CHAPTER 21

4 0 0
                                    

CHAPTER 21

HINDI UMUWI SI LEANDER KAGABI. Bagsak ang balikat kong napaupo ulit sa kama naming dalawa at pinanood and langgit mula na bintana. May kumatok sa pinto. "Ma'am. Handa na po ang almusal niyo. Pinahanda po ito ni Sir Leander" ani Heidi.

Nakaramdam ako ng lungkot. Bakit sila kinakausap niya? Ba't ako hindi?

"Sige. Babangon na ako."matamlay kong sabi at tuluyan nang bumangon sa kinahihigaan.

BUMABA ako ng hagdan at pumasok sa kusina. Kumpara sa unang bahay na tinirhan ko kasama si Leander, marami siyang katulong dito kaya marami ako nakausap kahapon. Magaan silang kasama kaya napawi ang buryo ko sa bahay na 'to habang hinihintay si Leander kagabi.

Narinig ko ang iilang bungisngis ng mga babae mula sa kusina. Habang papalapit ako nang papalapit,unti-unti kong nakikita ang pigura ni Leander. O baka namimiss ko lang siya?

Kinurot ko ang braso dahil baka tulog lang ako. Pero masakit naman.

"Hi,beauty!"masayang bati ni Leander sa akin.

Kailan pa siya umuwi. Tiningnan ko si Heidi na binilinan ko kagabi na sabihin sa akin kung nakauwi ang embutidong 'to. Pero kinikilig itong lumingon sa akin habang pinagnanasáan ang lalaki.

"Hello,beast."asar kong sabi at inis siyang nilapitan.

Huminga ako ng malalim dahil nasa harap kami ng mga tao. Narinig ko ang tawa ng iilang nakatingin sa amin dahil siguro sa pabalik kong bati.

"Kamusta tulog mo? Nagustuhan mo ba 'tong bahay?" Tinanguan ko lang siya at umupo.

Marami siyang itinanong at lahat ng iyon ay tango o minsan hindi ko pinapansin. Isang linggo niya kaya akong tiniis! Alangan namang i-welcome ko agad siya sa buhay ko edi nabuking ako na may gusto na ako sa kanya!

"Manang."tawag niya.

Lumapit si ate Arlene. "Bakit po?"

"Pinapapak niyo ba 'to ng yelo kahapon?"tukoy niya sa akin.

Kinunutan ko siya ng noo. Natawa si ate Arlene sa hindi ko alam na dahilan. Umalis ito at isinama niya ang iba pang katulong.

"Ba't ang cold mo?"bulong ng hungháng sa akin.

Matamis ko siyang nginitian. "Pag tinititigan kita,naniniwala ako na ang tao ay galing talaga sa unggoy."

He looked amused. "Wow."

"Wow" panggagaya ko.

His brows furrowed. "Hey,stop."

"Hey,stop."

"Lucy,dámn." he smiled.

"Lucy,dámn."natutuwang panggagaya ko.

"Tara sa kama."

"Tara sa ka—-rinderya" Awkward kong sagot.

He ended laughing than eating. Wala na. Bati na kami.

~~~~~~~~~~~

IPINAGBIHIS AKO NI LEANDER DAHIL MAY PUPUNTA RAW DITO MAMAYA. Nagsuot ako ng red fitted lace dress na hanggang itaas lang ng tuhod ko. May hugis naman din ang katawan ko, maputi rin ako at hindi gaanong mabalbon.

Kinuha ko ang jewelry box na iniregalo ni Leander sa akin. Tumambad ang gold necklaces sa mga mata ko. Nagkikinangan ang mga iyon dahil sa ilaw ng kuwarto.

*TOK TOK*

Bumukas ang pinto at pumasok si Leander. Saglit siyang napatigil habang pinapasadahan ng tingin ang suot ko.

"W-wow."

Unti-unti siyang lumapit sa aking likuran at pinagkatitigan ako mula roon. Mapungay ang mga mata niyang tinitingnan ako. My legs shaken a bit. Nakakalason ang nararamdaman ko. Pero ayaw ko ring mawala ito.

Itinaas ko ang napili kong kwintas at ipinakita sa kanya mula sa salamin.

"Ang ganda."puri ko.

"I'm glad you like it." ngiti niya at kinuha ang kwintas mula sa kamay ko.

Hinawi niya ang buhok ko. I got goosebumps as his skin touched my bare back. Bulta-bulataheng kuryente ang dumaloy sa katawan ko nang hálikan niya ang parteng iyon bago isuot ang kwintas sa leeg ko.

"Dámn,Lucy. I can't resist on you now."he said gently while caressing my arms. My heart pounded hard.

I was out of my mind when we went downstairs. Parang tumigil ang mundo ko sa ginawa namin sa taas.

"Dada!!"masayang tono ng batang lalaki mula sa entrance.

"Lathan!!" si Leander.

Bakas sa mukha ni Leander ang saya nang lapitan ito at iwanan ako. Hindi ko alam na mas may ikatitigil pa pala ang mundo ko kaysa kanina.

Nasilayan ko ang babaeng papalapit sa mag-ama. "LARENCE! I missed you" May sayang sabi niya habang may ngiti sa labi. Ngiti na agad ding napawi nang ako ang masilayan niya.

Under The Mayor's PossessionWhere stories live. Discover now