CHAPTER 19
LUCY'S POV
"AKO NA MAGBUBUHAT N'AN." He glared.
Napangiwi ako at pinanood na naman siyang buhatin ang mga ipinamili namin kanina. Alam kong kanina pa siya pagod pero ayaw niya akong patulungin. Natapos niya nang ipasok ang mga iyon sa loob ng bahay,sumunod ako sa kanya sa kusina. Lumagok siya ng tubig at nagtangkang magsuot ng apron.
"Ako na ang magluluto."prisinta ko.
I approached the kitchen island and grab the apron in his hands. Nakaramdam pa ako ng elektrisidad nang dumaplis ang kamay ko sa kanya.
He confidently crossed his arms in his chest. "Baka pritong tsinelas ang ipakain mo sa akin."mapanuyang sabi nito.
Matagal ko nang pinangarap na 'yan ang ipakain sa 'yo.
Natutuwa akong umiling at isinuot ang apron niya.
Hinanda ko ang sibuyas,toyo,suka,bawang,chickencubes at iba pang mga sangkap para sa adobo. Pinainit ko ang mantikasa kawali bago ilagay ang sibuyas bawang. Tamad na nakapanampiling ang lalaki sa kitchen counter habang titig na titig sa bawat galaw ko.
Hindi naman ako gaanong pinagpawisan dahil madali lang naman ito. Matapos ay inihain ko ang niluto ko sa harap ni Leander.
"Masarap?" tanong ko nang tikman niya na ito.
Nanlalaki ang mga mata niyang tumango habang nginunguya ang ulam. Magana siyang nagsandok ng kanin at sinabayan akong kumain.
Siguro pagod na pagod siya kaya hindi niya nagawang barahin ako. Kawawang nilalang.
~~~~~~~~~~~
Napabalikwas ako sa kama. Ginulo ko ang buhok ko dahil kanina pa ako hindi makatulog. Inis akong bumangon at hinampas ang sarili sa unan. Hindi ako makatulog!! Hindi naman ako namamahay dahil dalawang araw na akong komportableng nakakatulog sa bahay ni Leander.
Tumayo ako at lumabas ng kwarto.
Papunta palang akong kusina nang makasilay ng liwanag. Dapat-dahan akong humakbang para icheck kung may mágnanakaw.
"Leander?" tawag ko.
Napalingon naman siya sa akin. "Lucy?"tawag niya rin pabalik.
Napahinga siya ng malalim, kanina ay parang malalim ang iniisip niya. Lumapit ako sa refrigerator na nasa tabi niyang nakabukas. Kumuha ako ng yoghurt at kutsara.
"Hindi ako makatulog. Hindi ko alam na gising ka pa pala,napagod ka kanina eh. Siguro iniisip mo ako kaya hindi ako makatulog."biro ko habang nasa likod ko siya.
Hindi siya nagsalita.
Nagkibit-balikat nalang ako. "Balik na ako sa kwarto." paalam ko.
Nakakatatlong hakbang palang ako ay hinuli niya ang palapulsuhan ko. Taka ko siyang nilingon. Nakakagat siya sa ibabang labi niya na para bang may gusto siyang sabihin.
"Hindi ako makatulog."mababang tono niyang sabi.
"Kung gusto mo maglaro tayo. Ikaw ang mag-isip kung anong gusto mo." aniya.
Napatingin ako sa kulay abo niyang mga mata. It looks hopeful. Mukha naman siyang seryoso at gusto kong maentertain din kaya...
"Sige."payag ko.
Hindi namin binuksan ang ilaw dahil pareho siguro kaming komportable sa dilim. Umupo kami sahig at ganoon din siya,nasa tabi siya ng basurahan.
"I want to play...."umarte akong nag-iisip.
"Bánat. Banátan mo ako tas bábanatan din kita." Ngumiwi siya sa tono ko.
"Hindi ako nananakit."si Leander. Talaga lang ha.
I rolled my eyes. "Pick up lines kasi ganon. Brútal mo naman,vice-mayor."
He just smirked. Ngayon ko lang nalaman na vice-mayor siya dahil sa billboard sa nadaanan naming city hall. Hindi ko rin alam kung bakit ganito ako kabóbo.
"Ikaw mauna."saad niya.
I licked my lip before saying my line. "Normal naman akong tao. Pero bakit pag iniisip kita,nababaliw ako?"
Tumango-tango si Leander at uminom muna ng vodka sa tabi niya. "Dalawa lang naman ang bisyo ko. Una, malasing sa pagmamahal mo..." He even winked. So props pala yung alák,talino ng gunggóng na 'to ah.
"...pangalawa,isugal ang lahat para sa 'yo."dagdag niya.
My heart beat faster and faster as what he said.
Hindi ba laro lang 'to? Ba't pinatibok mo!?!
Mabuti nalang at madilim kaya hindi niya makikita ang pamumula ko. Tumikhim ako dahil ako naman ang susunod.
"Kahapon kailangan ko matulog para mapanaginipan kita ,ngayon mas gusto kong magising para makapiling ka."
He chuckled.
"Walang permanente sa mundo. Kaya asahan mong pagdating ng panahon, apilyedo ko na ang gamit mo."He said softly.
Nagwala ang mga bulaté sa tiyan ko kaya taranta akong napatayo.
Nabangga ko pa ang mesa dahil doon. Ininda ko muna ang sakit, ngunit marahan itong hinila ni Leander dahilan para mapaupo ako sa kandungan.
Hindi ako makahinga.
Maaaring sa kaba... o dahil talaga sa kanya.
Pumulupot sa baywang ko ang braso niya habang isiniksik niya ang ulo sa aking balikat. Nanindig ang balahibo ko nang maramdaman na dumikit ang labi niya sa aking balat. Nag-init ang puso ko sa sensasyong nararamdaman.
Sana....
"Ask me anything." he said huskily.
Napasinghap ako sa kiliting bumabalot sa puso ko.
"W-what kind of wedding do you want?" Utal kong tanong.
Personal kong tanong para sa personal kong kagustuhan. I want a beach wedding.
"The one that would make you my wife." Mas lalong humigpit ang yakap niya,nakaramdam ako ng saya.
Nanghina ang tuhod ko habang nag-iinit ang pisngi ko.
Ako ang nagpasimula ng laro pero
...
.....sana lahat ng 'to... totoo.
LEANDER'S POV
Pinanood ko ang papalayong bulto ni Lucy matapos makawala sa bisig ko. Napakagat ako sa sariling labi. Inaasahan ko namang mamahalin ko siya, pero Lord. Bakit naman ganito kalalim.
Napasapo ako sa sariling noo.
"I'm sorry." Saad ko ng puno ng pagsisisi.
YOU ARE READING
Under The Mayor's Possession
RomanceAm I ready to accept the flow of destiny? Did destiny bring me here just to be bought by the running mayor?