Nakatayo lang ako dito sa balkonahe ng bahay ni Kurt. Iniisip ko ang pamilya ko. Kamusta na kaya sila. Gustung-gusto ko na silang dalawin,pero hindi pa pwede. Baka mabulilyaso ang tunay kong pagkatao. Mas maganda ng kalimutan ko muna sila saglit,para makamit ko ang hustisyang inaasam ko. Kailangan kong magpakatatag at magpakamanhid.
.
Ilang araw na ring hindi umuuwi si Kurt, ang sabi niya may dadalawin lang daw siyang kaanak. Ni tawag di niya magawa. Haays. Ako na nga lang tatawag sa kumag na un.
.
" Kurt?
.
"Sa- Ayy,Devon! Napatawag ka?
.
"Gosh ! Kurt! Ilang araw ka ng di umuuwi dito sa bahay!" pag-aalaa ko.
"Ni hindi ka nga tumatawag ehh"
.
May narinig akong nagsalita,may kasama pala siya.
"Oo nga naman,Pre! Di mo man lang kasi pinapaalam sa misis mo kung nasaan ka! Ayan tuloy." narinig kong nagtawanan sila.Naramdaman kong namula ung mukha ko. Bwisit ung kasama niya!! Ma end call nga!!
.
"Ayan,sigee! Tumawag ka ng tumawag! Manigas ka,Kurt!! Akala mo sasagutin ko? Tch! Letseee!" bulong ko sa sarili ko.
.
~
Kinabukasan,saktong kumakain ako ng almusal ay kakarating lang ni Aries."Kumain ka muna,mamaya na yang balita na yan. Sige na,maupo ka jan. Sabayan mo ako. Ay teka,tatawagin ko lang si Mikoy,para sabay sabay na tayo."
mahabang paliwanag ko.Tumango naman ito,kaya agad akong naglakad patungong hardin para tawagin si Mikoy.
.
Nalibot ko na ang Mansyon,bakit di ko makita? Out of coverage din. Haays. Teka,titignan ko sa labas ng gate. Naglakad ako agad mula swimming pool patungo sa gate. Binuksan ko ito,nagpalingalinga ako kaliwa't kanan,pero walang Mikoy akong nakita. Makabalik na nga sa kusina.
.
"Aries!" tawag ko habang paparating sa kusina. Tumayo naman agad ito at sumagot.
.
"Yes po mam?
.
"Si Mikoy?" nag aalalang tanong ko habang umuupo,sinenyasan ko rin siyang maupo.
.
"Hindi ko po alam,mam. Kagabi ko pa nga un di makontak eh.
.
"Ibig sabihin,kagabi pa siya nawawala?!" gulat kong tanong."Tara nga,tignan natin mga CCTV." aya ko,agad naman siyang tumayo at sumunod na may bitbit pang hotdog. Palihim akong natawa.
.
.
"Malinis na sana pagkakagawa mam,pero sumabit sila dun. Paki balik po. Dahan-dahan lang." suhestyon ni Aries.
.
"Oo nga noh? Pero bakit si Mikoy? Hindi ako?" nagtatakang tanong ko.
.
"Kasi alam nilang mahihirapan sila."
.
"Paano sila nakasisigurong tutulungan natin si Mikoy?"
.
"100% sure mam. Dahil importante si Mikoy kay sir Kurt. Siya ang nagligtas sa buhay nito,nung araw na pinatay ang bestfriend ni Sir. " paliwanag niya.
.
Napatango nalang ako. Sinabi niya kung saan posibleng dinala si Mikoy. Ipinakiusap niya na wag ko daw muna sabihin kay Kurt,kami nalang daw muna lumutas. Inaya ko na siyang bumaba para ipagpatuloy ang naudlot na pagkain.
Nasa kalagitnaan palang kami ng hagdan,nang may marinig kaming putok ng baril,tumagos ito sa glass door sa balkonahe.
.
"Shiit! Napasok ata tayo!! Dali,ung mga armas,Aries! Kunin natin sa kwarto ni Kurt!!" utos ko.
Agad naman siyang sumunod.
.
"Ako muna lalabas mam,dito ka na muna. Mas ligtaska po dito sa kwarto ni Sir. Hindi ito matatagusan ng bala. "
.
"Baka mapano ka." pag aalala ko.
.
"Palagi pong bilin ni Sir samin mam,ikaw muna bago kami." nginitian muna niya ako bago lumabas.
Tinawag ko ulit siya,nagpasalamat ako at sinabing mag-iingat siya. Biniro ko pa na yari siya kay Kurt kapag namatay siya. Tumawa lang siya.
.
Agad kong tinawagan si Kurt."Kurt!! Umuwi ka na!!"
.
"Bakit? Teka,anong ingay yun? Baril yun ahh?! Devon pumunta ka sa kwarto ko!" nag aalalang utos niya.
.
"Fuck,kanina pa ako nandirito. Si Aries,nasa labas." namumuo na ang luha sa mga mata ko.
"Kurt,p-please" garalgal kong sabi.
.
"Not now,Devon. Be strong. I'm on my way. Wag kang aalis jan ha? Kahit na anong mangyari,jan ka lang,unless sabihin ko.".
.
"Oo." matipid kong sagot.
.
"Mag pakatatag ka lang. Malapit na ako. Papunta na rin ang mafia jan,okay? Everything will be alright,okay?"
.
"Yeah."
.
.
--
Ilang oras din akong nandito sa loob ng kwarto,nakaupo lang ako sa kama ni Kurt. Wala na akong marinig na putukan.
.
Mayamaya pa ay nag bukas ang pinto ng kwarto.
Alam kong si Kurt iyun,dahil dalawa lang naman kaming nakakaalam ng passcode niya.
.
Iniluwa nito si Kurt. Bakas sa mukha nito ang matinding pag-aalala. At may dugo ang damit niya. Agad akong tumayo at maluha-luhang nilapitan siya.
.
" Halaa! Anong nangyari sayo!?" naiiyak kong tanong.
.
"Easy lang. Wala lang to. Binuhat ko kac si Mikoy. May tama ng bala."
.
Nakahinga ako ng maluwag.
" Nasaan na siya? Si Aries? Nasaan?" sunud-sunod kong tanong.
.
"Nasa guest room sila pareho. Ginagamot na,bukas pwede na natin silang puntahan.
.
Niyakap ako bigla ni Kurt,na siyang ikinagulat ko. Pero hinayaan ko lang siya."Akala ko hindi na kita maaabutan . Geez. Mula ngayon,dito na lang ako sa tabi mo. Abaah! Mahirap na nohh!"
mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sakin.
Kumawala ako sa yakap niya.
.
"Sorry,Kurt. Pero di pa ako tapos sa misyon ko. Ayoko muna ng distraksyon."
.
Pagkasabi ko nun ay hinalikan niya ako sa noo at sinabihang magpahinga. Tumango lang ako.
YOU ARE READING
My Sweet Revenge
Non-FictionYou only want revenge. But you never think you'll fall in love, at the wrong time. Are you ready to forget the bitterness of the past, and start anew? Or will you choose to forget your feelings so that you can achieve the justice that the world can'...