Kabanata 5

353 20 9
                                    

I managed to sleep soundly and got a good rest despite the weird feeling I experienced last night. Maaliwalas kong sinalubong ang bagong araw. Masigla din akong kumain ng nilutong breakfast ni mom dahil nawala na ang kakaibang pakiramdam na iyon nang sumapit ang umaga. Pero mula nang sumakay ako ng kotse, at ang biglang pagsagi sa isip ko na makikita ko na naman ang lalakeng iyon na si Xandre, ay nagmulto agad ang pagkabalisa na nararamdaman ko kagabi mula nang mag-message siya.

I really cannot figure out what is up with him. Nababahala talaga ako sa lalakeng iyon. Dahil ba may masamang experience na ako sa mga matatangkad at malalaking lalake? Is this my body's subconscious response to the the unforeseen threat that might've happen to me?

Ugh, I really don't know. But it is making me feel extra nervous right now knowing that there is a fat chance of bumping into him on the university's premises. Pareho pa kaming Business course kaya malamang nasa iisang building lang kami parati. Pero maski naman din na hindi kami parehas ng kinuhang kurso, alam kong mayroong malaking rason para magkita kaming dalawa kahit labag sa loob ko, dahil kaibigan ko si Nico. Na kaibigan din niya.

I sighed. Bumaling ako sa kapatid ko na tahimik na nagmamaneho ng sasakyan. Papunta na kami sa university. Nagpapatugtog si kuya ng OPM playlist niya sa stereo kaya kahit tahimik ako ngayo'y hindi niya ko kinukulit. The current song is 'Prinsesa' by 6cyclemind.

"Kuya Carlo," tawag ko.

"Oh?"

"Paano pag may problema na naman ako sa school?"

Nagtikas ang pagkakaupo ni kuya sa driver's seat nang sabihin ko iyon. Humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela at naglikha iyon ng kaunting ingay.

"Tungkol saan?" Tanong niyang nasa kalsada pa rin ang tingin. Ang tono ng boses niya'y mababa at parang hinahanda ang sarili sa sasabihin ko.

"There's this guy kasi, kuya."

"Binubully ka?" Tanong niya agad.

Natunugan ko ang pag-iba sa tono ni Kuya Carlo. Batid kong hindi maganda iyon. Given that he is so protective of me, his temper could easily reach the tip the moment I answer him, yes. Naiintindihan ko naman kung bakit gano'n agad ang reaction ng kuya ko. He blames himself from failing to protect me six years ago so this time, he wouldn't let any form of bullying towards me slip by.

Kinatatakot ko'y baka hindi na iyan pumasok sa trabaho niya, samahan ako sa loob ng campus, tapos kumprontahin naming magkapatid ang lalakeng tinutukoy ko. That idea doesn't seem so farfetched if we're talking about the capabilities of my Kuya Carlo. Good thing it was the other way around. Hindi naman ako binubully ni Xandre. Hindi ko lang talaga maipaliwanag ng maayos kay kuya ang nararamdaman ko ngayon.

Natatakot ako. Na naiilang. Na nababahala. Na nakokonsensya kasi naging snob ako kagabi. There's this whirlpool of emotions swirling over me. This is so weird. Oh, my gosh.

"Hindi, kuya. I don't know. Iba kasi, eh. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo. Parang nakakahiya." Sabi ko na lang habang hinahaplos ang fabric ng pantalon ko. 

Ngumisi siya sa hindi ko malamang dahilan. "Sus! Kuha ko na kahit 'di mo sabihin. Sabi ko naman kasi sayo ang ganda mo, bunso. Nililigawan ka na ba agad sa school mo? Sino?"

"No! Hindi gano'n, kuya!" Ang mabilis at mapusok kong sagot! Uminit agad ang magkabila kong pisngi sa sinabi niya. Ang layo ng naging conclusion ni kuya sa gusto kong marinig!

"E 'no ba? Baliktad ba ang kuya? Gusto mo siya? Gano'n?" Lumaki lalo ang mapaglarong ismid sa labi ni Kuya Carlo.

"Si kuya naman, eh! Ayoko na nga!"

THE PERFECT GIRL | TRANSGENDER X STRAIGHT MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon