TORTURED BY A MAFIA
KABANATA 18
PUSO O UTAK
"Kumain kana. Alam kung galit ka sa akin kaya wala akong magawa kundj ang manahimik nalang" si Aaron na nagsalita ng hinatdan niya ako ng pagkain sa loob ng silid
Inirapan ko lang ito at nakita kung umalis iyon palabas.
Kinain ko ang hinatid nito sa akin at inilagay ko nalang din sa tabi ng kama
Bumaba naman ako at pumunta sa banyo para maligo.
Pagkatapos ay naabutan ko si Aaron na nakaupo sa sofa habang tulala
Hindi ko na iyon at pinansin at bumalik sa aking silid
Inayos ko ang aking sarili at naglagay ng kaunting makeup since bumubili naman ako online.
"Aalis ka?" Saad ni Aaron ng lumabas ako ng silid.
"Hindi" tipid na sagot ko
"Tara, punta tayo kay Drugo, makikipag-usap lang. Kahit hindi sumasagot" aniya saka napansin kung tumayo ito.
Tiningnan ko ito kung saan ito patungo. Sa kwarto nito. Tinatamad rin akong lumabas ng bahay o pumunta kahit saan. Kung pupunta rin naman ako ng sememteryo kasama si Aaron ay iiyak lang naman ako roon, ang labas mamaga yung mata.
"Huwag na Aaron, tinatamad ako ngayun. Bukas nalang siguro" ani ko sa kanya saka madaling pumunta ng kusina.
Wala akong nakuhang tugon nito kaya hindi ko na ito pinansin or tiningnan man lang.
Nagluto lang ako ng itlog at pancit canton. Nagutom ako kaka cellphone kanina.
Pumwesto ako sa lamesa at doon inihain ang niluto ko.
Kahit galit ako kay Aaron ay inaya ko parin itong kumain. Baka pagsabihan pa ng madamot.
"Nag absent ako ngayun" saad niya habang sumusubo ng pancit canton
Hindi ko ito sinagot at kumain nalang
"Tumawag sa akin yung kapatid mong si Kimberly, pupunta raw dito ngayun kasama yung kids at asawa niya kaya nag absent ako. Baka kase magulat ka kapag dumating sila bigla. Tapos naglinis narin ako kanina. Hindi naman halata kasi araw araw ka naman naglilinis rito."Mahabang saad nito at inubos ang pancit canton at itlog
Tumayo ito at pumunta sa lababo para hugasan yung pinagkainan nito.
"Thank you" saad ko at napalingon ito sa akin.
"For what?", Kunot noo itong nagtanung?
Bumuntong hininga lang ako at ningisihan ito.
"Ano... Ahm sa pagpapaalam mo sa akin na darating si Kimberly ngayun" saad ko at nakita ko lang na ngumisi ito.
Pagkatapos nitong maghugas ay bumalik ito sa silid nito. Ako naman ay hinugasan ang mga pinagkainan ko.
Bumalik ako sa aking silid at inayos muli ang aking sarili.
Ilang oras rin ako sa loob ng silid. Tiningnan ko ang wall clock at nakita kung alas dose na ng tanghali.
" Kinsley! Labas na may bisita ka" si Aaron na sumigaw galing sa labas ng silid.
Nagmadali akong lumabas ng silid. Naka tee shirt at naka pants lang ako.
"Hi sis" si Kimberly na ng salita
Malaking ngiti ang iginawad ko rito at madaling niyakap.
Gayun rin ang anak nito at hinalikan sa pisnge
![](https://img.wattpad.com/cover/371591848-288-k817295.jpg)
YOU ARE READING
TORTURED BY A MAFIA (VILLAFUERTE #1)
RomantizmSi Kinsley Villaverde siya ay isang spy na walang kinatatakutan. Miyembro ito sa isang association na walang nakaka alam kahit sino.Kilala ito sa buong campo na isang senior agent. Ngunit sa kabila ng kanyang kagalingan nabihag ito ng isang mafia. S...