Juliana's POV
Hindi pa rin maalis sa isip ko ang halik ni Nikolai. Hindi ko alam kung dapat ko bang isipin yun or natural lang yun and sign of respect lang talaga. Pero bakit halos ma freeze ako sa halik na yun.
Naguusap pa rin naman kami, hindi naman natigil ang communication namin. Lunes na naman kaya for sure ay magkikita na naman kami nina Stella and lalo na si Nikolai.
Pagkababa ko ay sakto namang andoon si Daddy, lumapit ako sakanya at bumati. "Good morning, daddy!" Sabay halik sa pisnge nya
"Good morning anak ko. Naka tulog ka ba ng maayos?" Tanong ni Daddy
"Opo daddy" Sagot ko
"Si Nikolai, gusto ko sya mabuting bata. Nililigawan ka ba nya?" Tanong ni Daddy na ikinagulat ko
"Hi-hindi po Daddy, magkaibigan lang po kami." Depensa ko
"Ay nako anak, kung ano man ang namamagitan sainyo magsabi kayo ha?" Reassuring na sabi ni Daddy
"Ano ang naririnig kong namamagitan?" Pakikiusyoso ni Mommy
"Si Nikolai at Juliana." Pangaasar naman ni Daddy
"Eto talaga mga bata pa sila Daddy, hayaan mo lang sila." Sagot naman ni Mommy
"Anak, aalis pala kami ng Mommy mo bukas ha. Tuloy na tuloy na ang business trip namin. Gusto mo ba ng pasalubong na kapatid?" Biro ni Daddy
Tumawa lang ako at tumango. Agad naman akong sumakay sa sasakyan at pumasok na ng school.
Hindi ko pa nakikita si Nikolai, pero nakita ko na sina Stella.
"Juls, may meeting daw." Pagsisimula ni Stella
Hindi ko ata nabanggit sainyo, si Stella ang Secretary ng Student council. Sya sana ang vice president pero tumanggi ito. "Ah oo, let's go?" Saad ko at pumuntang office ng SSC
Pumasok na ako sa office at umupo sa designated seat ko katabi ko si Stella since sya ang nagrerecord ng minutes.
"Recap lang, next month ang intramurals. Kelangan na ifinalize ang mga line up ng teams. Mga senior high school representatives I disseminate nyo na to within this day para maka pag entry lahat ng strand. And regarding sa mag peperform, mag pa audition na rin kayo within this week para plakado ang lahat." Paninimula ko "And I'll give you 3 days para makakuha ng opinions ng mga sasali para maibigay naman natin sakanila ang best intramurals." Dagdag ko
"Yes pres, noted!" Sabay sabay nilang sabi
"And also, if you need anything from me, wag kayo mahihiyang lumapit. No one will bite you and to clarify this, I am not romantically involved with anyone." Nakangiti kong sabi
"Akala ko you're with B—" Hindi na natapos ang sasabihin ni Vince, vice president.
"Don't say bad words!" Natatawa namang sabi ni Stella
Kaya lahat kami ay nagtawanan nalang. "As for this, sagot ko na lunch nyo!" Masayang sabi ko
Napahiyaw naman silang lahat sa saya. Kaya pala hindi kami ganito noon dahil sa letcheng Brylle na yan. Nagiwan na ako nang pambili nang food at chineck ang oras. It's 10:00 AM na pala that means tapos na ang second subject at break time na. Nagpaalam naman ako sakanilang aalis ako, sumama naman sa akin si Stella.
"San ka ba pupunta?" Tanong ni Stella
"Kay Nikolai." Sagot ko
"Okay." Sumunod lang sa akin si Stella
YOU ARE READING
Puzzle
FanfictionJuliana Celestine Alvarez (Jhoanna Robles) is a school student council president and an academic achiever. Coming from one of the most influential families in town, Juliana's future is a subject of great interest. What might happen if Juliana lets h...