CHAPTER 9
Pinalibot ko ang tingin ko. Higit na mas malaki ang kuwarto kaysa sa room kanina. Ito ay nasa pinakatuktok din ng building at malaking smart tv sa dingding. Naroon ang footage ng mga nangyayari sa auction. Kita din ang tanawin mula sa kuwartong 'to.
Sa loob lang ng isang gabi. Pag-aari na ako ng taong hindi ko kilala. O mas mabuting sabihin na binili ako ng taong hindi ko inaasahang makikita ko pa.
"Siya na 'yon?" Dumagundong ang kaba ko nang marinig ang baritonong boses na 'yon.
Pamilyar.
Tumango ang butler at iminuwestra ako sa kanyang amo. Pinagmasdan ko ang malapad na balikat ng matangkad na lalaki. Nanuyo ang lalamunan ko nang pati ang likuran nito ay pamilyar na pamilyar sa akin.
Ang katawan niya ay humarap sa akin habang may wine sa kabilang kamay. Pinaglalaruan niya iyon habang diretsong nakatingin sa akin.
My heart froze and my stomach turned icy.
S-shít.
Anong kabrútálan ang pinasukan ko.
I unconsciously stepped back with my legs trembling in fear.
Ang mga mata niyang puno ng pag-aalala at pagmamahal sa bata noon ay kasing lamig na ng niyebe kung tumitig sa akin ngayon. Naramdaman ko ang pagkurot ni Auntie Dolly sa beywang ko. Masakit pero hindi ko inintindi iyon dahil sa sinabi niya pagkatapos.
"Na-transfer na sa bank account ko ang deposit at buong bayad ng lalaking 'yan sa 'yo. Baka gusto mong ipaalala ko sa 'yo ang mamahaling frame na nasira mo?" Napalunok ako sa pananakot niya.
Napayuko nalang ako. Kagat-labi at napapikit.
ANG KAPÁL-KAPÁL NG MUKHA NIYA! ANG DAMAGES SA ENGKWENTRO AY HINDI NIYA BINAYARAN!! HINDI KO ALAM KUNG PINALALARUAN BA AKO NG TADHANA DAHIL BAKIT MAY PERA SIYA PARA BILHIN AKO SAMANTALANG WALA SIYANG IBINIGAY NI SINGKONG DULING PARA SA NASIRANG PAINTING.
"Lucy?" tawag niya.
Hindi ko inangat ang paningin ko dahil sa gigil. May mukha pa siya para bilhin ako eh siya naman ang dahilan kung bakit ko ipinagbili ang sarili ko!
"LUCY!" tumaas ang tono ng boses niya kaya walang nagawa ang pride ko.
Pinantay ko ang tinginan naming dalawa. He looked amused by something I don't know. I raised my brow. Pinasadahan niya ng tingin ang mukha ko pababa sa katawan ko.
Nawala ang tapang ko nang hawiin ni auntie ang slit dahilan kung bakit lumantad ang hilaw kong hita.
"A-auntie!" kabado at taranta kong sabi, nginiwian niya lang ako.
Narinig ko ang pagsipol ni Leander dahil sa nakita. Iritado ko siyang nilingon at sinamaan ng tingin. Bástos!
Kampante siyang naglakad papunta sa may see through glass at itinaas ang kamay saka sinenyasan akong lumapit. Bago pa ako makaangal ay tinulak na ako ni tiya sa lalaki. Ngiting-ngiti siya na parang nanalo sa lotto. Isa pa 'tong tiyahin ko.
"A-ah"
Napasinghap ako nang hindi pa man ako nakakalapit ay hinapit niya na ang baywang ko. Pakiramdam ko sandaling tumigil ang tibok ng puso ko at pagkatapos no'n ay dumagundong ulit. Nagtangka akong itulak siya kaya lang mahigpit ang kapit ng lisa.
Napaiwas ako ng tingin nang saglit na magtama ang mata namin. "Dámn" bulong niya sa sarili.
Isang iglap na lang ay mas lalong kumabog ang puso ko. I felt his lips on my ear. We are now close to each other and I can't help but blush. Naamoy ko ang nakakabaliw niyang men's perfume, but it has a mix of cigaréttes and alcóhol.
Kahit kailan hindi pa ako naging ganito kalapit sa ibang lalaki maliban sa lolo ko.
My heart race more faster than usual. And I kinda find it alarming.
"May nakapagsabi na ba sa'yo na maganda ka?" he said in his hoarse voice.
Napahawak ako sa dibdib niya para sana ilayo pa siya ng kaunti dahil nakikita kami ng tiyahin ko.
"M-marami."
Totoo 'yon! Alam kong maganda ako dahil kahit sa Bicol ako ang pambato sa Santacruzan.
"Eh naniwala ka naman." basag niya saka binitawan ako.
Nakita kong dumaan ang irita sa mga mata niya. Gágó.
YOU ARE READING
Under The Mayor's Possession
RomanceAm I ready to accept the flow of destiny? Did destiny bring me here just to be bought by the running mayor?