Kabanata 3

343 22 0
                                    

I am currently searching for my designated class and is looking from left to right as I walk past different rooms with a much faster pace. I held tightly at the strap of my sling bag. Hoping to calm the uneasiness that is in my heart since I set foot inside the premises of the Business & Accountancy building.

Natataranta ako't hindi iyon nakakatulong sa paghahanap ko! Lumingon ako sa likuran at halos mamulupot ang sikmura ko sa nakita. Nakabuntot pa rin ang matangkad na lalaking nabangga ko kanina sa bulletin!

He is walking a few meters away from me. Wearing a fit, black t-shirt of a famous international sports brand, gray colored sports trousers and a clean white Jordans. Ang itim na strap ng kaniyang backpack ay nakasabit lang sa kaliwang balikat, habang kapansin-pansin naman ang suot na puting chain necklace sa kaniyang leeg.

Nakatingin ito ng seryoso sa direksyon ko at alam kong nagsalubong ang mga mata namin. Nakita ko na naman kasi ang talim ng titig niya. Bumalik ako ng tingin sa harapan at mas binilisan ng kaunti ang paglalakad. Oh, my gosh! Bakit niya ba ko sinusundan?

Galit ba siya sa nangyari kanina? Pero nag-sorry naman ako? Ganoon ba iyon kalakas para hindi niya mapalagpas? Samantalang ako pa nga itong napaurong pabalik dahil sa kaniya! Ugh!

Umikot ang dose-dosenang tanong sa isip ko. Hindi ko tuloy namalayan na mayroon na pala akong nakasalubong. Isang impit na tili ang tumakas sa bibig ko nang magbanggaan kami ng hindi ko kilalang lalake, ngunit agad ako nitong hinawakan sa magkabilang balikat ko bago pa man ako mahulog. I stood frozen as the guy held me.

"Whoa! Easy there, beautiful. Tingin ka sa dinadaanan mo," ani ng lalake.

Nag-init ang magkabilang pisngi ko sa sinabi niya. Tumitingin tuloy ang mga ibang estudyante na napapadaan sa gilid namin habang nakaestatwa ako sa hawak niya.

"S-sorry." I muttered, still in his hold.

The guy seemed cool about it. Umismid siya sa akin bago nito ibinaling ang mga mata sa gilid ko. Tumango siya sa kung sino at tinapik-tapik ang balikat ko bago ako iniwan sa kinatatayuan ko.

"Yo, man! Junior! Nice game last time, pare! Damn, first day na naman natin. Huling taon na."

I quickly turned my body to see who that guy was talking to at nakita kong kinakausap na niya 'yung lalakeng bumubuntot sa akin. They exchanged fistbumps before tapping each other's shoulders. Hindi ko alam kung ano bang mayroon sa gano'n pero lagi ko ring nakikita si kuya at ang mga kaibigan niyang ginagawa iyon tuwing nagkikita-kita sila sa bahay. I believe it's a code usually done by men and their friends.

"Aga pa ang ingay mo nang gago ka," maaligasgas na sabi nung matangkad na lalake.

"Gano'n talaga ako, Junior my boy! Pero teka maiba lang ako ang ganda nung girlie na sinama mo nung nakaraang game! Who's that chick, man? What's the score?" Tumatawang sabi nung maingay na lalake.

Tumatawa-tawa rin naman 'yung matangkad na lalake pero malalim at maaligasgas ang kaniya. Hininaan nito ang boses niya nang sumagot. Hindi ko alam kung ano ang sinabi niya. Humiyaw na lang kalaunan ang kausap niya habang takip-takip pa ang bibig gamit ang nakakuyom na kanang kamao. As if the former just confessed something out of this world.

"You did that? Doon talaga? Damn, man! Wild no'n!"

"Yeah." The tall guy smiled playboyishly as if he had achieved something that only the two of them could understand.

"Hahanap-hanapin niya sayo 'yon, tamo! Umaariba ka na naman ng ibang school, Saavedra!"

Umalingawngaw sa hall ang mga maaaligasgas na tawanan nilang dalawa. Gumawi bigla ang mga mala-kastanyong mata nung matangkad na lalake sa akin. His smile gradually faded and that served as a wake up call for me. Hindi ko namalayan na nakikinig na pala ako sa usapan nilang magkaibigan mula rito. I bit my lip. Humarap na ulit ako at pinagpatuloy ang paglalakad.

THE PERFECT GIRL | TRANSGENDER X STRAIGHT MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon