Piyesta noon sa aming bayan,kaya nagkaayaan kaming magkakaibigan pumasyal doon sa bayan. Nanood kami ng Basketball, at nang magsawa, napagpasyahan naming tumambay at magpahinga sa parke sa plaza.
Tatlo kami, Ako, si Sheryll at Aira. Gabi na pero di namin alintana ang oras,ang mahalaga kasi sa amin ng mga panahong iyon ay masaya kaming magkakasama na tila walang iniintinding problema. Ilang oras pa ang lumipas,nang tuluyan na naming napagpasyahang umuwi.
Nasa may exit na kami ng parke,nang matanaw namin ang isang grupong nag-iinuman. Lima sila, purong mga lalaki, at isa na doon ang dating kaklase ko na si Erwin. Pagtapat namin doon,tinawag ako ni Erwin at inayang lumapit sa kanila.
Hindi ako tumanggi, tumango agad ako, sa isip ko " kilala ko naman si Erwin, mabait siya."
Kaya inaya ko na din ang dalawang kaibigan ko. Pagdating namin sa pwesto nila, agad na inalok ako ni Erwin na tumagay, nung una umayaw ako. Dahil hindi naman talaga ako umiinom ng alak. Pero nagpumilit siya at sinabing "minsan lang naman eh"
Kaya pinagbigyan ko,at agad na inabot ang maliit na basong naglalaman ng alak. Nilagok ko ito at agad kong nalasahan ang pait at naramdaman kong gumuhit ito sa aking lalamunan. Narinig kong nagpasalamat siya sa pagpapaunlak ko. Agad naman akong nagpaalam upang makauwi na kami. Mayamaya pa, ay nakaramdam na ako ng kakaiba. Umiikot ang paningin ko, biglang nanlambot ang mga tuhod ko, at ramdam kong bumigat ang mga talukap ko. Nanlalabo man ang paningin ko ay pinilit ko pa ring tignan ang mga kaibigan ko, ngunit sa kasamaang palad wala na sila. Hindi ko alam kung saan nagpunta. Mayamaya pa ay narinig kong sumigaw ang isa sa mga kasama ni Erwin,at sinabing "tara,may curfew na!" Naalarma ako,ayokong mahuli dahil ayokong malaman ng Lola ko na uminom ako ng alak. Tiyak,magagalit iyon. Kaya wala na akong nagawa kundi ang tumakbo. Tumakbo ako ng tumakbo kahit na nahihilo ako,hanggang sa tuluyan na nga akong madapa at mawalan ng malay.
Nang magkamalay ako,hindi ko alam kung paanong ako nakarating sa lugar na iyon. Nakahiga ako sa lupa,sa harapan ng isang tindahan. Inikot ko ang mga mata ko,maliwanag na. At may mga tao sa paligid ko,pero sa iba nakatuon ang atensyon nila,hindi sakin. Napaisip ako noon, ilang oras na akong nakahiga doon, sino ang naglagay sa akin doon,at ano ang nangyari.
Sinubukan kong alalahanin ang mga nangyari, pero wala akong maalala. Kaya sinubukan ko nalang tumayo, para makauwi na ako. Pero laking gulat ko dahil hindi ako makatayo, nanghihina ako. Masakit ang katawan ko. Hihingi na sana ako ng tulong, nang saktong dumating ang ate ng kaklase ko,may dala-dalang kumot. Ibinalot niya muna yun sa akin at tsaka ako tinulungang tumayo. Inalalayan niya akong maglakad, at sabi niya dun na muna ako sa bahay nila. Pagdating namin noon sa bahay nila, agad niya akong ipinasok at maingat na inihiga sa kama niya. Nagpaalam lang ito sandali pero agad ding bumalik na may dalang isang mangkok, isang palanggana at pamunas. Sabi niya punasan daw muna niya ako habang pinalalamig yung lugaw. Wala akong ibang maitugon noon kundi TANGO lang. Dahil wala akong lakas para magsalita na tila isang pipi. Pagkatapos ay binihisan niya ako. Habang hinuhubad ko yung panty ko,napansin kong may dugo!!
Laking gulat ko,paanong nawala iyon ng hindi ko man lang namamalayan? Ang bigat sa pakiramdam. Para akong ninakawan ng walang kamuang-muang. Nag-umpisa ng mag-unahan ang mga luha ko sa paglabas,hanggang sa magmistulang bagyo na ito sa lakas ng agos. Naramdaman ko namang niyakap niya ako, ni Ate Julie, ate ng kaklase ko. Pilit na pinatatahan ako, pero tila wala sa bukabolaryo ko ang salitang KALMA. Dahil iisa lang ang tumatakbo sa isip ko nang mga panahon iyon, MANANAGOT SA AKIN KUNG SINO MAN ANG MAY GAWA NITO. HINDING-HINDI KO SIYA KAKAAWAN HANGGANG SA SIYA NA MISMO ANG MAGMAKAAWA SA AKING PATAYIN KO SIYA DAHIL HINDI NA NIYA KAYA ANG SAKIT!! ISINUSUMPA KO!!
YOU ARE READING
My Sweet Revenge
Non-FictionYou only want revenge. But you never think you'll fall in love, at the wrong time. Are you ready to forget the bitterness of the past, and start anew? Or will you choose to forget your feelings so that you can achieve the justice that the world can'...