Kabanata 7

445 29 23
                                    

I triumphantly survived my first four days at La Salle. It's a mixture of accomplishment and fear now that I think about it on a Friday morning. Nakaka-believe dahil nakayanan kong pumasok ulit at makakumpleto ng isang buong linggo sa isang malaking unibersidad. Nakakatakot sa kabilang banda kasi alam kong marami pang araw, at maging taon, ang gugugulin ko sa paaralang ding iyon. Marami pang puwedeng mangyari, at ang unang apat na araw na iyon pa lamang ang simula. 

"Hingang malalim, Scarlet. Mag-aadminister na ko," seryosong sabi ni mom.

I nodded and did what I'd been told. Pinikit ko ang mga mata ko at huminga ng malalim nang simulan na ni mom ang pag-inject niya ng hormones. Nakaramdam ako ng kurot sa kanan kong braso nang itinusok na 'yung karayom. The syringe needle pierced through my skin before I could feel the medication surging deep within my deltoid muscles. 

Mabilis at maingat na hinugot ni mom ang injection at sunod ko na lamang naramdaman ay ang paglagay niya ng bulak sa pinagtusukang parte ng aking braso.

"Okay na, anak. Puwede ka nang dumilat," sabi ng nanay ko sa malambing na boses.

Mabagal akong dumilat at una kong nakita ay ang refridgerator namin sa kusina. Bumaling ako sa kanan kong braso at nakakita ng maliit na bulak na naka-tape doon.  I then directed my eyes upwards.

"Thank you po, mom." sabi ko habang nakaupo sa isa sa mga silya ng lamesa, nakangiti.

Mom gave me a quick look and, while disposing the tiny medical equipment in a transparent container, smiled sweetly at me, too. Nandito kaming magnanay sa kusina para sa aking bi-weekly hormone injection. Si mom ang nagtuturok ng estrogen shots ko at mas gusto niyang ginagawa iyon dito sa kusina. Bukod kasi sa maliwanag dito pag umaga, ay malapit lang din sa basurahan at lababo, pati na sa emergency kit namin kung sakaling may mangyari.

"Hindi naman masakit pag-administer ko? Parang nung nakaraan lang ba?" Tanong ni mom.

Umiling-iling lang ako.

Dati noong nandoon pa kami sa California, mayroon talaga akong endocrinologist na gumagawa nito sa akin, pero ngayong nasa Pilipinas na kami'y si mom na ang taga-administer ko. Endocrinologists, especially those who specializes in hormone therapies and gender transitioning, are very limited here in the Philippines. Pili lang ang mga libre at kadalasan naman sa iba'y mahal ang mga bayad. Malalayo na nga, tapos pahirapan pa makakuha ng schedule, marahil marami rin sigurong nagiging pasyente. 

So, mom made the decision and volunteered to administer my shots at home. Humihingi na lang kami ng prescripts sa dati kong endo at nagpapadala ng test results sa kaniya pag kailangan. Marunong naman si mom sa tamang paggamit ng injections dahil dati siyang nurse sa public hospital bago niya mapangasawa si dad.

I sighed. Hindi rin kasi ako marunong mag-self administer kaya si mom lagi ang pinapakisuyuan ko. Takot ako sa karayom at higit pa doon, ayokong nakakakita ng dugo.

I am immediately reminded of my high school days whenever I see it. Those cruel days where I usually sat in front of my mirror to tend the bruises on most part of my face. All that while keeping a façade of a strong person. Tapangan mo lang lagi, Schuyler.

"Pasensiya na po mom kung lagi kitang inaabala sa ganito," malungkot kong sabi nang sumagi sa isip ko na dalawang taon ko na pala siyang inaabala sa pag-inject sa akin.

I can opt for estrogen pills but it usually has a low absorption rate compared to injections. Ayaw rin ni mom ng parati akong may iniinom na gamot dahil bata pa raw ako at baka singilin ako ng katawan ko pagdating ng panahon. Lifetime commitment pa naman ang hrt at hindi basta maisipan lang. One of the many challenges us transgender people face on an everyday basis so my full respect always goes to our community. 

THE PERFECT GIRL | TRANSGENDER X STRAIGHT MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon