Family

319 12 2
                                    

Maren Nikolai's POV

Pagkarating namin sa bahay nila Celestine ay agad naman akong nagpaalam para puntahan si Papa. Nagtext kasi sya sa akin na may emergency daw kaya agad agad akong nagpunta sa bahay nya. Pagkarating ko ay nagdoor bell na ako ngunit walang sumasagot kaya naisipan kong pumasok na. Kumatok ako sa main door ng tatlong beses at nang walang sumagot ay binuksan ko na ito.

Pagka bukas ko ng pinto ay "Surprise!" Masayang sigaw nila

Nagulat ako, ang Mommy at Daddy kasama si Maxine ay nakangiti. "Am I dreaming?" Maluha luha kong sabi

Lumapit sa akin si Papa "Hindi anak, eto ang pangako ko sayo hindi ba?" Masayang sabi nya ng nakahawak sa balikat ko

Lumapit ako kila Mommy at Maxine at niyakap sila, "Namiss ko kayo, sobra." Umiiyak kong sabi

Umupo na kami sa dining area at nagusap-usap. Anlaki na ni Maxine, mukhang amerikana.

"Anak lalai." Tawag ni Mama

"Ay wag mo na syang tawaging ganyan, malaki na ang anak mo." Birong sabi ni Papa "Nikolai na." Dagdag ni Papa

"Osige Nikolai, anak. Kamusta ka nga ba?" Natatawang sabi ni Mommy

"Ayos naman po ako, nakapag ipon ipon rin po ako sa pagsa side line ko. Nagtututor ako, nagbabantay ng tindahan at nagfreelance din po. Yung mga pinapadala nyo naman po ay hindi ko ginagastos at naka ipon po sa savings ko." Kalmadong sabi ko

"Paanong hindi mo ginagastos anak? Kahit na dapat itreat mo rin ang sarili mo." Sabi ni Mama

"Natreat ko na po ang sarili ko, Ma. Ayoko rin po kasi na maulit yung nangyari dati na dahil sa walang pera matutulad sa nakaraan natin." Dagdag ko

"Alam ko naman yun anak. Kung hindi mo pala nagagatos edi milyonaryo ka na nyan!" Biro ni Mommy

Tumawa lang kami at si Maxine naman ay nakatingin lang. Lumapit ako kay Maxine "Anlaki mo na Max!" Nakangiting sabi ko

Tiningnan nya lang ako ng walang expression "Namiss ka ni Ate." Dagdag ko

"Anak, next semester okay lang bang Samahan mo ang kapatid mo magenroll?" Nakangiting sabi ni Mama

Ibig sabihin ba nito ay dito na sila titira? "Opo, Ma! Anong grade na po ba ni Maxine?" Tanong ko

"Grade 12 na rin anak, kagaya mo. Nag exam at nakapasa kaya nag accelerate." Nakangiting sabi ni Mama

"Ano pong strand nya?" Tanong ko

"STEM." Walang emosyong sagot ni Maxine

"Parehas pala tayo eh, sana maging classmate tayo." Masayang sabi ko

"Sana." Nakangising sabi nya

"Ma, pano pala si Tito Tim?" Ang asawang amerikano ni Mama

"Anak, he understands. Matagal na panahon nya rin daw akong inilayo sainyo." The selflessness of Tito Tim, grabe. "We're getting a divorce pagbalik ko." Dagdag ni Mama

"Babalik ka?" Tanong ko

"Yes anak, to fix our divorce." Sabi ni Mama

"Pa, ayusin mo sana this time. Kapag hindi mo inayos ako mismo magsasaoli kay Mama kay tito tim." Banta ko

PuzzleWhere stories live. Discover now