Pilot

1.2K 15 0
                                    

Juliana's POV

Second grading period is about to begin and we are in our last year of senior high school. I am with my friends in the cafeteria waiting for our last subject. As a student council president, I smiled at all the people looking at me. Hindi na bago sa akin to you have to be friendly when you enter this.

"Maren Nikolai is still the number one in our batch!"

"True, I wonder kung wala ba syang ibang buhay kaya she's always number 1."

Hindi talaga maiiwasan ang chismis kahit saan. Kahit na wala ka namang ginagawang mali paguusapan ka pa rin ng tao. I hear a lot about that Maren Nikolai, sya ang palaging cinocompare sa akin ng mga teacher. Pero wala akong pakielam, may kanya-kanyang story line ang buhay ng tao.

"I've never seen that, Maren Nikolai. What on earth is she." Banat ni Stella

Stella is my childhood bestfriend, hanggang ngayon magkasama pa rin kami. Nakakasawa na, kidding aside etong si Stella once na may chismis na narinig ioopen na nya yan nang ioopen.

"She's smart pero mabibingi ka sa sobrang tahimik." Sagot naman ni Malika

Malika is my closest friend, kaklase nya si Maren before. Tahimik lang din sya pero once na magsalita sya makikinig ka talaga.

"I heard she have an attitude problem daw. Pero I don't know lang, hindi pa naman natin sya naeencounter." Dagdag ni Shayna

Si Shayna ang bunso sa grupo namin, madaldal at makulit din 'to. Palaging may source sa chismis.

"You're the student council president ikaw dapat ang may kakilala dyan." Tanong nilang lahat sa akin

"Twice ko palang syang nakaka salubong pero hindi kami nagpapang abot sa OSA. Based naman sa mga kasama ko—" I didn't finish my statement when somebody talked behind my back causing my attention to shift

"Do you guys enjoy talking about me?" Hindi pa ako lumilingon pero I prayed na hindi sya ang nagsasalita, and when I looked behind my back, sya nga. Walang expression nyang sinabi ang mga salitang yun nang nakatitig sa mga mata ko.

Halos malunod ako sa mga tingin nya. She's good looking, hindi ko makita yung sinasabi nilang may attitude problem but all I can see in her eyes is sadness.

"Uh-uh N-No. I'm sorry." Nauutal kong sabi, I was caught off guard nakakahiya. Hindi na sya nagsalita pa at nagpatuloy na sa paglalakad

Napailing nalang akong tumingin sa mga kaibigan ko. They were all dumb-founded. Nobody talks.

"Ehem." Shayna said clearing her throat "That's new, according to my source pinapahiya nya ang sino mang naguusap behind her back lalo na kapag sya mismo ang nakarinig. Halos hindi na nga makapasok yung mga pinahiya nya." Paglalahad ni Shayna

I wonder bakit hindi nya ginawa sa amin yun, we are literally talking behind her back. And kung gagawin nya man sa amin yun I won't complain since mistake naman talaga namin. 

PuzzleWhere stories live. Discover now