87 - The Boy in my Dream

151 3 0
                                    

   15 DAYS LATER
 
  Bagamat nanghihina ako ay pinilit kong tumayo ng mapansin ang imaheng sobrang familiar na ngayon ay nakangiting nakamasid sa akin.
 
  "Ikaw naba talaga yan Anak?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
 
  Mabilis ko siyang niyakap. Mahigpit na mahigpit, habang patuloy ang pag agos ng aking mga luha.
 
  "Mabuti at narito kana Baby...Patawarin mo sana ako dahil maging mahina at marupok ako. At patawarin mo din ako, dahil kung hindi sa akin ay hindi masisira ang mga pangarap nating dalawa."
 
  Mabilis naman niyang tinugon ang yakap ko at mapanatag ng simulan niyang hagurin ang aking likod.
 
  "Ipinapangako kong hinding hindi na tayo maghihiwalay pa Hendrix. At ipinapangako ko ding ibabalik natin sa dati ang lahat. Kay tagal kong pinangarap na muling makasama. Alam mo ba yun huh?" Umiiyak pa na sabi ko.
 
  Habang ngayon ay nakadantay lang ang aking ulo sa kanyang malalapad na balikat. At patuloy namang binabasa ito ng aking mga luha.
 
  "At alam mo din bang kay tagal kitang hinintay sa aking mga panaginip? Dahil simula pa sa pagkabata ko ay ikaw lang naman palagi ang nagbibigay ng sigla sa akin sa tuwing nalulungkot ako..." patuloy ko pa.
 
  Mas humigpit naman ang pagyakap niya. At mapayakap ng mas mahigpit pa sa kanya ng magsimula na din siyang umiyak.
 
  "Magiging masaya na tayo Baby, pangako yan. Ngayon din ay uuwi na tayo sa Pilipinas at doon ay muling magsisimula tayo. Yung kagaya lang dati. Yung masaya lang tayong tatlo nila Amina. Diba yon ang gusto mo dati pa Baby? At ngayon ay ipinapangako ko ding kaya na kitang ipaglaban kila Nanay at Tatay. Dahil alam mo bang sobrang nami miss ko na bagay na iyon huh? Dahil simulat-simula ko pa lang dito sa Japan ay wala na akong pinangarap kundi ang makasama kang muli ng gaya ng dati." Sabi ko pa sa pagitan ng mga paghikbi ko.
 
  Umiling-iling naman siya. At mabilis na kumalas sa akin at tumalikod.
 
  Napahagulgol ako sa ginawa niya.
 
  "Hindi mo ba ako kayang mapatawad Hendrix? Hindi mo ba ako maaaring bigyan pa kahit isa pang pagkakataon?" umiiyak pa din na tanong ko sa kanya.
 
  Subalit hindi siya kumibo at mabilis na lumakad palayo sa akin.
 
  "Hendrix please... Huwag mo akong iwan dito. Nakikiusap ako..."
 
  "Babalikan kita Mommy, iaalis kita sa lugar na ito, pangako yan."
 
  ***
 
  Isang malalim na bugtong hininga ang pinawalan ko ng muli ay idilat ko ang mga mata.
 
  At tama, panaginip lang ang lahat... At muli ay nakasama ko naman siya sa oras ng aking kalungkutan.
 
  Ang lalake sa aking panaginip, ay muli na namang nagpakita sa akin.
 
  Muli naman akong umiyak ng muli ay mapagmasdan ang apat na sulok ng aking kwarto na ngayon ay naging hawla ko na din sa hindi ko na mabilang na mga araw habang nakakulong at nag-iisa sa lugar na ito.
 
  Subalit kailangan kong ituloy ang buhay. Kailangan kong manatiling humihinga sa lugar na ito.
 
  Hindi na para sa sarili kundi para sa aking anak na si Amina.
 
  Dahil paano naba siya kung sakaling mawala ako?
 
  Kaya naman labag man sa loob ko ay kinain ko ang pagkaing ngayon ay nakahain na sa maliit na mesa sa tabi lang ng aking kama.
 
  Ramdam ko pa din ang panankit ng katawan ko, lalo na ang bahagi ko sa pagitan ng mga hita ko. Na ngayon ay sobrang nanakit na dahil sa tila walang kapagurang paggamit sa akin ni Kenji.
 
  At siguro nga ay pinasok din niya ako kanina habang nahihimbing ako sa pagtulog, dahil na din sa mga sariwang stain sa bedsheet ko. At pati na din ang matinding pananakit ng balakang ko at gitnang bahagi ko.
 
  Ramdam ko din ang panlalangkit sa parte kong ito.
 
  At ganon din naman ang hubad kong katawan na natatakpan lang kanina ng makapal na kumot.
 
  Napahinga ako ng malalim at tila wala sa sariling bumangon at tinungo naman ang banyo na nasa loob din naman ng kwartong ito.
 
  At kusa na ding itinapat ang hubad na katawan ko sa shower.
 
  Dahil muli ay gusto kong linisin ang katawan ko, mula na naman sa mga mantsa ng kawalanghiyaang ginawa sa akin ni Kenji.
 
  Mapapansin din ang napakarami kong kiss mark sa leeg at dibdib.
 
  Siguro nga ay baliw na talaga siya. Dahil hindi na ito matatawag na simpleng pagkahilig lang sa sex. Kundi isa na siyang nymphomaniac.
 
  At dahil dito ay sobra na akong nandidiri sa kanya.
 
  Kaya naman sa kabila ng nagyeyelong paligid sa labas ay pinili ko pa ding magbabad sa tubig. At kuskusin din namang maigi ang buong katawan ko. Upang kahit papaano ay malinis ito mula sa kababuyan ni Kenji.
 
  Huminga ako ng malalim, at pagkatapos ay pinihit ko na ang nozzle ng shower at mabilis na kinuha ang aking towel, ipinunas ito sa aking sarili, bago din naman ibinalot ito sa aking hubad na katawan.
 
  Subalit may panganib pa palang naghihintay sa akin na sobrang hindi ko talaga inaasahan. matapos ko namang makalabas ng banyo...
 
  "Mabuti at lumabas kana Mommy Bijjin." Masigla niyang bati sa akin.
 
  Hindi naman ako kumibo, bagamat nakakaramdam ako ng matinding takot at kaba dahil sa isang lalake na ngayon ay kasama niya.
 
  Halatang mas may edad ito sa kanya. At siguro nga ay hindi kami nagkakalayo ng age nito. Kung ang physical features nito ako mag base.
 
  Isa itong pure Japanese, dahil nakikita ko sa kanya ang mga gesture ng mga native Japanese at ganoon din naman ang itsura niya.
 
  At kung paano silang mag-usap habang napapatingin pa ito sa akin.
 
  Mabilis naman akong mahigpit na napakapit sa towel na nakabalot sa aking katawan at pasimole pang hinihila ito pababa sa mga hita ko, dahil na din sa nakakapasong mga tingin niya dito.
 
  "Herro beautifur lady... I am Makoto. Uhhh you so pretty firipina." sabi pa niya tsaka nag bow sa akin.
 
  Tumingin lang ako sa kanya at nag bow din bago ko hinarap si Kenji at tiningnan ito na tila nagtatanong sa kanya kung sino ang kasama niya.
 
  Mabilis naman niyang na-gets ang ibig kong sabihin.
 
  "Siya si Makoto, ang band manager namin Mommy Bijjin. Masyado ka niyang gusto dahil sobrang ganda mo daw na napaka layo sa mga haponesa at japayuki dito na mga Filipina din. Masyado siyang obsessed sa iyo kaya naman naisip kong pagbigyan siya." Sabi pa niya habang nakangisi lang sa akin.
 
  Hindi ako tanga para hindi ko makuha ang ibig niyang sabihin. At dahil dito ay sobrang natakot talaga ako.
 
  "Ayoko Kenji, maawa ka sa akin please. Hindi ako ganong babae para naman makipag sex kahit kanino lang." halos maiyak na sabi ko.
 
  "Watashi wa anata no kanojo ga hontōni sukide, kanojo o te ni ireru tame ni okane o haraimasu." (i really like your girl, and i pay money to get her) mahinang sabi pa niya kay Kenji habang sabik na sabik siyang nakatingin sa akin.
 
  "No!" Halos mag hysterical na sigaw ko.
 
  Hindi naman niya ako pinansin at muling humarap sa kasama niya.
 
  "Kanojo wa mō anata no monodesu, kakaku ga tadashikereba, anata wa nozomu mono o te ni ireru koto ga dekimasu..." (she's all yours now, you can do what you want on her if the price is right...) tugon pa niya dito.
 
  Napahawak nalang ako sa aking mukha at umiyak ng umiyak.
 
  "Wala ka namang ibang choice Mommy Bijjin, isa pa ay malakas mag tip yan lalo na kapag sobrang gusto niya ang babae. At tsaka naisip ko din kung ano kaya pakiramdam kapag nakita kong tinitira ng ibang lalake ang napaka ganda kong girlfriend? Hmmm sound exciting diba?"
 
  Muli naman siyang bumaling sa kasama niya at nakita ko pa ang makapal na bundle ng pera na iniabot nito sa kanya.
 
  Muli ay napa iyak ako.
 
  At sobrang natakot din ng makaalis na si Kenji at naiwan nalang sa room ko ang lalake, habang sabik na sabik na nakatingin sa akin.
 
  "Sobrang makanda ka! Anata wa utsukushi sugite oishi sugimasu." (You are too beautiful and yummy.)
 
  Mabilis naman akong napa atras ng mapansing sabik na siyang papalapit sa akin.
 
  "Huwag kang lalapit... Tatalon ako sa bintana kapag lumapit ka sa akin!!." Banta ko pa sa kanya habang ngayon ay napapasilip ako sa napakataas na lugar. At tama, dahil ang condo unit ni Kenji ay nasa 20th floor.

POV: As A Mom, As A Wife ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon