Chapter 6

0 0 0
                                    


.
Kakarating lang namin, dito sa condo ni Regie. Mukhang mapapaaga ang  pagsasakatuparan ng mga plano ko ah.
Pagkababa namin ng kotse,pumasok agad kami ng elevator ng magkaholding hands at pinindot niya ang numero tres. Mayamaya pa ay tumunog na,senyales na narito na kami sa ikatlong palapag. Paglabas,agad na tinahak namin ang daan patungo sa unit niya. Itinipa nito ang passcode,at otomatikong nagbukas ang pinto.
Inanyayahan niya akong maupo sa kanyang sofa,at kukuha lang daw siya ng makakain.
Habang wala siya,nililibot ko ang aking mga mata sa loob. Tumayo ako upang tignan ng malapitan ang isang larawan ng babaeng hubad na may ahas na nakapulupot sa leeg nito. Hahawakan ko na sana nang maramdaman kong may mainit na hangin ang dumadampi sa aking batok. At dahan-dahang hinahalikan ito na para bang sabik na sabik ng makipagtalik. Sinalat ko patalikod ang kanyang mukha at dahan dahan ding inilalayo ang aking leeg sa kanya.
" Ambilis naman yata. Wala bang romansahan muna?" Panunukso ko.
.
Kitang-kita ko kung paano siya napalunok sa sinabi ko. "Ikaw naman. Ohh siya,kumain muna tayo. Tapos pag-usan natin yung tungkol sa kargada."
.
Sumimsim muna ako ng juice bago inumpisahang banggitin ang dahilan ng pagkikita namin.
"Nandyan lahat sa pouch ko ang droga."
.
Agad niya itong binuksan pag kaabot ko. Lumingon agad siya sakin na may nagtatakang ekspresyon sa mukha. "Hindi ba't sampung bilyon ang usapan?"
.
"Oo. May pasobra nga eh. Para sa ating dalawa." malambing kong sagot, na sinabayan ko ng kindat.
.
Halatang nagulat siya,at di makapaniwala sa narinig.
"SO? Gumagamit ka rin pala? Well,that's good!!" aniya at inumpisahang gamitin ang droga.
.
.
"Ahhh! Shiit! Whoaaah!!"
Sigaw niya pagkatapos humithit.

Napapailing nalang ako,mukhang nagiging abnormal nga talaga siya kapag nakakadroga. Gaya ng inireport saakin noon ni Aries.
~
Lumalalim na ang gabi,kailangan ko ng tapusin ang kagaguhan nito. Hindi ako pwedeng magpaabot ng umaga dito kasama siya.
Itinulak ko siya dahilan upang mapahiga siya sa kama. Imbis na magalit ito sa pagkakauntog ay tila nagustuhan niya iyon dahil sa nakasilay na ngiti sa kanyang mga labi. Umibabaw ako at inilislis ang dress ko pataas,dahilan upang mas lalo siyang mabaliw. Hinalikan ko ang kanyang puson,pataas ng dahan dahan. Nang marating ko ang kanyang labi ay mas ginalingan ko pa,dahilan upang umungol ito at sumagot sa bawat galaw ko. Ito na,ito na nga ang tamang oras para gawin ang plano ko. Itinaas ko ang kanang kamay ko patungo sa ulo ko,upang hugutin ang nakakubling kutsilyo. At ng makuha ko ito,ay agad kong itinarak sa mga mata ni Regie. Sumigaw siya sa sobrang sakit,umiiyak na natatawa. Abnormal nga talaga.
"Devoooon! Hayop ka! Nasaan ka?!"
.
Natatawa ako sa itsura niya. Kung kanina maamo ang kanyang mukha,ngayon ay tila tigreng namumula sa galit.
Sinamantala ko ang pagkakataong ito,upang magtungo sa kusina at kumuha ng itak. Nang makakuha ako ay binalikan ko si Regie. Naabutan ko siyang nakatayo,kinakapakapa ang paligid niya.
Tahimik lang ako habang pinagmamasdan siya. Nang makatiyempo ako,ay agad kong tinaga ang kanyang kanang braso. Sumirit ang dugo. Muli,ito ay napasigaw sa sakit. Tinaga ko ulit ang isa pang braso. Natumba siya,napaupo sa sahig. Lalapitan ko sana nang mahagip ng mga mata ko ang baseball bat. Kinuha ko ito at ipinalo sa kanya. Nang masigurong hindi na humihinga,nilapitan ko siya. Hinila ko at inihiga sa sofa. Pinulot ko ang dalawa niyang braso at ipinatong sa center table ng pa krus. Isinuksok ko naman ang mga droga sa kanyang mga mata pagkaalis ko ng eyeballs niya. Balak ko pa sanang lupitan ng biglang mag ring ang cp niya na nakapatong sa center table katabi ng mga braso. Nakita kong pangalan ng isang babae ang tumatawag. Agad akong tumayo,kinuha ko lahat ng gamit ko at inayos ang sarili ko. Bago ko tuluyang lisanin ang unit na un,ay kinontak ko si Aries.
.
"Yes mam,ginawan ko na po ng paraan ang mga CCTV,pati na rin yung Security guard.
.
.
--
Kinabukasan,maaga kong binuksan ang Tv,sigurado akong puputok ang pagkamatay niya. At tama nga ako,pero marami ang natuwa sa pagkamatay niya.

My Sweet RevengeWhere stories live. Discover now