CHAPTER 4

6 0 0
                                    

CHAPTER 4

"Birthday ni Maricel" masungit na sabi ni Ate Melody at inabot ang supot ng spaghetti.

"Pakisabi Happy Birthday po. Salamat po,ate."

Inirapan niya ako at umalis. Napanguso ako at isinara ang screen ng pintuan. Kauuwi ko lang at sakto naman na binigyan ako ng handa nila dahil walang iniwan na groceries si tiya. Kumuha ako ng plato at naupo sa sofa ng living room para kumain.

Naawa ako sa sarili ko. Dati naman hindi ako sinanay ni lola na makisiksik sa pamilya ng iba dahil kusa nilang pinaparamdam sa akin kung gaano ako kahalaga. Pero ngayon, kinakailangan ko pang magtrabaho para makapag-aral at makakain sa araw-araw. Ako ang gumagawa ng ipinangako ni Auntie Dolly at Uncle sa lolo at lola ko.

Mabuti nalang at kahit papaano may mga mababait na tao na handa kang tulungan kahit 'di ka nila kilala. Katulad nalang ni ate Melody, tinda niya ang spaghetti pero ibinigay niya ng libre sa akin. Lingid na rin kasi sa kaalaman ng mga kapit-bahay namin, alam na nila na ang pangmamaltrato ni Doliara sa sarili niyang pamangkin.

"DOMP"

Nagulat ako nang makarinig ng tunog sa pintuan.

May kungsinong nagbukas ng screen ng pintuan at nagkatitigan kami nung bata. Kulay gatas ang balat nito,kulay abo ang mga mata at may matangos na ilong. Nanginginig ang kanyang labing lumapit sa akin.

"Hoy! Masamang pumasok sa bahay ng iba nang hindi kumakatok at nagpapaalam sa may-ari." suway ko dito. Paano kung engkanto ito at hindi pala tao??

Tumayo ako at nilock ang door screen. Ibinalik ko ang tingin sa batang lalaki.

Mestizong bata. Hindi naman namin kapit-bahay dito dahil kung bibihisan mo ang marumi niyang damit, mukhang anak-mayaman.

Lumuhod ako para magkapantay ang titig namin. "Naligaw ka lang ba rito? Gabi na at dapat nasa loob ka ng bahay niyo. Paano kung napahamak ka ng mga tambay sa labas?" anas ko.

Tumayo ulit ako at aabutin na sana ang plato ko para ipakain sa bata nang biglang may kumalabog na naman sa pintuan.

Nakita ko ang pigura ng isang lalaki. Hindi siya kalakihan pero mas malaki siya sa akin. Nakamaong na jacket at pants. Naantig ang puso ko nang hawakan ng bata ang kamay ko.

My forehead creased when I noticed his hand. May dumi sa ilalim ng kuko niya, kulay pula.

" Buksan mo 'to. Jullian tara na,uuwi na tayo 'nak." Pilit nitong sinisira ang screen.

Kinakalabog at sinisipa.

I saw how the kid breathing accelerate, his hand holding mine trembling.

The door screen opened.

Umakyat ang kaba sa dibdib ko nang makita ang kalmot sa kaliwa niyang kamay matapos ibalibag ang pinto.

Hinanap ng mga mata niya ang bata.

Humarap siya sa akin,isang metro ang layo niya. "Ako si Julio, anak ko siya. Julian ang pangalan niya. Bago lang kaming nakatira sa d'yan sa kabilang kanto,katabi ng bakery at pagawaan ng tsinelas." aniya.

Mukha naman siyang mabait nang ngumiti siya sa akin.

"Anak, Julian tara na. Hinahanap na tayo ng mama mo." He said softly.

Mas lalong humigpit ang hawak ng batang lalaki sa akin. Narinig ko rin ang mahina niyang hikbi  at mas lalong tinago ang sarili sa likuran ko.

His eyes darken as he looked at the kid's reaction. Tumitig siya sa akin at naging malambot ulit ang itsura. "Ibigay mo na siya sa akin Miss." may diing sabi nito at napalunok ako.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"Hindi ba anak mo siya? Bakit susugatan ng anak ang sarili niyang ama?"

"Aksidente niya lang akong nakalmot." sabi niya at unti-unting tinago ang braso sa likuran.

Sinungaling.

Sa lalim ng sugat niya,sinong hangál ang maniniwala? At isa pa, bakanteng lote ang katabi ng bakery sa kabilang kanto. Walang bahay doon dahil kakapagiba palang ng bagong may-ari. Meron namang pagawaan pero hindi tsinelas kundi alahas!

Under The Mayor's PossessionWhere stories live. Discover now