Chapter 8

0 0 0
                                    


.
Ilang araw na ang lumipas matapos kaming pasukin. Lumipat na rin kami ni Kurt ng tutuluyan. Panibagong bahay,panibagong plano. Dalawa nalang ang kailangan kong patayin,pagkatapos nun,makakamtan ko na ang inaasam-asam kong hustisya. Makakasama ko na rin ang pamilya ko. Matatahimik na rin ako.

Kahapon,ibinalita sa akin ni Aries na si Erwin ay tatakbo bilang isang Mayor sa kabilang bayan,kalapit ng aming lugar kung saan kami ngayon nakatira. Kung sinuswerte ka nga naman ohh.

" Eh kung kalabanin mo nalang kaya siya? " suhestiyon ni KURT.
Nandito kami ngayon sa sala,nag-uusap tungkol sa susunod na plano.
.
" Anong alam ko sa pulitiko?" pagtataray ko, tsaka sumimsim ng kape.
.
"Nandito naman ako,Devon eh." pagmamayabang niya.
Oo nga pala,nakalimutan kong nasa dugo na nila ang pagiging pulitiko. Pero hindi pa rin ako pwedeng pumasok sa ganung sistema.
.
"Tapos kapag namatay,ako paghihinalaan siyempre. Kalaban niya eh! Nag-iisip ka pa ba?" inis kong tanong dito at inirapan siya.
.
"Alam mo ang init ng ulo mo!" sigaw nito tsaka ako binugahan ng usok ng sigarilyo.
.
"Nakteteng naman ohh! Sinisigawan mo ako?" tinaasan ko siya ng kilay.
.
"Hindi po!" sagot niya.
.
"Good! Ganyan dapat,Kurt." pang-aasar ko sa kanya.

"Umayos ka,sasagutin pa kita." bulong ko sarili ko.
.
"Ano? " natatawang tanong niya.

Buti nalang bungol,haha.
.
"Wala!!" sigaw ko sabay tayo sa sofa.

Maglalakad na sana ako nang hilahin niya ang kamay ko.
.
"Ano nga kase?" nakangiting tanong niya.

Kuliiit nito.
.
"Wala nga kase! Isa pa,sasapakin na kita!" pinandilatan ko siya ng mata,at tuluyan na akong umalis.
.
.
~
Buo na ang desisyon ko. Gagamitin ko ang pera para makalapit kay Erwin. Kailangang mahulog siya sa paing.
.
Kinabukasan,maaga akong umalis sa bahay para pumunta sa kabilang bayan. Para manmanan ng personal si Erwin.
.
Pagdating ko,agad kong ipinarada ang kotse sa parking lot ng palengke. Sinadya kong mamili na rin ng ulam para makapagluto rin ako mamaya. Nakakamis ng kumain ng luto ko. Napipilitan akong mag diet kapag si Kurt ang nagluluto. Mapakla palagi ang lasa,kung minsan naman ay kung hindi maalat,maasim. Palibhasa laking mayaman,kaya walang alam sa pagluluto.
Agad akong bumaba ng kotse,at nagtungo na sa loob ng palengke. Maraming mga paninda,kumpleto di gaya ng palengke sa lugar namin,mangilan-ngilan lang ang nagtitinda.
Nang matanaw ko ang nagtitinda ng sugpo,agad akong lumapit dito. Nagsalita ang tindira.
"Niya kanyam,ading?" tanong nito habang nakangiti.
.
"Datuy sugpo,nanang. Sagmamanu?

"₱320 maysa kilo,ading." nakangiting sagot niya.
.
"Gatangek aminin,nanang. Tapnu makaawid kayun." sagot ko at tsaka dumukot ng pera sa wallet.
Mahigit limang libo lahat,pero ginawa kong anim na libo. Ayaw pa niyang tanggapin,pero pinilit ko. Sakto daw dahil ipambibili ng gamot ng anak niya. Nakaramdam ako ng awa,kaya nagprisinta akong ihatid siya sa kanila. Hindi naman siya nagdalawang isip,agad naman itong pumayag.
Habang tinatahak namin ang lugar,unti-unting nagiging pamilyar ito. Hanggang sa mapagtanto ko kung nasaan kami. Sa bayan namin.

"Ay ading,pakibaba nak lang ditan sangu tirsina." sambit ng matanda na siyang nagpabalik sa ulirat ko.

"Wen,nang." agad kong sagot.

Mayamaya pa ay ibinaba ko na siya. Nagpasalamat muna ito bago tuluyang umalis.
Liliko na sana ako nang mahagip ng mga mata ko ang isang babaeng nasa edad kwarenta.
Naka pambahay lang ito,nakapusod ang buhok,naliligo sa sariling pawis Marami itong daladala,na tila hirap na hirap. Nakaramdam ako ng awa sa babae,kaya pinaandar ko ang kotse ko patungo sa direksyon niya. Nang nasa harapan na niya ako,ibinaba ko agad ang bintana at tinawag siya.
.
"Maaa!"
.
Agad itong napalingon sa akin. Nagulat siya,at nagtanong. "Sarah?"
.
"Sssshhh! Wag ka maingay,ma. Tara,pasok ka muna. Patayin ko lang ung aircon." sambit ko,at agad na bumaba ng kotse para tulungan siya.
.
.
Dinala ko si mama dito sa hindi kilalang fastfood,para makapag-usap kami ng maayos at makakain na rin.
"Ma,satin nalang muna yung tungkol dito sa mukha ko ha?" paglalambing ko sa kanya.
Namiss ko yung ganito,yung naglalambing ako kay mama.
.
"Anak,delikado ang ginagawa mo. Itigil mo na ito at baka ikapahamak mo lang." nag-aalalang sermon niya.
.
"Gusto ko pong makamtan ang hustisya ma."matipid kong sagot.
.
"Pero anak,sa ibang paraan. Sa maayos na paraan,yung hindi ka mapapahamak." mangiyak iyak niyang paliwanag.
.
"Maaa. Alam naman nating pareho na wala tayong laban sa kanila sa ganung paraan . Pero sa paraang alam ko,meron. Lamang na lamang ako. Sila Regie at Felix,wala na. " nakangiti kong sagot.
.
Halatang nagulat siya sa sinabi ko. Nanlaki ang mga mata niya.
"Wag mo sabihing may kinalaman ka dun?" tanong niya.
.
"Opo. At ako mismo ang pumatay sa kanila." sagot ko na siyang ikinagulat niya.
.
"Haaa? Kasalanan yang ginawa mo. Hindi na kita kilala. Ibang Sarah ka na. Ang Sarah na kilala ko ay mabait at may konsensya." tuluyan na siyang napaiyak.

Geez.ayoko pa naman nakikitang umiiyak si mama.
.
"Pero ma,kasalanan nila kung bakit ko ito nagawa."
.
"Mahirap mamuhay nang may sama ng loob sa kapwa. Sana hindi pa huli ang lahat para sayo,bago mo maisipang magsisi."
.
Pagkasabi niya nun ay nagpahatid na siya.

My Sweet RevengeWhere stories live. Discover now