CHAPTER 2
"HUMANDA KA PAG-UWI MO NG BAHAY." Banta nito na ikinairap ko.
Wala na ba siyang ibang maibubuga? Ganoon nalang palagi?
Bumuntong-hininga ako at tinapik-tapik naman ni Zea ang balikat ko. "Bakit kasi ayaw mong ampunin ka nalang ni mommy? Kaysa nagtitiis ka sa pang-aalipustá ng tiyahin at ng pinsan mong 'yan."
Umiling ako.
"Kaya ko naman. Kapag unreasonable na, umaangal naman ako" bawi ko.
Pinitik niya lang ang noo ko at nagsimula nang maglakad.
Napanguso ako. She's Zea Cordero, kilala ang mga magulang niya dito Manila. Palagi siyang na-iissue dahil paiba-iba siya ng lalaki. Ganoon naman talaga siya noon pa, mas lumubha lang after ng break-up nila ng SSG President naming si Isaiah. Well, sikat silang dalawa sa university kaya pati ang relationship nila ay relevant. Para silang naging public figures ng school kaya bawat galaw napapanood ng mga estudyante. Naghiwalay sila sa mata ng mga tao.
I'm Lucy, 18 years old. I'm taking Hotel Management course in college. Sa Tondo ako nakatira kasama ang pinsan kong si Gyra at ang pamilya niya.
Matamlay kong binuksan ang pinto. Kakapasok ko palang ay bumungad na sa akin ang ngisi ni Gyra at galit na mukha ni tiya. "Wala ka talagang utang na loob na ingráta ka." mariing sabi ni Auntie Dolly at unti-unting lumapit sa kinaroroonan ko.
Hinátaw niya sa akin ang hawak niyang walis tambo. Napaigik ako.
"Ano masakit?! Ang kapál ng mukha mo para ipahiya ang anak ko sa school niyo!" galit niyang sabi at umamba na hahatawin ulit ako.
"Ano ba ma! Inuna mo pa 'yan kaysa kay Gun dito. Nagugutom na naman ata!" Sigaw ni Kuya Gio sa taas.
Inangat ko ang tingin ko at napangiti. Niligtas na naman niya ako. Kumindat siya at ngumiwi pagkatapos dahil humarap si Auntie. Padabog niyang binitawan ang walis habang matalim na nakatingin sa akin.
"Maghugas ka ng plato sa kusina! Bakit kasi papasok-pasok ka pa sa eskwela. Hindi ka na nakakatulong dito sa bahay." Pagalit na utos ni Gyra bago sumunod sa ina niya.
Kahit na narinig iyon ni tiya ay hindi niya pinagalitan ang anak niya. Tss, ba't naman niya gagawin 'yon Lucy? Pamangkin ka lang, anak si Gyra.
Nagpalit muna ako ng damit bago maghugas ng pinagkainan nila. Matapos ay kumain na rin ako ng tinira nilang ulam sa akin. Isang pirasong hipon at kapiranggot na sarsa nito.
Siguro kung hindi ako umalis sa Bicol, baka hindi ako ginugutom dito. Umiling-iling ako para hindi na mag-isip ng mga bagay na ikadidismaya ko lang.
KINABUKASAN
Kinain ko ang tinapay at pinalamanan ito. Ito na ang magiging baon ko sa school dahil may iilan akong pagkakagastusan sa acads. Bumaba na si Gyra, Gio at Gun kasama si Auntie at Uncle. Nangingiting lumapit si Gun sa akin at nagpabuhat.
Nasa kinder palang siya. Ang liit-liit niya at mahal na mahal ito ni Auntie dahil premature baby si Gun.
"May outing tayo bukas." anunsyo ni Auntie, nagpantig naman ang tainga ko sa narinig.
Napansin ata ni Auntie ang kinang sa mga mata ko. "Isang linggo kami doon,Lucy."
Natigilan ako. Natawa ako sa isip ko. Bakit nga pala ako isasama sa outing ng pamilya nila. Sámpid lang naman ako dito.
Pilit akong ngumiti at tumango.
"Isasama ko ang mga yaya kaya habang wala kami dito. Panatilihin mong malinis ang buong bahay."striktong sabi nito.
Tumango-tango ako sa bawat bilin niya. Wala namang sinabi si Uncle o maski isa sa kanila. Minsan naiisip ko, sinundo lang ba nila ako sa Bicol para maging katulong nila?
YOU ARE READING
Under The Mayor's Possession
RomanceAm I ready to accept the flow of destiny? Did destiny bring me here just to be bought by the running mayor?