59 - Mommy Bijjin

354 3 0
                                    

The following day ay regular na niya akong sinusundo sa bahay kapag pumapasok. At inihahatid din naman sa bahay sa oras ng uwian sa bahay.

  Isang typical na panliligaw ng isang school boy, na nagbibigay din naman sa akin ng konting kilig kahit papaano. Dahil tila ibinabalik ako nito sa buhay kabataan ko. Yung mga bagay na missed ko dahil sa napaka aga kong nagka asawa at nagka-anak din naman.

  At ngayon ay ipinararanas niya ito sa akin sa napaka sweet na paraan. Yung walang halos halong sexual desire kundi masaya lang na makita ka at makasama sa paglalakad at safe na maihatid sa iyong pinapasukan.

  Siya pa nga ang nagpapasan kay Amina habang masaya lang kaming naglalakad na dalawa, patungo naman sa hoikuen or sa school niya. Walking distance lang naman kasi mula sa apartment na tinutuluyan ko hanggang sa school  ni Amina at ganon din naman pala sa Hospital na dati ay akala ko ay napakalayo.

Dahil meron naman pala itong shortcut papunta sa Hospital mula naman sa place ko. Na hindi na kailangan pang mag taxi o mag bus kaya. Isa pa ay malamig naman ang paligid kaya nakakalibang namang maglakad na gaya din naman ng mga ibang Hapones na kay bilis lang nila ito ginagawa at dagdag pa nagkakaroon pa kami ng pagkakataong mag usap at magbiruan naman kapag papunta na ng Hospital. Halos malapit na din kasi ang University nila mula doon.

  Madali din silang nakasundo ni Amina dahil lagi siyang maraming energy palagi upang laruin ito at sakyan lahat ng trip ng Baby ko. Na tila wala siyang kapaguran na iniisip o sadya lang bang masayahin siya.

  "Your so Bijiin talaga, kapag nakasuot ka ng ganyan. Kay sarap maglakad tapos ikaw ang kasabay. Tapos lahat ng tao sa paligid ay naiinggit lang sa akin. Dahil sobrang ganda ng kasama ko." Litanya pa niya habang sinasababayan lang niya ako patungo naman sa school ni Amina.

  He's talking about my Nursing Uniform na alam ko namang bumagay talaga siya sa akin ng husto. Iba ito sa nauna kong uniform before. Above the knee ang skirt na suot ko habang naka pencil cut naman ito. Kaya kahit sino naman siguro magsuot nito ay sexy talagang tingnan. At ganon na din naman ang nursing cap ko na mas maganda at bumagay din sa aking maliit na mukha.

  At syempre ang asset ko down there na sobrang bamabakat lalo na kapag naglalakad ako at lalo din naman kapag nadadampian ito ng mahinang hangin na tila sadya pa itong lumalapat ng husto sa hugis puso nito, ayon din sa kanya.
Kaya naman  "Hāto-gata no josei bubun" ang tawag niya dito or sa English as heart shape female part.

  "Ewan ko sa iyo Ken, ang dami-dami mong sinasabi, Otokomei ka din naman e, tapos ay napaka gwapo mo pa sa suot mong school uniform. Na para bang napapanood ko lang sa anime noong bata bata pa ako. Gaya ng slam dunk. Ganyang din kasi mga uniform nila diba kapag nasa school sila. Lalo na si Rukawa na parang ikaw lang din." Natatawang sabi ko pa.

  Napatawa naman siya sa sinabi ko at lalo lang naningkit ang mga cute niyang mata. Tanda ng dugong Hapones pa din niya kesa sa pagiging Pinoy.

  Naka navy blue na coat kasi siya na may necktie din na red at black na pants naman na sobrang bumagay sa kanya. Marahil sa slim niyang pangangatawan at pati na din sa height niya na almost 5'11". Kaya naman nakatingala ako kanya everytime na mag-uusap kami. Dahil nasa 5' 3" lang naman height ko. Tapos ay palagi lang namang flat or doll shoes lang naman ang suot ko, since ito naman talaga ang required.

  Ganto lang kami araw-araw... Marahil ay kung may makakakita sa amin ay iisipin nilang girlfriend na niya ako. Kahit ba wala naman kaming PDA's or holding hands man kaya. Basta simpleng sinasabayan lang niya ako. At dahil sobra siyang marespeto sa mga babae. Sa palagay ko.

  May mga pagkakataon pang nag stay lang siya sa duty ko. At madalas ay kinukulit lang ako. Minsan naman ay nagkukunwari siyang pasyente kapag naman trip niyang magkausap kami ng matagal.

  Siguro nga ay dahil anak naman siya ng CEO kaya naman nagagawa niya ito ng madali. At wala din sumisita sa kanya.

  "Alam mo, nakakahalata na ako sa iyo. Di kana yata pumapasok sa class mo eh. Kasi palagi ka lang nandito sa Hospital kaya." sabi ko pa while rolling my eyes.

  Habang sabay lamg kaming kumakain sa Pantory or pantry in english.

  "Wala din naman ako maintindihan sa lesson. Ikaw lang naiisip ko, kaya naman dito nalang ako, masaya pa ang puso at mata ko." casual na sabi pa niya habang patuloy lang sa pagkain ng ramen using chopsticks.

  Inirapan ko siya at hindi na sumagot.

  "Joke lang, mamaya pa English Class ko. Kaya naman mamaya ay wala ng mangungulit sa iyo dahil gabi pa tapos non." patuloy pa niya.

  Nakaramdam naman ako ng lungkot dahil sa huling sinabi niya. Siguro ay dahil wala akong makakasabay pagpunta sa school ni Amina. Dagdag pa na feeling secured ako kapag kasama siya.

  >>>

  Naging toxic na ang mga sumunod na oras ko dahil na din sa dami ng dumarating na pasyente.

  Naiiba talaga ito sa dati kong work na private nurse na madalas ay nasa office lang naman ako. At tinatawag lang kapag may kailangan sila. Di tulad ngayon na halos wala akong pahinga sa araw-araw na nakasanayan ko na din naman. Ang maganda nga lang ay 40 hours per week lang naman ang legal working hour dito sa Japan, kaya naman 6 hours lang ang duty ko everyday.

  4:20 PM

  Mabilis akong nag-ayos ng sarili at mabilis din namang nag out sa Hospital dahil na din naman para sa pagsundo ko kay Amina. Na late kasi ako ng labas dahil na din sa dami ng pasyente at ngayon ay na-rush ako ng sobra. Dahil 4:30 lang ang labasan nila Amina. Nagsuot din ako ng pants na manipis dahil kailangan kong mag commute ngayon. Yon kasi ang bilin sa akin ni Ken. Na kapag nasa public transport ako gaya ng train ay hindi ako dapat naka skirt.  Kung ano man ang dahilan niya ay hindi ko alam basta sinunod ko nalang siya.

  Kaya naman dali-dali akong naglakad papunta sa waiting shed. At hindi mapakali habang palingap-lingap sa mga dumadaan na taxi. Di na kasi ako aabot pa kung maglalakad lang ako sa shortcut.
Kaya naman halos mapaiyak ako sa pag-aalala para sa aking Anak.

  Hanggang may huminto sa tapat ko na big bike na black. Kilala ko ang brand nito na BMW na nakikita ko din naman sa Pilipinas kung minsan.

  Kaya naman sandali pa akong natigilan at napa-atras dahil naka fullface helmet ang sakay nitong lalake. At ngayon ay nakatingin sa akin.

  Sandali akong nakaramdam ng kaba dahil dito. Dahil sa ngayon ay ako lang naman ang nasa waiting shed.

  Ngunit lalo akong nagulat ng bigla din siyang may hinagis na isa pang helmet sa akin.

  Mabilis ko naman itong nasalo kahit patuloy pa din namang nagtataka.

  Hanggang sa mapangiti ako at...

  "Sumakay kana Mommy Bijjin, late kana kaya kay Amina." Nakangiting sabi pa niya ng iniangat niya ang visor ng kanyang helmet.

  Napailing nalang ako... At napangiti sa kanya. At tama ngayon ay sure na kong aabutin ko ang paglabas ni Amina.

  Mabilis naman akong umangkas sa kanya. Na kahit sa totoo lang ay ngayon ko lang na experience ito. Lalo na nga sa ganito kalaking motorcycle.

  "Tinakot mo kaya ako. " Sita ko pa sa kanya. Habang isinuot ko pa sa ulo ko ang helmet na bigay niya.

  "Akala mo kidnapper na ako ng single mom ganon." Natatawa pang tugon niya.

  Natawa ako sa naging sagot niya.
"Oo kaya isang napakagwapong Yūkai-han..." sabi ko.
(Kidnapper in English)
Napatawa naman siya sa sinabi ko...

  "Kapit ka lang Mommy ok. Kahit anong mangyari huwag kang bibitaw."
"Yes sabi mo e." Sagot ko.

  Very timely ang dating niya. Salamat nalang talaga sa isang Kenji na sobrang pinadadali ang buhay ko dito sa Japan. Dahil ngayon ay bawas na ang pag aalala ko para kay Amina.

  Kahit na ngayon ay mahigpit akong napayakap sa likuran niya dahil sa matinding lula na nararanasan ko dahil sa bilis ng pagpapatakbo niya.

  "Dahan dahan naman Ken!! Nakakatakot kaya!" sigaw na reklamo ko pa sa kanya. Habang mabilis lang na humaharut ang motor na sinasakyan namin.

  "Huh?! Masasanay ka din Ms Bijjin, basta kapit lang?? A.B.S. ang tawag sa ginagawa ko." Sabi pa niya.
"Huh?! Ano yung A.B.S?" Takang tanong ko pa.
"Auto boobs system." Sabi pa niya tsaka tumawa.
Natawa din naman ako sa biro niya. At kung iisipin nga ay parang totoo ang sinasabi niya. Dahil halos nakadikit naman talaga sa kanya ang buo kong katawan.
"Basta masasabay ka sin Mommy Bijjin, kapit lang bibilisan ko pa ok."

  Napapikit nalang ako.

  Maari nga kaya akong masanay sa kanya?

  Siguro ay io nga, dahil palagi ko namang sinasabi sa kanya na sana nga ay totoo ko nalang siyang Anak. Dahil sa kanya ko ito nakita.

  Kabaligtaran naman para kay Hendrix na sana nga ay hindi ko na lang naging Anak. Siguro ay napaka saya ko sa piling ni Hendrix kung nagkapalit sila ni Kenji.

  " Hendrix... "

  Mahinang bulong ko pa habang nakayakap ako kay Ken at iniisip nalang na si Hendrix ang nasa harapan ko.

POV: As A Mom, As A Wife ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon