Chapter 4

0 0 0
                                    


" FiRST BLOOD! "
.
" Cheers! "
Then we both cheers in unison.
Ipinagdiriwang namin ngayon,ang unang beses ng pagkakatagumpay ko sa pagpatay sa isa sa kanila.
Nag-iinuman kaming dalawa ni Kurt. Bawat pagragasa ng mainit na likido sa aking lalamunan ay tila may kung anong kiliti akong nararamdaman.

GALAK!

Oo,nagagalak ako,dahil sa unang pagkakataon palang ay nagtagumpay na ako. Humanda ang natitirang tatlo. Bawat isa sa kanila ay espesyal ang naka planong pagkamatay nila.
.
" Congrat's,Devon! Akala ko hindi mo maisasakatuparan ang unang misyon mo!"
Napalingon kami ni Kurt sa may maindoor,dahil biglang may pumapalakpak.
.
" Thank you,Tito"
sagot ko at nakipag besobeso sa kanya.

Ganun din ang ginawa ni Kurt.
.
" I'm so proud of you. Kasi naman,bibihira lang yan lalo na sa mga katulad mong baguhan."
Naupo siya sa tabi ni Kurt,at tinagayan niya ito ng alak.
.
" Talagang hindi ako magdadalawang isip,lalo na kung sa mga katulad nilang mga nilalang!"
Nilagok kong muli ang alak.
.
May inilabas si Tito mula sa kanyang jacket. Isang naka plastik na kulay puti ang laman. Parang tawas pero buo buo. Alam kong droga ito. Kusang sumilay ang ngiti sa aking mukha,ganun din si Kurt.
Ang sarap,sarap sa pakiramdam.

~
"Mam?"
Habol hiningang tawag sa akin ni Aries.
.
"Ano?"
Sagot ko,at saglit kong itinigil ang paglilinis ng kuko ko. Gusto ko ako lang naglilinis sa mga kuko ko,wala akong tiwala sa iba.
.
" Si Regie,nakabalik na sa bayan galing Amerika."
.
Bigla akong natawa sa narinig ko.
" Osige,maghanda ka at aalis tayo mamaya din. Tatapusin ko lang ito."
.
Umoo naman agad siya at umalis.
Pagkatapos ko ay agad kong pinuntahan si Kurt sa kanyang kwarto. Nakailang katok na ako,pero hindi pa rin niya binubuksan.
.
" Mag-iiwan nalang ako ng sulat. Tulog mantika talaga itong gagung ito."
At agad akong tumalikod. Bumalik ako sa kwarto ko,agad na nag-ayos ng mga dadalhin.
.
Kinagabihan,pinauna ko na si Aries sa hotel na pinagcheck inan ko. Siya ang ginawa kong driver. Tig isang kwarto ang kinuha ko. May dadaanan lang ako,at agad ding uuwi. Bukas ko pa uumpisahan si Regie.

My Sweet RevengeWhere stories live. Discover now