Chapter 5

0 0 0
                                    


Nagising ako sa ingay na nanggagaling sa phone ko.
Agad kong kinuha ito at sinagot.
.
" Ang aga naman,Kurt. "  inis kong bungad dito.
.
"Sorry, pero kailangan mong malaman ito. "
.
" Ang alin? " may halong pagtatakang tanong ko.
.
"Naaalala mo ung pinakontak sakin ni Tito last month? Ung big time drug lord sa Amerika?"
.
" Ohh?"  tanong ko.
.
"Alam mo kung sino?  Ama ni Regie.
.
Napabalikwas ako sa narinig ko.
" Niiice! " sigaw ko.
.
" Shit, Saraaaah!  Masakit sa tenga!! " sigaw niya, na siyang ikinainis ko.
.
"Bakit ba? Ehh sa masaya ako? " pagtataray ko.
.
Narinig kong bumuntong hininga muna siya bago sumagot. " Ikaw ang makikipagtransaksyon. Dahil si Regie mismo ang pag-aabutan mo nito. At ikaw na ang bahala sa lahat."
.
Sumilay ang ngiti sa aking mga labi pagkasabi niya nun. Na tila musika ito sa aking pandinig. Kaya agad akong umoo at pinag-usapan namin ang mga susunod kong gagawin.
.
.
--
Kakarating ko lang dito sa isang sikat na casino, kung saan napagkasunduan namin na pagkikitaan, dahil dito nag aaksaya ng pera ang pamilya ni Regie. Naglalakad pa lang ako nang may tumawag sa pangalan ko,bandang likuran ko. Pamilyar sa akin ang boses na iyon,kaya hindi ako pwedeng magkamali kung sino ito. Huminto ako sa paglalakad,lumingon ako sa likuran ko. At tama nga ako,siya nga. Agad ko siyang nilapitan ng may matamis na ngiti.
"You're Regie, right?  Regie Montemayor? " malambing kong tanong at dahan-dahang pinitik ang mahaba at wavy kong buhok. Na tinernuhan ko ng black dress na sinadya kong magbakat ang hubog ng katawan ko at mataas na boots.
.
Agad niyang inilahad ang kanyang kanang kamay. At tumango.
.
Tinanggap ko ang kanyang palad at bumeso sa kanya. Nagulat pa siya pero agad ding nawala ng iniangkla ko ang aking braso sa kanya.
.
" Tara sa kotse ko?" Agarang tanong niya.
.
Nginusuan ko siya.
" Ba't ang bilis naman? Hindi mo man lang ba ako kakamustahin? Ang layo layo kaya ng binyahe ko."
Pag iinarte ko,na tila batang nagtatampo.
.
"Okay,okay. Sige. Let's talk in a private place. Saan mo gustong magpunta?" Tanong niya habang hinahawi ang bangs ko patungo sa likod ng tainga ko.
.
"Kahit saan,basta kasama ka" kinindatan ko siya,na siyang ikinatawa niya. Napangiti ako,dahil nararamdaman kong napapasakay ko siya.
.
" Ang sweet mo naman. Ang swerte siguro ng boyfriend mo." Wika niya habang magkaangkla kami at tinatahak namin ang daan palabas ng casino.
.
"Wala pa kaya akong boyfriend. Magkakaroon palang." nakangiti kong sagot at agad na pumasok sa kotse pagkabukas niya.
.
Pagkasakay niya,pinaayos ko sa kanya ang seat belt. Kunwariy di ako marunong. Magkatabi kami dito sa harap. Pagtapos niya ayusin,humarap siya sakin at sumagot. " Then who's that lucky boy?".
.
"Ikaw!"
Nanlaki ang mata niya sa sagot ko.
.
"Whoooaah!"
Sigaw niya at pasipul-sipol pa tsaka pinaandar ang sasakyan niya.

Sige lang,magsaya ka ngayon. Huling beses ka ng makakaramdam ng saya ngayon. Dahil hindi magtatagal,matitikman mo na rin ang napakatamis mong kamatayan.

My Sweet RevengeWhere stories live. Discover now