Kabanata 4

320 18 12
                                    

"Oh, kumusta unang araw ng bunso namin?" Tanong ni Kuya Carlo habang naghahapunan kami.

The four of us are currently having our dinner before dad proceeds to his night shift in Paranaque. Sinigang na baboy ang niluto ni mom. Paboritong ulam ni Kuya Carlo. No wonder there's a mountain of rice on my kuya's platter because he wouldn't let this dinner go by without having a massive feast.

Pinagmamasdan kong kumain ng ganado ang kuya ko hanggang sa mayroon akong mapagtanto. Ang lalakas pala talagang kumain ng mga lalake. At ang bibilis din. Napansin ko kasi iyon kanina habang kasabay kong kumain ang apat na lalake nung lunch. Sila Briggs, Vaughn, Marcus, at Hugo.

"Okay naman, kuya. Puro introduction pa lang kami." Sagot ko.

"Sure?"

Tumango lang ako.

Oo, Kuya Carlo. Okay naman. Umiyak lang naman ako dahil sa biro ng seatmate ko. On my first day. And on my first subject. Napahagikhik tuloy ako bago sumubo ulit ng maliit na portion ng hapunan. Nag-angat tuloy ang mga kilay ni kuya habang ngumunguya.

"Nakipagkaibigan ka naman ba?" Si Kuya Carlo.

"Hm!" Tango ko pero may pagkaalanganin nga lang.

Uminom si kuya ng malamig na tubig sa kaniyang baso habang nakatingin pa rin sa akin. Ngumiti lamang ako bago sumubo ulit ng hapunan ko. Unlike my kuya, what I have on my plate is enough for me to sate my hunger yet won't hurt my diet at the same time, since I am mindful of my figure.

Nakipagkaibigan naman talaga ako pero alam kong naging posible lang din naman iyon dahil mismo kay Nicole. Madaldal kasi siya at approachable. Marami na nga siyang nakuwento sakin maski isang araw pa lang kaming nagkakasama. Siguro kung hindi siya ang katabi ko baka tahimik lang din ako sa buong klase. Hindi ako kikibo hangga't walang kumakausap sa akin. I'm used to being a wallflower back in high school.

"Dinisclose mo ba sa mga kaklase mo ang tungkol sa iyo?" Si dad. Ang pangloob na kulay puting uniporme at itim na chaleco ay suot na niya, habang ang outer piece naman ng kaniyang uniform ay kanina niya pa nailagay sa Fortuner.

Napalunok ako ng kinakain ko. Nagkatinginan agad kami ni kuya na siyang natigil din sa gitna ng pag-iinom niya. Parehong nagkakaintindihan ang mga tinginan namin dahil nag-usap na kasi kaming magkapatid tungkol doon kanina.

"H-hindi po, dad." I confessed, holding greatly at my spoon and fork, as if those cutleries could help me if I were about to be sermoned.

"What? Why?" Dad told. His voice sounded more alarmed than surprised.

Bumaling agad si dad sa kinauupuan ni mom. Nagpapahiwatig sa mga tingin niya kung narinig ba ng nanay ko ngayon lang ang sinagot ko sa kaniya. Bumuntung-hininga si mom at nagkaroon sila ng munting pag-uusap. Umiiling-iling si dad habang nagpapalitan sila ng conversation ni mom.

I pursed my lips. I never really liked the idea of my dad telling me that I should disclose my identity to any people I encounter. He kept giving me this statement that I shouldn't 'pretend' and be real but what he doesn't understand is, I am not pretending in the first place.

I am real. This is me. Babae ang turing at nakikita ko sa sarili ko kahit pa noong bata pa ako. Kaya nga ako nag-hormones at nagpaopera para maitugma iyon. At hindi ko trabaho ang ipaalam sa mga taong makakasalamuha ko ang tungkol sa mga bagay na pinagdaanan ko para lang sa kadahilanan na maging totoo ako.

I own my truth. It is not a necessity to disclose it and it is my right if I should.

And I have my other reasons aside from that, too. Ayoko nang mabully ulit.

THE PERFECT GIRL | TRANSGENDER X STRAIGHT MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon