PROLOUGE
Nanginginig na ang tuhod ko at ramdam ang kaba sa kaibuturan ng aking puso. I steady my breath and tried to calm the panic. Segu-segundo akong binubuhusan ng nakakatakot na titig ni Auntie Dolly, na para bang anumang oras ay makakatakas ako.
Kinagat ko ang ibabang labi.
Kung sana lang ay hindi nangyari ang insidenteng iyon last week, edi sana payapa akong namumuhay ngayon sa bahay ni Auntie habang nagpupunas sa malalaking bintana.
"Wow. Ang ganda naman ng pamangkin mo. Hindi ko alam na sa pangít mong 'yan may maganda kang kamag-anak,Doliara" mapang-asar na bigkas ng babaeng kadarating lang.
Ramdam ko ang tensyon sa tinginan nila ni auntie. Nasa 40's na ang tiyahin ko,habang ang babae naman ay sopistikada. Nahagip niya ang mga mata kong nakatingin sa kanya. Ngumiti siya sa akin at lumapit.
"Ikaw si Lucy? Buti hindi nagkamali ang diyos na maging kamukha ka ng impakta." Sarkastikong sabi niya at nilingon ang nanggagalaiting si Auntie.
Sinimulan niya na akong make-up-an. Obvious na hindi sila magkasundo ni tiya dahil hindi sila nagpapansinan. Pero tuwing ginagawa naman nila 'yon, sarkasmo lang at nagbibigay ng sama ng loob ang salitang binibitawan nila sa isa't isa.
Napabaling ako sa vanity mirror nang makarinig ng iilang halakhak. Bumukas ang pintuan at iniluwa n'on si Gyra kasama ang iilan niyang kaibigan na nag-iigsian ang mga suot. Tumaas ang kilay niya nang makita akong inaayusan, sumilay din ang nakakainsulto niyang ngisi.
"Diring-diri sa trabaho ko noon tapos ngayon mukhang aagawan mo pa ako ng trabaho." Tamad niyang sabi at unti-unting lumapit.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Sa loob lang ng isang gabi. Pag-aari na ako ng taong hindi ko kilala. O mas mabuting sabihin na binili ako ng taong hindi ko inaasahang makikita ko pa.
"Siya na 'yon?" Dumagundong ang kaba ko nang marinig ang baritonong boses na 'yon.
Pamilyar.
Tumango ang butler at iminuwestra ako sa kanyang amo. Pinagmasdan ko ang malapad na balikat ng matangkad na lalaki. Nanuyo ang lalamunan ko nang pati ang likuran nito ay pamilyar na pamilyar sa akin.
Ang katawan niya ay humarap sa akin habang may wine sa kabilang kamay. Pinaglalaruan niya iyon habang diretsong nakatingin sa akin.
My heart froze and my stomach turned icy.
S-shít.
Anong kabrútálan ang pinasukan ko.
I unconsciously stepped back with my legs trembling in fear.
Ang mga mata niyang puno ng pag-aalala at pagmamahal sa bata noon ay kasing lamig na ng niyebe kung tumitig sa akin ngayon. Naramdaman ko ang pagkurot ni Auntie Dolly sa beywang ko. Masakit pero hindi ko inintindi iyon dahil sa sinabi niya pagkatapos.
"Na-transfer na sa bank account ko ang deposit at buong bayad ng lalaking 'yan sa 'yo. Baka gusto mong ipaalala ko sa 'yo ang mamahaling frame na nasira mo?" Napalunok ako sa pananakot niya.
Napayuko nalang ako. Am I ready to accept the flow of destiny? Did destiny bring me here just to be bought by the running mayor?
𝙍𝙀𝘼𝘿 𝘼𝙏 𝙔𝙊𝙐𝙍 𝙊𝙒𝙉 𝙍𝙄𝙎𝙆‼️
YOU ARE READING
Under The Mayor's Possession
RomanceAm I ready to accept the flow of destiny? Did destiny bring me here just to be bought by the running mayor?