PAGKALiPAS NG ISANG BUWAN
- KASALUKUYAN -
.
Tahimik lang akong nakaupo sa kubo, nag-iisip ng mga plano. Hinding-hindi ko mapapatawad ang gumawa sakin nito. At malakas ang kutob kong may kinalaman dito si Erwin.
Ilang minuto din ang lumipas, nang marinig kong sumisigaw ang aking Ina, tinatawag ako.
" Sarah, may good news ako sayo, anak."
bakas sa mukha nito ang kasiyahan." Ano po yun, Ma? "
walang ganang sagot ko, nakatuon sa malayo ang paningin ko." Kakarating lang ng kaibigan ng Papa mo,taga bayan,kasama ang anak niyang lalaki. At handa daw siyang tumistigo."
Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa, pero sa sandaling ito ay nakabuo na ako ng plano.
.
.
- PRESiNTO -
P1: Iha, kilala mo ba ang lalaking ito?" Tukoy ng pulis sa testigo.
Umoo ako.
P1: Nandun ba siya nung gabing iyun?"
" Opo."
Pagkatapos mag tanong, ay agad naming pinuntahan ang lugar kung saan ako nadapa bago ako mawalan ng malay. Ipinaturo din kung saan ako nakahiga,yung muling nagkamalay ako.
.
- KORTE -
Mabilis ang naging imbistigasyon, sa tulong na rin ni Rustom, ang tistigo.
At tama nga ang hinala ko,may kinalaman si Erwin, na anak ng Mayor namin. Kasama ang mga tropa niyang si Rigor (may asawa at isang anak)
Felix (pinsan ni Erwin)
at Michael (malapit ng sumakay ng barko)
Hindi na ako nagulat, dahil alam ko namang sila bago pa kami umabot dito sa korte. Kumukulo ang dugo ko habang pinakikinggan ang mga pinagsasasabi nila. Halatang planado ang mga salaysay nila, na gf daw ako ni Erwin,at inakit ko silang tatlo nang walang kaalam alam si Erwin. Akala siguro nila magagalit ako, natatawa nga ako eh. Kung pwede lang humagalpak sa tawa ngayon,ginawa ko na.
Mayamaya pa, tinawag na ng Atty.namin ang testigo, si Rustom.
Nakangiti lang akong pinagmamasdan sila, halata sa mukha nila ang pagkagulat. Na ang lalaking kasama nila nang gabing iyon ay naririto upang ipagkanulo sila.
ATTY. Namin : paki salaysay mo nga ang buong nangyari nang gabing iyon.
.
RUSTOM: Nag-iinuman po kami nun, sa plaza. Nang narinig kung may tinawag si Erwin, si Sarah. Nang makalapit samin si Sarah, kasama ang dalawang babae,ay inalok niya si Sarah uminom ng alak. Pero mariin na tumanggi si Sarah. Kaso pinilit ni Erwin, kaya walang nagawa si Sarah.
.
ATTY.: " Pagkatapos inumin ni Sarah ung alak,nakaramdam siya ng pagkahilo. May inilagay ba kayo dito? O may inihalo sa alak?"
.
RUSTOM: Opo. Nakita kong nilagyan ni Erwin ng kaunting Vetsin ito,bago iabot kay Sarah. Nilagay na nya ito bago pa sila makalapit sa amin.
.
ATTY. : Ano ang kaugnayan mo kay Erwin, at sa mga kasama niya?
.
RUSTOM: Magkababata po kaming lahat, magkakaibigan po.
.
ATTY.: Sila Erwin at Sarah,magkaano-ano?"
.
RUSTOM: Wala po. Imposible ring maging girlfriend niya ito,dahil lahat ng nagiging girlfriend niya ay ipinapakilala niya sa amin. Pero nung gabing yun lang namin nakita si Sarah.
.
ATTY. : Samakatwid,hindi sila magkasintahan?
.
RUSTOM: Opo.
.
ATTY. : Biglang nawala ang mga kasama ni Sarah,saan sila nagpunta?"
.
RUSTOM: Pasimpleng sinenyasan ni Erwin na umalis. Umiling sila,pero tinakot ni Erwin,pinakita niya ung baril niya.
.
ATTY.: Maari mo bang ipagpatuloy na ilahad ang mga sumunod na nangyari?"
.
RUSTOM: Sumigaw sila Erwin at Felix na may curfew,pero ang totoo wala. Tumakbo sila pero ako nagtago sa damuhan,pinagmamasdan ko lang si Sarah na pasuray suray. Nakaramdam ako ng awa sa kanya. Hanggang sa tuluyan na nga itong matumba. Nakaabang noon silang apat sa may madilim na parte,nang makita nilang natumba si Sarah,agad nila itong nilapitan. Lumapit din ako,para awatin sila,at sinabi kong pabayaan nalang nila roon si Sarah. Pero nagalit si Erwin,wag daw ako makialam. Wala akong nagawa. Binuhat ni Felix si Sarah, dinala nila ito sa cottage, malapit lang kasi un sa dagat. Inihiga nila ito,at doon hinalay. Nagkamalay si Sarah,pero saglit lang. Nagmamakaawa siya,itigil na daw nila. Pero hindi nila ito pinakinggan. Hanggang sa mawalan nanaman ng malay si Sarah. Naaawa na ako nun,naisip ko kasi,may ate ako. Kaya tumayo ako sa buhanginan at pumasok sa cottage. Binuhat ko si Sarah,nung una nagalit sila pero di ko na sila pinakinggan. Dinala ko siya sa isang tindahan,inihiga ko siya dun. Binantayan ko siya hanggang sa mag umaga. Nang gumalaw na siya,agad akong umalis,at umuwi na.
.
.
SARAH: Your Honor! Iaatras ko na po ang kaso.
.
Pagkasabi ko nun ay agad akong umalis at dumiretso sa kotse namin. Kinuha ko agad ang bag ko at inilibas ang phone ko. Agad kong idinial ang isang numero. Nakailang ring,sa wakas sinagot niya rin.
"Kurt,si Sarah ito. Sunduin mo ako ngayon din."
Binigay ko ang address kung saan ako naghihintay sa kanya. Wala pang kalahating oras,ay dumating na siya. Habang nakasakay ako sa kotse niya,unti-unti ko ng nabubuo ang magiging plano ko. Malaki ang gagampanan dito ni Kurt dahil isang maimpluwensiyang pamilya sila dito sa probinsiya namin. Buo na ang desisyon ko. Ako mismo sa sarili ko naniniwalang talo ako sa kaso,tama nga si Kurt. Kaya ako ang gagawa ng hustisya para sa sarili ko.
YOU ARE READING
My Sweet Revenge
Non-FictionYou only want revenge. But you never think you'll fall in love, at the wrong time. Are you ready to forget the bitterness of the past, and start anew? Or will you choose to forget your feelings so that you can achieve the justice that the world can'...