CHAPTER 16
LEANDER'S POV
Pinunasan ko ang basang buhok gamit ang tuyong tuwalya. I stiffen when I heard someone sobbing. Nagtama ang mga mata namin ni Lucy. She's crying and throwing deáth glares at me. Bumaba ang tingin ko sa hawak niya.
Cráp.
Bakit ba kasi hindi ko naisipang itago 'yan kaysa ibalandra?
Humahangos siyang lumapit sa akin at hinampas ang investigation report na kakakuha ko lang kanina sa city hall.
"Ganyan ka ba ka iritado sa akin kaya maski ang kalagayan ng auntie ko ayaw mong sabihin!?"garalgal na tono niyang sabi.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko. She thinks that I was irritated at her?
"Kailan mo balak sabihin sa akin na nahostagé na pala ang tiyahin ko!?O kung may balak ka ba talaga!?" galit na galit niyang saad at pinagsusuntok ako.
Nanghihina kong hinawakan ang pareho niyang kamay pero hindi siya nagpapigil.
Fúck.
"Ano!? Magsalita ka!"
"Can you please calm down,baby." I lowered my tone and gently grasped both her hands.
Umamong muli ang kulay tsokolate niyang mga mata at humikbi. I know she's hurting. Pero hindi siya dapat masaktan sa mga bagay na hindi niya dapat iniiyakan.
Hinila ko siya papuntang kama at naupo. She sat down as well beside me.
"Mataas man ang tyansa na gawing hostage ng Stygian group ang tiyahin mo. Matalino pa rin ang kamag-anak mong 'yon."
She looks confused. "May nilagay na tracker ang butler ko sa tita mo. Sa 'yo rin meron kaya lang hinubád mo na." lumiit ang boses ko sa dulong bahagi at bahagyang napaubo.
"Bakit mo naman ginawa 'yon?"
"Natural lang 'yon dahil may kontrata kami. Wala akong balak sabihin sa 'yo 'yung tungkol dito dahil nagpapakasaya ang tiyahin mo sa ibang lugar gamit ang perang nakuha niya dahil sayo."simpleng sabi ko.
She nodded. "As long as she's safe. For sure traúmatize siya sa nangyari." Napahinga siya ng maluwag-luwag."Nakuha? You mean yung bid??" dagdag niyang tanong.
Umiling ako. "Hindi lang 'yon. Kasama ang bayad sa damages, paunang bayad, bid—-"
"Damages?" takang sabi niya.
Oh I see. Hindi nga niya alam.
"Yung nangyari sa bahay nila last week." Unti-unting nanlaki ang mata niya. "ANO!?" sigaw niya.
Seryoso ko siyang tiningnan. Mukha nakuha niya ang ibig kong ipahiwatig sa kanya. "So nakakuha na siya ng pera sa nabasag na painting?" Tumango ako sa sinabi niya. "Pero pinilit niya pa rin akong pagbayaran ang painting na 'yon kahit na alam naman na pala niya na hindi nga ako ang nakabasag?!"naghihisterikal niyang sabi.
Pinawi niya ang luha at inis na tiningnan ang papel.
So yeah. I'm right.
Tumango-tango ako na parang demónyo. Hinihikayat siyang 'wag nang iyakan ang mapang-api niyang tiya.
Malungkot siyang napabuga sa hangin. "Kawawa naman si Gun."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Sinong Gun?lalaki niya?
"... kung ganoong nagpapakasaya ang tiya ko sa malayo, paano na ang pinsan kong si Gun? Si Uncle,Gyra at si Gio... kawawa naman sila."she sadly said.
Pinsan pala....
"Oo nga pala... ipapagiba na ang bahay nila sa Tondo." Bungad ko.
"Ano!?Bakit?"
"Wala silang titulo sa lupang tinitirikan ng bahay na 'yon."
Namutla siya at bumagsak na lalo ang balikat. May ibinulong siya sa sarili at mukhang dismayado sa narinig.
"Since malaki ang ibinayad ko... sa akin ka."bawi ko.
Napabaling siya sa akin. Pilit siyang sumisimangot pero sumisilip ang ngiti. "H-ha—-"
"Sa akin ka titira. Kung nasaan ako doon ka. Bukas bibili tayo ng mga damit mo dahil uuwian ko na ang bahay ko sa Forbes Park"
"Hindi mo pa ba bahay 'to?"
Nagdalawang-isip pa ako kung sasagutin ko ba ang tanong niya. "Palipat-lipat lang." kibit-balikat kong sabi.
Ngumiwi naman siya sa akin.
MABUTI NALANG TALAGA AT MAHUSAY PA RIN AKONG MAGSINUNGALING. Totoong umalis si Mrs. Vecino sa Maynila. Dinungaw ko ang inosenteng ngiti ni Lucy habang tumatawa sa biro ko. She's too innocent to hurt. Naiinis ako. She's 18 already, kaya niya nang magdesisyon sa buhay niya nang walang humahadlang Doliara sa buhay niya. She is now free in my arms. Siya ay titira sa bahay na pinaghirapan ko dahil pahirapan ding kunin siya. She was to far to let me reach her, at ngayong abot-kamay ko na siya... ano pang dahilan para pakawalan ko ulit siya?.
YOU ARE READING
Under The Mayor's Possession
RomanceAm I ready to accept the flow of destiny? Did destiny bring me here just to be bought by the running mayor?