Juliana's POV
Early in the morning, I wake up. Hindi ko alam kung bakit gising na gising yung isip ko. I tried to go back to sleep pero hindi na ako makatulog. Gumayak na ako at pagkatapos ay bumaba kasama ang librong binabasa ko.
Nagtungo lang ako sa garden, tanaw na tanaw mo ang pool area hanggang dito. I admire this place, lalo na yung mga kalaman ni Mommy. Tahimik akong nagbabasa nang biglang tawagin ako ni Mommy.
"Iha, ang aga mo ata ngayon." Masayang sabi ni Mommy
"Yes, Mom. Hindi na po ako maka tulog eh." Alangan kong sagot, alas sais palang kasi nang umaga, I usually wake up at around 7 AM. Tumango lang si Mommy at inasikaso na ang mga halaman nya.
Nagpatuloy lang ako sa pagbabasa nang biglang may nag doorbell, papunta na sana ako nang sabihin ni Manang Cynthia na sya na ang magbubukas.
Bumalik si Manang Cynthia at tinawag si Mommy. "Ma'am, may naghahanap po sainyo." Rinig kong sabi nito
"Sino?" Tanong naman ni Mommy
"Nikolai raw po." Biglang nandilat ang mata ko sa narinig ko
"Papasukin mo." Saad naman ni Mommy, umalis na si Manang Cynthia para buksan ang pinto
Hindi ko inaasahan 'to, bakit ka ba ganyan Maren Nikolai Perez. Umakto akong hindi narinig ang sinabi ni Manang Cynthia at nagpatuloy lang sa pagbabasa.
"Oh, Nikolai. Napadaan ka?" Tanong ni Mommy
"Tita, good morning po! Eto po pandesal. Pasensya na po yan lang po nadala ko." Kalmadong sabi nito
"Ay nako nagabala ka pa. Salamat!" Nakangiting sabi ni Mommy "Manang, pa handa naman po ako nang kape!" Tawag ni Mommy kay Manang Cynthia "Umupo ka, anak." Aya ni Mommy kay Nikolai
Nagulat naman si Nikolai na andito ako't nagbabasa. "Good morning, Tine." Nakangiting sabi nito
Tumango lang ako sakanya.
"Tita, kaya po ako andito ipagpapaalam ko lang po si Celestine. Kung maari pong ako nalang ang maghatid sundo sakanya. Pangako pong iingatan ko sya." Seryosong sabi nya
"Ay anak, kung sa akin lang ay ayos lang naman. Ang daddy nya at sya ang tanungin mo." Sakto namang dumating si Daddy
"Nikolai, anak. Naparito ka?" Bungad ni Daddy
Lumapit si Nikolai kay Daddy at nagmano. "As I was saying tito, ipinagpapaalam ko po si Celestinem kung maari po. Ako nalang po ang maghahatid sundo sakanya. Sabay nalang po kaming pumasok sa school. I promise po tito na iingatan ko sya." Seryosong sabi nya
"Eh, papaano yan? Hindi na pala namin kailangan si Ferdie." Biro sabi ni Daddy
Tumawa lang si Nikolai. "Osige anak, basta magiingat kayo ha. Dahan-dahan sa pagmamaneho." Sagot naman ni Daddy
"Opo tito, tita. Makaka asa po kayong iingatan ko ang anak nyo." Nakangiting sabi ni Nikolai
"Ay daddy, tingnan mo si Nikolai parang hawig nya yung—" Hindi natapos ang sasabihin ni Mommy ng magsalita si Daddy, napatingin lang si Nikolai
"Ang sarap naman netong pandesal. Oh anong oras na, baka malate kayo ha!" Sabi ni daddy habang ngumunguya
Umakyat na muna ako sa taas at kinuha ang gamit ko. Agad naman akong bumaba at pinuntahan si Nikolai.
YOU ARE READING
Puzzle
FanfictionJuliana Celestine Alvarez (Jhoanna Robles) is a school student council president and an academic achiever. Coming from one of the most influential families in town, Juliana's future is a subject of great interest. What might happen if Juliana lets h...