CHAPTER 18
TAHIMIK KAMING KUMAIN NI LEANDER AT WALA NI ISANG NAGSALITA KAHIT NA ISA SA AMIN. Siraulo kasi. Hórny agad siya sa salita ko? paano pa kaya kapag ano na. Sinampal ko ang sarili. Ano bang pinag-iisip mo,Lucy.
Nag-aaral ka pa hoy.
"Tumunog phone mo."si Leander.
Awkward naman siyang umiwas ng tingin. Parang kailan lang makapál pa mukha nito ah?
𝙁𝙍𝙊𝙈: 𝙄𝙯𝙚𝙖🤡
𝘱𝘶𝘯𝘵𝘢 𝘵𝘢𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘣𝘨𝘤.
9:12𝙖𝙢Aga-aga niya magyaya.
Nilingon ko si Leander na nakikiusyoso pala sa phone ko. Tinaasan niya ako ng kilay at napanguso nalang ako.
"Picture tayo." yaya ko.
Fan siya ni Zea kaya for sure matutuwa at magagalit 'yon kapag nalaman niyang kasama ko mayor niya.
"Isesend ko lang sa kaibigan ko. Hindi kita ibebenta,wag kang mag-alala."anas ko pa dahil iniismiran niya ako.
Hindi siya gumalaw sa kinauupuan kaya tumayo ako at lumipat sa tabi niya. I moved closer to him a bit and smiled. I felt him stiffen and breath heavily.
We took a pic together. Pagkatapos ay kumalikot na ulit ako sa phone ko.
𝙏𝙊: 𝙄𝙯𝙚𝙖🤡
𝘬𝘶𝘮𝘢𝘪𝘯 𝘯𝘢 𝘣𝘢 '𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘰𝘺𝘧𝘳𝘪𝘦𝘯𝘥 𝘮𝘰, 𝘬𝘢𝘴𝘪 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘱𝘢 𝘬𝘢𝘬𝘢𝘪𝘯 𝘬𝘢𝘮𝘪 𝘴𝘢 𝘭𝘢𝘣𝘢𝘴.
𝗬𝗢𝗨 𝗦𝗘𝗡𝗧 𝗔 𝗣𝗜𝗖𝗧𝗨𝗥𝗘
9:15 𝙖𝙢LEANDER'S POV
HUMAGIKHIK SI LUCY HABANG NAKATUNGO SA CELLPHONE. Inis ko iyong tiningnan at gulat ako nang may tumawag. Nagkatinginan muna kami bago niya iyon sagutin. Lumayo pa siya para sagutin 'yon.
Akala niya naman nakikinig ako.
Hindi ko kaya narinig na sumigaw yung kaibigan niyang babae at isinigaw ang pangalan ko.
Alas-tres na at hindi pa rin tapos mag-ayos si Lucy sa kwarto niya. Tapos na akong irevised at pirmahan ang mga dokumento sa paggasta ng city councilors. Pero siya? Hindi ko alam kung nagtatawag na ba siya ng demónyo sa loob para tulungan siyang magsuklay.
Nang lumabas siya ay may kung anong kinang sa suot niyang damit. Ngiting-ngiti pa siya habang hinahawakan ang buhok, pero nang makita niya akong naghihintay nawala ang ngisi niya.
Umayos siya ng tayo at nag-peace sign. "Matagal ba ako? pasensya na tao lang."
I crossed my arms in my chest.
"Sino naman ang nagtsismis sa 'yo na tao ka." Sabi ko na ikinairap niya.
Nagpatiuna siyang lumabas ng bahay kaya agad ko siyang sinundan habang natatawa. She looks pretty pissed and I like it. Pinagbuksan ko siya ng pintuan habang matalim niya akong tinitingnan. Ang tindi rin ng isang 'to, kapag siya nang-aasar tuwang-tuwa. Kapag ako, parang gusto niya akong ihagis palabas ng bahay.
~~~~~~~~~~~~
Sa SM Megamall muna kami sa Mandaluyong. Madali lang naman kaming nakarating dahil hindi masyadong matraffic.
"Just pick whatever you want,Lucy." ani ko.
Nagpipili na siya pero may pagdadalawang-isip habang ginagawa iyon. Nakita ko ang pagkagat ng labi niya nang nilingon ako. "Wala bang ukay-ukay?"nahihiya niyang sabi.
Bumuntong-hininga nalang ako. Hindi pa siya gaanong komportable sa akin at ayos lang iyon. Namamahalan ata siya sa mga damit dito at nahihiya siya dahil ako ang magbabayad. Kaya sumunod ako, ayaw kong hindi siya komportable sa tabi ko.
NAGLIBOT-LIBOT KAMI SA DIVISORIA. Marami-rami siyang napili at ang masakit doon.... ang dami kong bitbit na plastíc.
"Uy may ice cream doon!"natutuwang sabi niya at tumakbo agad sa ice cream vendor.
Napabuntong-hininga ako sa ginawa niya. Kahit na naka-sneakers siya, paano kung madapa siya at masugatan na naman? Ni hindi pa nga gumagaling ang bubog sa binti niya.
"Magkano po kuya?" tanong ko sa tindero para sana mabayaran kaya lang iminuwestra agad ni Lucy ang bayad sa ice cream naming dalawa.
"Nilibre kita ng ice cream. May utang na loob ka sa akin."aniya.
Mayabang niya akong tiningnan at natawa sa ayos ko. Puno ang dalawang kamay at leeg ko ng plástic at eco bag. Nginiwian ko ang mapaglarong tingin niya sa akin. Nang-aasar pa 'to.
Umupo muna kami sa tabi ng kalsada na walang dumadaang sasakyan. May iilang mamimili ang panay lingon ng lingon sa direksyon ko. Imunuwestra ni Lucy ang ice cream sa mukha ko na parang susubuan ako.
"Lilipad na ang airplane."she sang happily.
I glared at her but still lick the ice cream she bought for me. Natatawa naman niya akong tiningnan.
"LAMIGGG" Sabi niya matapos kagatin ang ice cream.
"Magtaka kung mainit 'yan." Nginiwian niya na naman ako.
She bit her lip and sat right in front of me. I raised an eyebrow at her. "May joke ako." I nodded and waited for her line.
"Duck ka ba?"
"Bakit?" Kasi dáks ako?
"Kasi ako yung bebe mo." aniya.
"Huh?Ganda ka?"bara ko sa kanya at pinaghahampas ako.
YOU ARE READING
Under The Mayor's Possession
RomanceAm I ready to accept the flow of destiny? Did destiny bring me here just to be bought by the running mayor?