Kabanata 11

1K 47 48
                                    

Nang makalabas kami ng gym, napagdesisyunan muna naming kumain ni Rafe sa Agno. Ginutom raw kasi siya sa naging laro nila at dahil nag-volunteer rin naman akong samahan siya, sumabay na kong mag-lunch.

I bought myself a fruit drink blenderized from fresh strawberries. Si Rafe naman ay bacsilog at shawarma rolls. He insisted that my bill is on him even though I declined his offer at first. Nagtanong pa nga siya kung ano pang mga pagkain ang gusto ko pero tumanggi na kong magpabili pa ng iba. Uuwi na rin naman ako pagkatapos ng tryout at kakain na lang sa bahay.

Matapos nu'n, mag-isa na lamang akong bumalik sa gym dahil may kukunin pa raw si Rafe sa building namin. Naglalakad ako pabalik sa puwesto namin at nakita ko agad ang pamilyar at pink na buhok ni Nico. She's sitting at one of the monoblocks while talking to Xandre.

Their voices were languid and the moment that they've sensed my company, their conversation was halted. Lumingon sa akin si Nico at pinasalubungan niya ako ng ngiti.

"Hi, Scar! Sa'n ka nagpunta? Hindi kita napansin sa labas," aniya.

"Nag-foodcourt kami, Nico. Inaya akong kumain ni Rafe, eh." sagot ko.

Tumango-tango siya habang may maliit na 'o' ang kaniyang bibig. Sinulyapan niya si Xandre na nakaupo naman roon sa kasunod na monoblock.

Pintado sa itsura niya ang inis. Nakahalukipkip ang mga malalaking kamay sa dibdib niya habang iritable na nakasandal ang likuran sa suporta ng monoblock, naka de kwatro na panglalake. Isang makahulugang tingin ang iginawad niya kay Nico bago siya nagpakawala ng isang singhal. Naiiling-iling niyang itinuon ang ulo sa basketball court.

Seeing his disdained reaction, I forced a small smile. Umupo na rin ako sa bakanteng monoblock nang ayain na akong manood ni Nico.

Nalibang agad ako sa laban ng mga aspirants at varsities ngunit nahila rin ang atensyon ko nang maramdaman sa mga palad at hita ang malamig na bagay. Naalala ko bigla na hindi ko pa pala naibibigay itong inuutos ni Xandre. Iyong tubigan niya.

"Nico, puwedeng makisuyo? Paabot naman nito kay Xandre," I asked, to which she, without a word, agreed.

Kinuha niya iyon mula sa aking kamay. Narinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ng damuho pero maya maya rin ay ipinasa niya pabalik sa akin nang hindi ito tanggapin ng huli.

Mula sa kaliwa kung saan ito nakaupo, nasasagap ng tainga ko ang malalim ngunit mahinang boses ng damuho habang kinakausap si Nico, na siya naman ang nagdala ng mensahe nito sa akin. Siya kasi ang napapagitnaan naming dalawa ni Xandre kung kaya'y siya ang nagmimistulang tulay namin.

"Ayaw niya raw ng tubig, girl."

Tumango na lang ako bilang pagtanggap sa sinabi ni Nico. Gaya nila ay nanood na lang din muna ako ng laban nina James at Kuya Uriel. I was eyeing on James and his gameplays while secretly hoping that he'll get shortlisted in the team, too. Tulad ni Rafe. Magaling din naman kasi siya sa bola at sana hanggang sa pagiging varsity ay maging magkasama sila.

Habang tumatagal ang pinanonood naming laro, nararamdaman ko ang pamumuo ng mabigat na presensiya sa kaliwa namin, na lalong tumitindi sa paglipas ng bawat sandali. I cleared my throat, thinking that it could rid of this bothersome feeling. Which clearly it did not.

"Sayang! Hoy, Urie! Seryosohin mo naman maglaro para kang tanga!" Si Nico nang malamyang tumira si Kuya Uriel at parang sinadyang hindi pa-shootin sa ring ang bola.

Hindi ko alam kung paanong hindi siya nababahala sa katabi niya kung ako ngang nasa kabilang dulo'y halos hindi na maka-focus sa panonood ng laban. Parang may kung anong pumoprotekta sa kaniya at sa akin lahat natatapon ang mabigat na aura. I sighed.

THE PERFECT GIRL | TRANSGENDER X STRAIGHT MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon