Kabanata 12

277 39 22
                                    

Half an hour later pagkatapos ng basketball tryout, binasa ko ang message ni dad nang magpasundo na ko sa kaniya.

Dad:
Hindi kita masusundo ngayon, Schuyler. Maaga ang shift ko. Mag-undertime raw ngayon ang manager na kapalitan ko. Papunta na kong Paranaque. Mag-commute ka na muna.

Malungkot akong ngumiti. Hindi dahil sa hindi niya ako masusundo ngayon kundi dahil sa pagtawag niya pa rin sa akin ng dating pangalan ko. Dad still prefers calling me by that name even though I am now... a girl.

Me:
Sige po, dad. Ingat po. Galingan niyo rin po ngayon sa trabaho 😊

Wala nang naging bagong notification mula kay dad. Siguro'y nasa gitna na siya ng byahe niya kaya ibinulsa ko na muna ang phone ko sa bag. Huminga muna ako ng malalim bago ko masugid na pinagmasdan ang aking paligid.

The long road of Taft Avenue is as busy as ever from the first day I saw it. Maraming mga iba't ibang uri ng sasakyan ang makikita sa mahabang kalsada. Mga bus, jeepney, at PUV. Pati na rin ang mga private vehicle na nakikisali sa paminsan-minsa'y traffic.

Tumingala ako nang may dumaang tren sa itaas na pinagmumulan ng malakas na ingay ng makinarya. Papunta iyon sa kanan kung titingnan ko mula rito sa kinatatayuan ko. Huminto ang mga bagon sa bandang dulo nang matunton nito ang kasalukuyang istasyon. Iyon yata ang Vito Cruz—kung tama ang pagkakaalala ko sa tinuro sa akin ni Kuya Carlo.

I pursed my lips.

Naabisuhan naman na ako ni kuya ng mga puwede kong sakyan pauwi kung sakali mang hindi niya ko masusundo, o ni dad. Ngunit maski ganoon ay nangangatog pa rin ang tuhod ko habang iniisip na uuwi akong mag-isa. Because truth be told, I suck at commuting.

Mahina ako sa lugar at dahil din doon alam kong madali akong maliligaw. Isa iyon sa mga downside ng pagkukulong ko sa bahay mula nang bumalik kami sa Pilipinas. Dalawang taon rin iyon mahigit kaya minsan naiintindihan ko si kuya pag sinasabihan niya kong parang taga-bundok. Pag lalabas man kami ay laging gamit din ang kotse kaya hindi ko nakakabisado ang mga ruta ng pinupuntahan namin. Not a brag or anything but I am purely a passenger princess.

I reached into my bag and pulled out my wallet. Sinilip ko ang natitira kong allowance para sa ngayong linggo. I still have enough money for a cab with a blue and yellow peso bill.

Maghahanap na lang ako ng cab. Mahal nga lang pero mas madali naman dahil diretso na iyon pauwi.

Pero ligtas kaya? Paano kung dalhin ako sa ibang lugar? Naalala ko bigla 'yung huling experience ko nang hintuan ako ng kotse. Nagtindigan ang mga balahibo ko nang mag-rewind sa aking isip kung paano ako hatakin nu'n ng estranghero. Hindi ko alam kung ano nang nangyari sa akin kung hindi kami nakita ni Xandre.

The familiar sound of a car engine caught my attention from a distance. Tumingala ako nang lumakas ang tunog na iyon, senyales na huminto ang sasakyan sa harapan ko. I blinked after noticing a familiar black Hummer. Mabagal na nagpaibaba ang itim na bintana nito sa passenger's seat, at tila ba tinawag ng isip ko ang kaniyang presensya, nang salubungin ako ng seryoso niyang mukha.

"Si Nico?" Tanong ni Xandre.

His hazel-brown eyes were seriously aimed at me. His lips almost curled to a frown. The idea of him looking at me like that was enough to make me feel suddenly nervous. Lumunok ako bago sumagot sa kaniya.

"B-bumalik na siya sa building natin. Meron pa raw siyang klase," tapos ay tipid ako na umismid.

Mga ilang sandali pang namalagi ang mga mala-kastanyong mata niya sa akin bago niya ilipat ang mga iyon sa harapan, sa kalsada. Mula rito, tanaw ng mga mata ko ang kaniyang malaking braso habang nakahawak ang kanang kamay niya sa manibela, samantalang iyong kaliwa naman ay nakadantay sa bintana at nasa labi niya ang isang daliri; tila malalim ang iniisip. Humarap ulit siya sa akin pagkatapos ng ilang segundo.

THE PERFECT GIRL | TRANSGENDER X STRAIGHT MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon