Panibagong araw na naman, biyernes. Hindi pa rin maalis ang ngiti ni Juliana. Agad itong gumayak at handa nang pumasok sa paaralan.
"Good morning, anak!" Masayang bati ng Mommy ni Juliana
Nagulat naman si Juliana dahil ang alam nya ay umalis ang mga ito para sa business trip nila. "Mom? Good morning po!" Bati nito
Juliana's POV
"Cancelled ang flight naming ng daddy mo. May paparating daw na bagyo." Saad ni Mommy
Tumango lang ako. "What time po kayo nakauwi?" Tanong ko
"Late na anak, sinilip ka namin kaso tulog ka na." Sagot ni Mommy "Anak, later we're having a dinner with Tiu. Pumunta raw sila dito kagabi." Pagpapatuloy ni Mommy
Umagang umaga sira agad ang araw ko dahil sa Brylle na yan. Tumango lang ako kay Mommy at dumiretsyo na sa sasakyan.
Pagkapasok ko ay agad akong pumunta kina Stella. Nagtatawanan sila. Agad naman akong napansin ni Shayna.
"Ate Juls, bakit ang aga aga naka simangot ka dyan?" Tanong nya, napatingin naman ang dalawa
"Papaanong hindi sisimangot, ginamit ni Brylle ang family friend card nya. We're having a dinner tonight." Sagot ko
"Ayan na nga ba sinasabi ko eh, gusto mo ipagpaalam kita kila Tita?" Alalang sabi ni Stella
"No, I can manage." Pilit kong ngiti
"Hey, alam mo na ba? Yung pinagkakalat ni Brylle?" Tanong ni Malika
"Yeah. Kapal talaga ng face." Sagot ko "Naikwento sa akin ni Nikolai." Dagdag ko
"Nikolai? Wow. Second name basis? Close kayo?" Sunod na sunod na tanong ni Shayna
"Medyo." Naiilang kong sagot
"Ha? Kelan pa?" Curious na tanong ni Stella
"Last week, lumabas kami kagabi." Nahihiyang sabi ko, pinandilatan nila ako ng mga mata
"What is happening? The world is healing!" Exaggerated na sabi ni Stella
"OA masyado te." Banat ni Shayna
"Buti hindi ka nya sinaktan?" Tanong ni Malika
"She's harmless naman." Nakangiting sagot ko, sakto namang nakita naming naglalakad na ang mga teachers namin kaya agad na kaming pumasok sa loob
Nag discuss lang ang teachers wala namang bago. Medyo alam ko na rin yung topic since nakapag advance reading na rin ako. Lumipas ang ilang oras at uwian na. Nagpaalam na rin agad si Stella sa akin at may lakad daw sila nang mga pinsan nya. Si Shayna at Malika naman ay nowhere to be find.
Palabas na ako nang school nang makita ko si Nikolai. Tinawag ko naman sya agad. "Niko!"
Lumapit naman sya sa akin "Uhm?"
"Pauwi ka na?" Tanong ko
Natawa naman sya ng bahagya "Hindi ba halata?" Hindi ako sumagot at inirapan ko lang sya "Gusto mo mag meryenda?" Aya nya sa akin
Tumango naman ako at naglakad na sya papunta sa tapat ng gate kung saan may nagtitinda ng streetfoods, sumunod lang ako sakanya.
"Turo mo gusto mo, sabihin mo lang pangalan ko." Natatawang sabi nya, natawa rin ang nagtitinda
YOU ARE READING
Puzzle
FanfictionJuliana Celestine Alvarez (Jhoanna Robles) is a school student council president and an academic achiever. Coming from one of the most influential families in town, Juliana's future is a subject of great interest. What might happen if Juliana lets h...