76 - The Law of Attraction

173 1 1
                                    

  Tila wala naman ako sa sarili ng makarating kami sa Haneda Airport at habang patuloy din naman napapahikbi dahil sa sama ng loob. Dahil pakiramdam ko ay kaytagal niya ako niloko. Maaari naman siyang maging tapat sa akin diba?
 
  "Watashitachi wa koko ni iru...kokusai kūkō Haneda." (We are here at Haneda Airport) Napapiling na sabi pa niya sa amin ni Amina, ng mapansin niyang hindi pa din ako natitinag at bumababa sa taxi.
 
  "Dōmo arigatō.." agad na bawi ko naman ng sandaling matauhan ako. "Gomen'nasai, sensei" (I'm so sorry Sir)
 
 
  "Ā, sorede ī yo, utsukushī josei yo" (Ohh, that's ok Miss Beautiful lady) "No probrem" english pa niya.
 
  Nagbow naman siya agad sa akin na tinugon ko din naman bilang paggalang.
 
  "Tara na Baby..."
 
  Mabilis naman kaming bumaba ng taxi ni Amina. At di din namalayang napaupo nalang ako sa isang bench at muling umiyak ng umiyak. Bagay na naging kakampi ko na yata dito sa Japan.
 
  "Ihhh bakit kaka-cry ka pa din Mommy? Diba diba dapat happy na tayo wa." Naguguluhang tanong pa niya sa akin.
 
  Subalit paano ko nga ba sasabihin sa kanya?
 
  Na nasaktan ako ng sobra sa nakita ko kanina.
 
  Pero nagseselos ba ako?
 
  Mabilis naman akong napailing at yumuko habang hawak ang aking mukha.
 
  At tama, ito na ang unang pagkakataong umiyak ako dahil sa kanya. At mabuting sabihin na ito ang unang pagkakataong pina-iyak ako ni Ken.
 
  "Eehhh Mommy, bakit di pa tayo sasakay airplane?" Muli namang pangungulit niya.
 
  Yumakap naman ako sa kanya.
 
  "Sorry Baby, diba maaga pa nan huh? Pwede bang dito lng muna tayo?" sabi ko pa.
 
  Mabilis naman siyang tumango.
 
  "Happy naman Amina kahit dito tayo eh. Kung ayaw mo pa umuwi, ok lang naman sa akin Mommy. Pero lalamig kasi eh. Dami-dami snow ako kikita ohh." Sabi pa niya.
 
  Umiling naman ako sa kanya.
 
  "Hindi, uuwi na tayo Baby. At pagdating natin sa Pilipinas wala yung mga snow na nakikita mo diba?"
 
  Hindi naman na siya kumibo pa.
 
  At nagulat pa ako ng mapansin akong may nakatayo sa harapan namin.
 
  "Hayyss, at eto na naman siya, ang kaisa isang angel na iyakin." Napapailing pang sabi niya tsaka iniabot sa akin ang kanyang panyo.
 
  Halatang hinihingal pa ito habang nakatayo sa harapan namin. Dahil sa mabilis nitong paghinga.
 
  "Bakit ka nandito?" Nakairap na sita ko pa sa kanya.
 
  "Natural hahabulin kita Mommy Bijjin, dahil ito naman talaga ang dapat diba? Nagtataka nga ako dahil bigla kang nag walkout."
 
  Muli naman akong tumingin ng masama sa kanya.
 
  "Bakit ka umalis sa gig? Paano ang mga ka-banda mo?"
 
  Ngumiti naman siya at tumabi sa amin ni Amina.
 
  "Alam mo bang kanina ko pa kayo hinahanap. At dito ko lang pala kayo makikita." Nakangiting sabi pa niya habang nakatingin lang sa malayo.
 
  "At sino ba ang maysabing hanapin mo kami Ken? Uuwi na kami, at bakit kailangan mo pa kaming hanapin? Sira ka ba?" Inis na sabi ko.
 
  Napatawa naman siya sa sinabi ko.
 
  "Dahil mahalaga kayo sa akin, lalo na ikaw Kathleen. Teka nga muna, bakit ba kasi galit sa akin Mommy Bijjin? Ano ba kasi ang kasalanan ko? Alam mo bang nag rehearsal kami ng husto para lang sa song na yon na para talaga sa iyo, tapos magwa walkout ka lang pala?"
 
  Hindi naman ako kumibo at patuloy lang na nakuyo at hindi tumitingin sa kanya.
 
  HE SIGHED FOR A WHILE. At sandaling tumingala bago humarap sa akin...
 
  "Ang mabuti pa ay iiuwi ko na kayo sa Apartment." Sabi pa niya.
 
  Mabilis namang napa angat ang mukha ko at galit na hinarap siya.
 
  "Baliw ka ba? O sadyang ganyan ka lang talaga? Alam mo namang uuwi kami ng Pilipinas tapos ay aayain mo kaming bumalik sa Apartment?" Napapailing na sabi ko pa.
 
  Natawa naman siya.
 
  "Oo matagal ng Kathleen. Isa pa ay dahil cancel na ang lahat ng flight Mommy Bijjin. Dahil na din sa napakalakas na snow storm. Ang mabuti pa ay ibo book ko nalang kayo ng panibagong flight, para naman hindi na kayo maghintay dito kung kailan kayo matutuloy diba. But for the mean time ay umuwi muna tayo, ok. Di kaba naawa kay Baby Amina ha?"
 
  Hindi ko naman siya pinansin at mabilis na tumayo at isa-isang kinuha ang luggage namin tsaka inakay si Amina. At tama nga siya dahil hindi ko napansin ang malaking annoucement ng cancellation ng flight na halos nasa harapan ko lang pala.
 
  "Matte ite kudasai... Mommy Bijjin" (Please wait for me)
 
  Hindi ko naman siya pinansin habang ngayon ay nakatayo na kami sa Taxi Bay.
 
  "Ikaw ang lalake, at wala kabang mga paa para mahabol kami huh?" mataray na sabi ko pa habang hindi naman ako tumitingin sa kanya.
 
  Napakamot naman siya sa ulo at kinuha ang mga bagahe ko.
 
  "Ako na diyan Mommy Bijjin."
 
  Hindi naman ako tumanggi at hinayaan siyang bitbitin ito lahat.
 
  SA APARTMENT
 
  Wala naman akong kibuan habang busy akong pinapatulog si Amina. Masyado din kasi siyang napagod sa byahe namin at dagdag pa ang extreme cool weather sa labas.
 
  "Alamo mo, makakatulog na din niyan si Baby agad dahil may heater dito sa Apartment mo." Sabi pa niya na hindi ko naman pinansin bago ko din siya inihiga sa kama.
 
  "Pwede ka ng umalis Ken." Malamig na sabi ko pa sa kanya.
 
  "Paano kung sabihin kong hindi ako aalis dito dahil sasamahan ko kayo." Matatag na sabi pa niya.
 
  "Pwes palalayasin pa din kita Ken." Inis na sabi ko.
 
  "Ano ba kasi ang problema natin Mommy Bijjin? Baka pwede mo ng sabihin ngayon tulog na si Amina diba?" Sabi pa niya.
 
  "Ang problema ko ay nandito ka pa din Ken. Dati kasi ay umaalis kana kapag napatulog ko na si Amina diba?"
 
  "Dahil gaya ng sabi ko ay hindi ako aalis diba?"
 
  "Makakahabol kapa sa gig mo. At tsaka yung girlfriend mo naiinip na din sa iyo diba." finally ay nasabi ko sa kanya.
 
  Natawa naman siya.
 
  "At sino namang girlfriend huh? Yan ba ang dahilan kaya nagkakaganyan ka huh?"
 
  Hindi naman ako kumibo at mabilis na tumalikod sa kanya.
 
  "Gets ko na, sana hindi ka nag walkout para nakita mo na hindi naman niya ako nahalikan dahil umiwas ako. At sana din hindi ka umalis para nadinig mo din ang pagpapaalam ko sa mga fans namin na susundan ko ang babaeng magihing girlfriend ko. At sana din ay hindi ka nag walkout dahil plano ko talagang iharap ka sa kanila sa stage sabihin din sa kanila na ikaw ang pinakamamahal kong si Mommy Bijjin at ganon din naman ang Anak mo na ituturing ko na ding Anak ko. At sa tingin mo ba ay kung gf ko talaga siya ay papayag ba siya na iwan ko ang gig para lang habulin ka huh?"
 
  Sandali naman akong natigilan.
 
  "Aminin mo, nagseselos kaba?"
 
  "At bakit naman ako magseselos? Sino kaba?"
 
  " Jibun?" (Me?) Ako lang naman si Kenji, ang lalakeng mahal na mahal ka."
 
  Mabilis naman niya akong niyakap.
 
  Pumiglas ako, subalit mas humigpit ang pagyakap niya.
 
  "Bitawan mo ako please..."
 
  Natawa naman siya.
 
  "Bibitawan lang kita kung aaminin mong nagselos ka kanina..."
 
  Sandali naman akong napatitig sa kanya at,
 
  "Hai!" (Yes)
 
  Lalo namang humigpit ang pagyakap niya.
 
  "Sabi mo bibitawan mo ako kapag umamin na ako?" Sabi ko pa.
 
  "Sabihin na nating nagsingaling ako. At bakit naman kita bibitawan? Ang sarap kaya sa pakiramdam habang yakap kita."
 
  "Pero uuwi na ako Ken, masasaktan ka lang."
 
  Umiiling iling siya...
 
  "Sorry pero hindi na ako papayag na umuwi ka Mommy Bijjin, para lang saktan nila."
 
  "Ken?..."
 
  "Ngayon akin kana. Ay bakit pa nga ba ako papayag na umalis ka?"
 
  Napailing ako...
 
  "Mas mahal ko pa din si Hendrix. Siya pa din ang buhay ko."
 
  "Alam ko, pero mas mahal naman kita. Aishitero Katleen... (I love you) Anata o totemo aishiteimasu (sobrang mahal kita)"
 
  Hindi na ako nakakibo sandaling tumitig sa kanya.
 
  Na tila hinahanap ang senseridad nito.
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

POV: As A Mom, As A Wife ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon