Kabanata 6

417 28 18
                                    

Sampung minuto pa lang yata mula nang matapos na ipakilala ang mga varsity players at cheerleading squad, pero tatlong beses ko nang naririnig ang mga malalalim na pagbuga ng hangin ni Nico.

Napabaling tuloy ako sa kaniya. Nakita ko ang mga singkit na mata niya'y nakatuon pa rin sa malawak na basketball court. Her mouth is moving a slow, rhythmic pattern; giving me the idea that maybe she's chewing some gums again. At sa itsura niyang bagot na bagot, iyon na lang marahil ang nagpapakabusy sa kaniya. She sighed—for the fourth time.

"Girl, when will you learn to finally give up? Seriously. Dikit ka pa rin ng dikit dya'n kay Hugo." aniya.

She's talking to somebody but I am hundred percent sure it wasn't me. Lumihis din ang mga mata ko patungo sa basketball court at sinundan ang tinititigan ni Nico. Mayroong babaeng nakatayo sa tabi ni Xandre. She's tisay and petite. Her black hair is tied into a high ponytail. Nakasuot ito ng hapit na damit at maikling skirt. Nagtataka tuloy ako kung paano siya nakapasok kung kaka-discuss lang ng student council tungkol sa proper dress code. Weirdly enough but the said council doesn't seem to mind her at all, too.

She's exuding grace in her posture despite her provocative clothes and even up here, I can see she's pretty. Maliit ang mukha niya at pula ang labi. Kung tama ang pagkakaalala ko, isa siya sa mga member ng cheerleading squad na ipinakilala rin kanina, pagkatapos ng basketball team roster. Kaya nandiyan siya ngayon sa court at uh, katabi ni Xandre. 

"It really pains my heart pag nakakakita ako ng babaeng habol ng habol sa lalake, Scar. Like, girl. C'mon. The earth is big and there's so many dicks out there. Wag kayong mag-settle sa titi ng iisang lalake. Si Junior lang 'yan." Sabi ulit ni Nico.

Nang-init ang magkabilang pisngi ko! Nakakalimutan nang filteran ni Nicole ang mga pinagsasabi niya! She's probably really in a state of emotional turmoil. Pero kahit na. Nakakabigla pa rin sa parte ko na marinig ang mga iyon. Wala namang nagsasabi ng ganiyan sa bahay. Not even my kuya who's pilyo at times. Siguro ganito na talaga pag nakatuntong sa college. Sensitive words like that are common and should be treated as part of the norm.

"Friend mo ba siya, Nico?" Tanong ko tuloy dahil apektadong-apektado siya sa simpleng pagtayo lamang ng babaeng iyon sa tabi ni Xandre.

Her nose crinkled. Parang nandiri siya sa tanong kong iyon. Napakurap-kurap ang mga mata ko nang pagak siyang tumawa.

"No! Bakit ko naman kakaibiganin 'yang si Bea? She's one of the bitches here; acting all queen bee and that. Marunong lang mag-tumbling kala mo kung sino na. Palibhasa madalas kasing hinahagis sa hangin kaya kala niya ang taas na ng lipad niya. I may be sorry for her but she can choke herself to death. Ayun ang kaibigan ko, Scar. Si Saavedra. Ayung lalakeng 'yun. Kaya siya ang nilalait ko at 'di si Bea," inis na wari niya habang paulit-ulit na dinuduro mula sa kinauupuan namin si Xandre. 

Mabuti na lang at hindi nagagawi ang mga mata ni Xandre rito, kundi kanina niya pa nasaksihan ang paulit-ulit na pagtuturo sa kaniya ni Nico. At gaya rin namin, ni minsan hindi niya rin tinapunan ng tingin 'yung si Bea, kahit magkatabing-magkatabi lang sila. A stark contrast to the girl's actions because she's been stealing glances over him from time to time.

Suplado talaga nito ni Xandre, tapos siya pa talaga 'yung may ganang tawagin ako ng snob kanina. Gusto kong isumbong kay Nico. Pero wag na't baka malaman pa nila 'yung pag-message sa akin ni Xandre sa Instagram at ang pag-seen ko nga sa kaniya.

Bumuga na naman ng hangin si Nico. Panglima na. And yes, I'm keeping count. Hihi.

"Bakit kaya may mga babaeng gano'n no? Aware naman silang gagamitin lang sila pero magpapagamit pa rin sila. Emphasize on  the word 'gamit' ha, Scar. Hindi ako namamali ng sinabi. Ginagamit lang talaga sila ni Hugo."

THE PERFECT GIRL | TRANSGENDER X STRAIGHT MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon