Kabanata 10

706 39 62
                                    

Right after dinner, I volunteered to do the dishes because it's been a while since I last helped with our household chores. Isa isa kong hinugasan ang mga plato, baso at kubyertos na ginamit namin bago ko pinaglalagay sa dish rack para matuyo. And I was supposed to consider myself done and finished, nang bigla namang maglapag ng naiwang hugasin niya si Kuya Carlo sa lababo, earning him my annoyed yet questioning look.

"Sorry na, bunso. Sige na kung natapos ka na maghugas huhugasan ko na lang mamaya," aniya.

Bumalik siya sa lamesa namin nang hindi man lang ako tinitingnan. Naupo ulit siya sa bakanteng silya habang nakatuon pa rin sa kaniyang cellphone. Sighing, he began typing something on his screen using his pair of thumbs. He's been like that the whole dinner. Hindi ko alam kung bakit pero parang magkaaway yata sila ng girlfriend niya.

Itinuon ko na lang ulit ang sarili sa paghuhugas ng mga natirang hugasin. Maski sinabi na ni kuyang okay lang kung hindi ko hugasan ay ginawa ko na lang din para matapos na lahat. Marunong kaming magkapatid ng mga gawaing bahay. Wala kaming katulong sa bahay dahil hindi naman kami ganoon kayaman para kumuha ng kasambahay at kung may pambayad man kami, ayaw din nila mom at dad. Gusto nila kaming matuto sa mga ganitong gawain at lumaking responsable kahit nung naninirahan pa kami sa California.

Nagpupuno na ko ng tubig sa pitsel para mailagay sa fridge nang marinig ko ang boses ni Kuya Carlo.

"Scar, may instagram ka na pala? Sino 'tong nagc-chat sayo? Parang ang dami naman yatang sinesend," sabi niya.

Ibinaling ko ang mga mata sa lamesa at nakita ko ngang sinisilip ni kuya ang cellphone ko. Iniwan ko kasi muna iyon doon habang naghuhugas ako ng mga plato. Umiling-iling na lang ako at inilagay na muna ang pitsel sa loob ng fridge.

"Don't mind him, kuya. Sinabihan ko na rin naman siyang magdi-dinner muna ako."

"Talaga? E send pa rin ng send ng message sayo, oh. Bente mahigit na nga. Sino ba 'yan?" Tanong na tuloy ni kuya.

I sighed. Iyon 'yung Tyrone. He located my account a while ago and dropped me a message. Nag-reply ako sa kaniya out of politeness kasi nga classmate siya ni Marcus, iyong kakambal ni Marj. Okay naman 'yung conversation namin nung una kaso parang nakulitan na rin ako sa kaniya katagalan kasi chat siya ng chat. Siguro 'yung isang reply ko sa kaniya'y malimit nang replayan niya ng dalawang message. Minsan naman ay tatlo o lima.

I appreciate that he's friendly and all that but some of his messages are way too off for me. Nagse-send siya ng mga pictures kahit hindi ko naman sinasabi o hinihingi, o di kaya nama'y siya naman ang nanghihingi ng pictures ko. Nagpadala nga siya kanina ng kuha niya sa gym dahil daw "leg day" niya ngayon. Mabuti nga't nag-dinner na kami kaya nakaisip ako ng excuse, pero ngayong tapos na kami kumain ay wala na kong maisip na palusot ulit.

Paano kung sabihin ko kayang matutulog ako ng maaga? Mangungulit pa kaya siya sakin? Pero paano naman bukas?

I heaved a deep breath. "Schoolmate ko 'yan, kuya. Friend ng friend ko. Hindi ko nga alam kung paano gagawin ko, eh. Nakukulitan na nga din kasi ako."

Lumapit ako sa kaniya at tiningnan naman ako ni kuya na para bang nagbibiro ako, na 'yung pinoproblema ko'y madaling-madali lang lutasan.

"Iyon lang? Edi i-restrict mo kung nakukulitan ka," ani kuya.

"Restrict?" I blinked. Napakamot ng ulo niya si Kuya Carlo at nag-iling iling. Si kuya naman kung mag-react parang ang hopeless case ko. Hindi ko nga kasi alam, eh.

"Ikaw talaga, Scar. Ang ganda ganda mo pero daig mo pa taga-bundok," Sabi niya sabay kuha ng phone ko roon sa lamesa. He knew my password so he managed to access it within seconds. Madali lang din naman kasi iyon. October 12. Birthday ko. Wala naman din akong nakikitang rason para hirapan o ipagdamot sa kaniya ang password ko dahil wala rin naman akong tinatagong kung ano sa phone.

THE PERFECT GIRL | TRANSGENDER X STRAIGHT MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon