90 - I Miss You

218 5 2
                                    

  Kinabukasan
 
  Unang umaga ko sa Pilipinas. Matapos kong makauwi from Japan.
 
  "Kathleen Anak, baka gusto mo ng mag agahan? Nakapagluto na ako ng paborito tapa at bawang na longganisa." Sigaw pa sa akin ni Nanay matapos ang mga pagkatok mula sa pintuan ng room ko.
 
  Mabilis ko namang pinahid ang mga luha sa pisngi ko at mabilis na bumangon.
 
  "Opo Nay lalabas na ako." tugon ko sa kanya.
 
  "O siya hihintayin ka namin sa kusina Anak. Nandoon na din si Amina at kumakain na." Patuloy pa niya.
 
  Huminga naman ako ng malamin at iniayos pa ang mga butones ng suot kong terno pajama, bago din naman humarap sa salamin.
 
  Saglit pa akong napa bugtong hininga ng muling mapasulyap sa maliit na kamang hinigaan ko.
 
  At pilit na ibinabalik ang panahong kasama ko pa dito ang aking panganay na si Hendrix.
 
  Dahil dito mismo sa kwartong ito naganap ang mga masasaya naming sandali ni Hendrix.
 
  At dito din naman ako umang umamin sa kanya sa tunay na nararamdaman ko para sa kanya.
 
  Sandali pa ako napahawak sa aking mukha at muli naman ay hindi mapigilan ang pag-iyak.
 
  Sayang at naging mag-ina pa kami.
 
  Sana ay hindi na lang.
 
  Siguro ay hindi na ako nakarating pa sa Japan. At siguro din ay napakasaya namin sa oras na ito habang kapiling ang aming mga anak.
 
  Napailing ako.
 
  At marahang lumakad palabas upang tuluyan na ding lumabas at pumunta sa kusina.
 
  >>>
 
  "Halika na dito Kathleen, maupo ka at kumain kana din. Madami akong inihandang pagkain at lahat ng ito ay paborito mo. Dahil alam kong namiss mo ang mga ito." Pagmamalaki pa ni Nanay ng lumapit ako sa kanila.
 
  Sinunod ko naman siya naupo mga ako at nagsalin pa ng sariwang katas ng prutas sa isang baso.
 
  Tama naman siya, na miss ko talaga ang mga ganitong pagkain. Lalo na nung nasa tumira na kami sa flat ni Kenji na puro Japanese Foods ang palagi kong inihahanda sa kanya.
 
  "Kumusta naman ang tulog mo Anak? Kasi naisip kong maninibago ka sa klima dito sa atin dahil napakalamig daw sa Japan kapag ganitong panahon." Nakangiting sabi pa niya habang ipinaglalagay ako ng pagkain sa aking plate.
 
  "Ok lang naman po Nay, may heater din naman kami kaya same lang din naman na miinit kapag nasa loob ka ng bahay doon." Tugon ko pa.
 
  "Ay mabuti naman pala kung ganon. Nga pala si Amina ay pinapasok ko muna sa room dahil gusto pa daw niyang mag sleep, kaya naman pinatulog ko na muna ulit.
 
  Nagkibit balikat naman ako sa sinabi niya. Marahil nga ay hindi pa naman talaga nakaka recover ang aking anak mula sa trauma na naranasan niya kay Kenji.
 
  "Si Tatay po pala?" Pagbabago ko pa ng usapan
 
  "Parang hindi mo kilala Tatay mo, nasa bukid na iyon kapag ganitong oras. Pero maya maya lang ay uuwi na yon dahil nandito kayo. Alam mo namang nasabik yon mg husto sa kanyang Anak." Sabi pa niya.
 
  Sandali akong nalungkot sa nadinig ko.
 
  At tama, normal lang naman sa isang magulang ang masabik sa kanyang Anak. At ma miss din naman ito, lalo na kung hindi niya ito nakita sa mahabang panahon.
 
  Ngunit bakit wala akong lakas ng loob na itanong sa kanila si Hendrix?
 
  Samantalang Anak ko din naman siya. At normal lang siguro na ma miss ko siya kahit bilang Anak lang.
 
  Napahinga ako ng malalim.
 
  "May problema ba Kathleen? Para kasing hindi mo naman ginagalaw ang pagkain mo?" Malungkot na tanong pa nito sa akin.
 
  "Huh ehh may naisip lang ako Nay. Ang isang taong gustong gusto ko din namang makita. At minahal din ng higit pa sa buhay ko."
 
  Napansin ko ang paglungkot ng kanyang mukha sa sinabi ko.
 
  "Ang iyong anak na si Hendrix ba ang tinutukoy mo Anak?" Malungkot na tanong niya.
 
  Marahang naman akong tumango kasabay ng hindi mapigilang pag agos ng luha sa pisngi ko.
 
  "Opo Nay, sabik na sabik na akong makita siya. At kahit alam kong imposible ay umasa pa din naman akong makikita ko siya sa airport kagabi ngunit——"
 
  Napahawak ako sa aking mukha, kasabay ng hindi mapigilang pag-iyak ko.
 
  Mabilis naman siyang lumapit sa akin at inalo ako, habang yakap yakap niya ako.
 
  "Patawad Anak, madalas ay sinisisi ko ang aking sarili kung bakit tumutol pa kami sa inyo ni Hendrix, sa kabila ng pagiging masaya niyong dalawa. Dahil sobrang natakot kami ng Tatay mo. Dahil maling mali ito, subalit sana pala ay hinayaan na lamang namin kayo kung doon naman kayo magiging masaya. Dahil ngayon ay nagdusa kayong dalawa habang malayo sa isa't-isa." Umiiyak na sabi niya.
 
  Hindi naman ako agad na nakasagot, bagkus ay yumakap lang ako sa kanya kasabay ng pag-iyak.
 
  "Naiintidihan ko po kayo, at walang masama sa ginawa niyo dahil iyon naman talaga ang tama."
 
  Napailing siya.
 
  "Ngunit ang naging kapalit naman nito ay pagdurusa sa ninyong dalawa. Alam kong nakahanap naman kayo ng pagbabalingan niyo ng nararamdaman niyo sa isa't-isa. Subalit alam ko din kung paano ba kayo nahirapang dalawa."
 
  "Kumusta na po siya Nay? Maayos lang ba siya huh? Hindi ba siya nagkakasakit o napapabayan ang sarili niya?" Tanong ko pa sa pagitan ng mga paghikbi ko.
 
  Hindi naman siya agad nakasagot at patuloy lang sa pag-iyak.
 
  "Ano po Nay? Bakit hindi kayo makasagot? May nangyari ba na hindi ko alam huh?"
 
  Mas humigpit ang pagyakap niya akin.
 
  "Kung maibabalik lang natin ang nakaraan Anak ay ipinapangako kong hinding hindi na kami tututol sa pagkakagustuhan niyo ni Hendrix. At hahayaan nalang namin kayong maging masaya..." sabi pa niya.
 
  "Subalit nangyari na ang lahat Nay. Napakadami ng nangyari na sa kabila ng mga sinasabi mong pumapayag na kayo ay tila malabo na." Patuloy ko.
 
  "Naiinindihan kita Anak..."
 
  "Gusto ko po siyang makita Nay, maari niyo ba akong samahan sa kanya?" Pakikiusap ko sa kanya.
 
  Muli naman siyang umiling...
 
  "Patawad Anak, subalit gustuhin ko man ay hindi na maari." Sabi pa niya sa pagitan ng pag-iyak niya.
 
  Mabilis akong kumalas sa kanya at tinitigan siya sa mga mata.
 
  "A-anong ibig niyong sabihin na hindi na maari? Ganon ba kahigpit si Mikka para ipagkait sakin ang anak ko huh?"
 
  "Wala na sila Anak, hindi na sila magka relasyong dalawa. Subalit may dapat kang malaman. Patawad anak subalit matapos ang aksidente ni Hendrix at hindi kana namin na contact pa."
 
  Nanlamig ang katawan ko.
 
  At biglang bumalik sa akin amg lahat lahat bago ako ikinulong ni Ken sa kwarto.
 
  Tama, naaksidente si Hendrix. At ito nga amh dahilan kung bakit magpumilit akong makauwi. Subalit lalo lang lumala ang sitwasyon.
 
  Ngunit nasan na siya ngayon?
 
  "Nay nakikiusap ako.. Sabihin mo sa akin king nasaan si Hendrix? At bakit hindi ko siya pwedeng makita?" umiiyak na tanong ko

POV: As A Mom, As A Wife ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon