𝑪𝑯𝑨𝑷𝑻𝑬𝑹 3🍂

65 2 0
                                    


Masigla ang hangin kasabay ng malambing na tugtugin. Ang venue ay pinaganda ng mga kislap ng ilaw at mga bulaklak, na lumikha ng mainit at nakakaaliw na atmospera.

Nakadamit ang mga bisita ng magkakaibang istilong damit, mula sa chic na cocktail dresses hanggang sa smart casual outfits, na nagpapakita ng sosyal ngunit kaaya-ayang vibe ng okasyon.

Ang boutique mismo ay maganda ang disenyo, may mga rack ng mga damit na nagpapakita ng pinakabagong koleksyon at mga display ng mga accessories na nakakapukaw ng pansin.

Nang pumasok ako, napansin kong napatingin sila sa akin, ngunit pinagsawalang-bahala ko na lang iyon. Parang ngayon lang yata sila naka kita ng maganda. Grabe, ang taas ng confidence ko, 'di ba?

I spotted Summer across the room, greeting guests. Napansin niya ako at masayang nag-wave, inanyayahan akong sumama sa kanya sa gitna ng karamihan.

Habang lumalapit ako kay Summer, binati niya ako ng maligayang ngiti.

"Natutuwa ako na nakarating ka at mas lalo kang gumanda, Doc. Breatina," sabi niya nang may mainit na pagtanggap. Nagpasalamat na lamang ako at sinabi ring napakaganda nito. Totoong  na napakaganda ni Summer dahil narin may dugong banyaga ito.

Summer pulled me aside to express her gratitude once more for coming. I smiled warmly,

"I'm happy to be here. Congratulations on the new branch. It's truly impressive," I replied sincerely.

Ang pag-aalalang nadama ko kanina ay parang nawala na sa gitna ng kasiyahan kasama si Summer at ang iba pang mga bisita. Habang tumatagal ang gabi, natagpuan ko ang sarili kong abala sa mga usapan tungkol sa mga kasuotan. Ilan pang oras ang lumipas bago ko naisipang lumabas para magpahangin.

I told Summer that I was going outside for a while to get some fresh air. She nodded and said, "Be back in a minute." I just nodded to her

Stepping outside, I wandered into the boutique's garden.

Habang tinitingnan ko ang paligid, I noticed a couple kissing nearby, which made me feel uneasy since this wasn't the place for such intimate moments. When the man pulled away, Our eyes met, and I instantly recognized him. Siya nga yung lalaking tinulungan ko.

A chill ran down my spine as memories of our previous interaction flooded back. Kitang-kita sa kanyang mukha ang pagkagulat, parang nakilala rin niya ako. Naramdaman ko ang pagkabigla at pagkabahala, kaya't agad akong umiwas ng tingin, nagpapanggap na hindi ko siya napansin. La la la, wala akong nakita sabay dahan-dahang naglakad palayo sa kanila.

But before I could go back inside, Summer noticed me and came over with a smile.

"Hey! I was just looking for you," she said warmly. Before I could respond, I saw Summer glance behind me. I was surprised when she called out, "Kuya!"

Napalingon ako sa tinutukoy ni Summer na kuya, at hindi nga ako nagkakamali, tinawag niya na kuya ang lalaking yun.

I was taken aback to realize that guy was Summer's brother. I hesitated, unsure of whether to approach or keep my distance. Naramdaman ko naman na hininila ako ni Summer at bahagyang lumapit sa kanyang kuya.

Muling nagtagpo ang aming mga mata kaya umiwas ako. Narinig ko si Summer na tinanong ang kuya niya kung sino ang kasama nito.

"She's just a friend." He said

Napalingon ako sa babae. Ang kanyang mukha ay bahagyang namula siguro dahil sa hiya.

"Hindi ako kaibigan, girlfriend ako," mariing sinabi niya, habang hinigpitan ang hawak sa braso ng lalaki.

𝗦𝗲𝗮𝘀𝗼𝗻𝘀 𝚠𝚒𝚝𝚑 𝕪𝕠𝕦Where stories live. Discover now