maingat na pagbukas ng pinto at sunod nuon ang pagsilip ng kuya ko na si Stephen Carlo.

Luminga-linga siya sa mga sulok ng silid ko hanggang sa mapadpad ang mga mata niya rito sa kinalalagyan ng aking vanity dresser. Umusbong agad ang masayang ismid sa labi ni kuya ngunit hindi nga lang nagtagal ang ngiti niyang iyon. Nakita niya kasi kung ano mismo ang pinagkakaabalahan ko ngayon. Tending the day-old bruises that are made by his classmates.

"You're going to be late for school, Sky. Bilisan mo ng kaunti at baka maiwanan ka ng school bus." Sabi ni Kuya Carlo na parang pilit ang pagiging casual sa kaniyang tono.

Pumasok siya sa loob at naglakad patungo sa akin. His black printed tee, red jersey shorts and basketball shoes are telling me that he will be playing ball today.

Huminto siya sa kanan ko. Okupado pa rin ako sa pagdadampi ng alcohol sa mga sugat ko at kahit na ganoon ay ramdam ko sa gilid ang intensidad ng pag-oobserba sa akin ni kuya. Neither of us are speaking until he finally let out a deep sigh.

"Hayaan mo, Sky. Vacation is in a few days. Hindi mo na sila ulit makikita muna," sabi ni kuya.

Guilt is dripping in his voice, and I immediately felt bad for it. Tumigil na pala dapat ako nung nakita ko na siyang sumilip sa kuwarto. Pag naaabutan kasi ako ni kuya na may mga ube na pasa sa braso, o nangingitim ang isang mata, o sugatan ang labi, ay lagi niyang sinisisi ang sarili niya kasi hindi niya nagagampanan ang pagiging kuya at protektahan ako sa mga nangbubully sa akin.

Kuya Carlo isn't to blame for any of these no matter how poorly he perceives things for himself. Classmates man niya ang mga mahilig mangdiskita sa akin pero hindi niya kasalanan ang kahit alin sa mga ito. Sila ang ayaw akong lubayan kahit sinasabihan na sila ng kuya ko na tumigil na.

"Can I skip school today, Kuya Carlo? Gusto ko na munang umabsent." Bumaling ako sa kaniya at naglabi. Bumuntung-hininga si kuya bago ako mapagpasensiyang ningitian.

"I wish I could help you, Sky. Seryoso. Pero exams kasi ngayon. Alam mo naman na ayaw nila dad na umaabsent tayo pag ganu'n. E kung hindi ka nga lang ibabagsak ng mga teachers mo baka ako pa mismo mag-convince kanila dad na sa bahay ka na lang muna."

THE PERFECT GIRL | TRANSGENDER X STRAIGHT MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon