Confirmation

309 12 0
                                    

Juliana's POV

Today is December 23, busy ang lahat sa pagaayos dito sa bahay. Inayos na rin ang mga dadalhin naming pa Bohol. Nakaupo lang ako dito sa bahay nang sunod sunod na ang vibrate ang phone ko message from my friends.

 Nakaupo lang ako dito sa bahay nang sunod sunod na ang vibrate ang phone ko message from my friends

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nagpaalam na rin ako sakanila bigla namang nagmessage si Nikolai sa akin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nagpaalam na rin ako sakanila bigla namang nagmessage si Nikolai sa akin.

Pagka paalam nya ay sinarado ko na ang phone ko at nanuod na lamang ng movie

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pagka paalam nya ay sinarado ko na ang phone ko at nanuod na lamang ng movie. Ilang araw nalang birthday ko na, hindi naman ako excited, sakto lang. Pumunta ako nang kitchen at nakita ko si Mommy na nagluluto.

"Hi Mommy!" Masayang bati ko

"Hello anak!" Nakangiting bati nya "Mukhang excited ka na sa birthday mo ah!" Pangaasar ni Mommy

"Hindi naman po Mommy!" Tanggi ko

"Sus, Si Nikolai pala nakapag ayos na ba ng gamit?" Tanong ni Mommy

"Yes po, Mommy!" Sagot ko

"Nakapag paalam na ba sya ng maayos?" Tanong ni Mommy

Tumango lang ako at saktong dumating naman ang daddy "Hello my unica ija!" Masayang bati ni Daddy

"Daddy!" Tumakbo ako sakanya at yumakap

"Ay nako, big baby!" Asar ni Daddy "Oh si Nikolai, hindi ba pupunta ngayon dito?" Tanong ni Daddy

"Hindi po daddy, bukas nalang daw po!" Sagot ko naman at nakangiti

Maren Nikolai's POV

December 23 ngayon at bukas na ang alis namin ni Celestine at ang kanyang pamilya. Kinakabahan ako sa mga mangyayari. Nagpaalam ako kay Celestine para puntahan ang aking ama.

Napagkasunduan kasi naming magkita pagkalipas ng tatlong taon, bago magpasko, dumating na ako sa binigay na address ni Papa. Isang may kalakihang bahay sa isang eksklusibong subdivision. Nag doorbell na ako at agad namang lumabas ang Papa.

"Nikolai, anak!" Nakangiting bati ni Papa

Tumango lang ako sakanya at sumunod sa paglalakad sakanya.

"Anak, advance merry Christmas saiyo!" Bati ni Papa "Ayos ba itong bahay ko?" Nakangiting tanong ni Papa

"Opo, ayos naman po. Ganitong ganito pong bahay ang pinangako ninyo sa amin nila Mama." Walang preno kong sagot

"Anak, I'm sorry." Malungkot na sabi ni Papa "Noon pa man, hindi na talaga kami magkasundo ng mama mo. Gusto nya na maging ganito ako, maging ganyan. At nung sumugal kami sa negosyo na akala naming magpapayaman sa amin ay mas lalo kaming bumagsak. Araw-araw nya akong sinisisi sa kasalanang hindi lang naman ako ang may gawa." Dugtong ni Papa

"Pero bakit ka ganon pa? Bakit akala mong walang andyan para sayo, kaya humanap ka at iniwan ako? Pa 16 lang ako noon. Wala akong kamuwang muwang sa mundo. Alam mong iniwan na ako ni Mama, pati ba naman ikaw? Tanggap ko lahat ng pananakit mo sa akin eh, mga salita mo kasi alam ko malungkot ka. Kaya hinayaan ko lang." Hindi ko na kaya kusang tumulo ang luha sa mga mata ko "Iniwan mo ako pa at hindi ko alam kung papaano ako nakabangon." Dugtong ko

"Alam ko anak, I'm sorry. Babawi ako anak." Puno ng emosyon na sabi ni Papa 'Aayusin ko 'to." Dagdag nya

Tumango lang ako sakanya "Pano ka naka abot sa ganito?" Tanong ko

"Ah, pa mana ng lola mo ito. Inayos ko ang buhay ko sa tatlong taon, anak. Kasi alam ko magkikita ulit tayo, anak at aayusin ko ang nasira." Sagot ni Papa

"Pero kasal na si Mama, Pa." Malungkot na sabi ko

"Hindi pa naman huli ang lahat anak." Sagot ni Papa

Ngumiti lang ako sakanya at nagusap pa kami tungkol sa iba't ibang bagay.

"May nobyo ka na ba anak?O nobya?" Pangaasar ni Papa

"Wala pa, Papa." Nakangiting sabi ko

"Naku mahina ang anak ko mukhang masaya ka naman anak, maging nobyo o nobya man yan suportado ako, basta wag kang maging duwag. Wag mo akong gayahin." Paalala ni Papa

"Oo naman po pa, bukas po pala ang alis naming pa Bohol. Birthday po nya." Paalam ko

"Ay naku eto na nga ba, basta wag muna akong magkaka apo ah." Biro ni Papa

Tumawa lang ako "Kasama po naming ang parents nya." Kalmadong sabi ko

"Sige anak, magiingat ka dun ah. Tawagan mo lang ako kung may kailangan ka at kelan ka ba lilipat dito? Ipapakuha ko na ang gamit mo nyan." Sabi ni Papa

"Hindi po muna Ma. Baka po umuwi sila Mama, wala silang madatnan sa bahay." Kalmadong sabi ko

"Sabagay, kamusta na kayo si Maxine? Miss na miss ko na ang kapatid mo." Naluluhang sabi ni Papa

"Ako rin po, Pa." Dagdag ko

"Wag ka magalala anak, akong bahala." Reassuring na sabi ni Papa

Tumango lang ako at inenjoy lang namin ang buong araw.Gabi na ng magpaalam ako kay Papa. "Pa, uwi na po ako."

"Anak, pumunta ka rito kapag uwi mo ah. Magiingat ka." Masayang sabi ni Papa

Pinatakbo ko na ang motor ko at umuwi na ng bahay. 

Pagka uwi ko ay agad naman akong nagmessage kay Celestine.

Pagka uwi ko ay agad naman akong nagmessage kay Celestine

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Everyday ganito lang kami, asaran at kulitan. Sana hindi matapos ang ganito, dahil inaamin ko na. 

Mahal na mahal na kita, Juliana Celestine Alvarez.

PuzzleWhere stories live. Discover now